Ambon lang yan.
Chriden PoV
Takte! Wala nanaman akong naisagot sa quiz kanina. Nagreview naman ako kagabi. Minemorize ko pa nga yung parts of the brain eh. Lalo na yung hypothalamus at thalamus pero nung nasa hawak ko na ang test question ay wala talaga akong naisagot. Epekto ba ito ng cold coffee na ininom ko kanina? O epekto ng mga bagay na paulit ulit pumapasok sa isipan ko?
Kakainis!
Pangalawang exam na namin yun na alam kong bagsak ako!"Ano bang inuungot ungot mo diyang bakla ka!?" Pabalang na tanong sakin ni Sheryl.
"Alam ko kasing puro mali ang sagot ko sa exam" malungkot na sagot ko sa kanya.
"Buti nga may naisagot ka eh! Ako nga pinasa ko yung papel ko na pangalan lang ang nakalagay! Wag ka ngang maarte diyan!" Mataray na sabi niya.
Alam ko naman na walang isasagot si Sheryl eh. Hindi kasi marunong magreview yang babaeng yan!
"Den can we talk?" Biglang singit samin ni Jerome.
"Sige upo ka" ngiting sagot ko.
"No. Gusto ko sana sa ibang lugar.." Dugtong niya.
Tiningnan konsi Sheryl.
"Talk lang ha!? Walang tuwad tuwad ah!"
"Bastos ka talaga!" Sagot ko sa kanya.
Hindi na ako nagdalawang isip pang sumama kay Jerome. Halata ko rin naman na may gusto siyang sabihin dahil sa mga kinikilos niya nung mga nagdaang nga araw.
Hindi naman kami masyadong lumayo. Nandito kami ngayon sa E-Place. Umorder muna siya ng pagkain at isang bucket na sanmig light. (di talaga nawawala ang alak samin dati hanggang ngayon)
"Wala si Mam Taccad kaya wala na kayong last subject" sabi ni Jerome.
Teacher nga rin pala ni Jerome ngayon si Mam Taccad kaya alam niya na wala si Maam.
Binuksan niya ang dalawang bote ng sanmig at nilapit sakin ang isa.
"Don't worry I'll take you home" sabi nanaman niya.
May sanid yata itong taong to ah! Mukhang masyadong seryoso. Di ko tuloy magawang magbiro.
Kwentuhan muna kami tungkol sa mga walang kwentang bagay. Yung alam kong gumagawa muna siya ng ibang pag-uusapan bago niya ako diretsahin sa gusto niyang sabihin.
"Ano ba ang gusto mong pag-usapan talaga natin Jerome?" Lakas loob kong pag-iiba ng usapan. Puro kasi paligoy ligoy pa siya eh. Nakakatatlong sanmig na ako hindi pa namin pinag-uusapan yung gusto niyang sabihin.
"Do you really love Mark?"
Biglang diretsong seryoso niyang tanong sakin.
Hala! Bakit ganoon ang tanong niya?
"Ha?" Takang tanong ko.
"Mahal mo ba talaga si Mark?" Pag-uulit
Narinig ko naman yung tanong hindi ko naman sinabing ulitin niya. Ang ibig kong sabihin ay bakit ganoon nalang ang pagtatanong niya sakin. Hindi ako sanay ng ganito siya.
"Jerome hindi naman natin dap-"
"Just answer it" putol niya sa sasabihin ko.
Mahal ko nga ba si Mark?
Ilang minuto rin siguro ako napatitig sa ininom kong alak. Inisip at pinakiramdam ko kasi munang maigi ang puso ko.
"Gusto ko siya..." Mahinang sagot ko.
Inangat niya ang hawak niyang bote ng alak at ini-straight niya ang laman nito sabay bukas ulit ng panibagong bote.
Totoo naman ah! Gusto ko si Jaime. At hindi ko pwedeng ipagkaila ang nararamdaman ko. Ayoko maging sinungaling sa sarili ko at sa taong kaharap ko. Bakit? Hindi naman siguro masama para sakin ang magkagusto diba? Natural lang yun!
"Eh si Pa-"
"Hey! Nandito pala kayo! Hindi man lang kayo nagyayaya ah!" Biglang sigaw ni Allen kasama si Kerby at Brille na naging dahilan ngbpagkakaputol ng itatanong ni Jerome.
"Hi Den!" Bati ni Brille sakin.
"Hi..." Nahihiya kong bati.
Lumapit na sila sa table namin ni Jerome at umupo narin. Nagpadagdag na ng order si Allen at si Kerby naman sa pagkain.
"Oh nasan si Paul?" -Jerome.
Hala! Muntik ko na nga palang makalimutan na kaibigan nga pala ng mga tao si Paul.
"Yun nga ang itatanong namin sayo eh. Nasaan ba yun? Kanina pang umaga wala eh" sagot naman ni Allen.
"Haaay naku! Hayaan na nga muna natin yung lalaking yon! Baka may pinagbibisihan" -Brille.
Hindi ako sumasali sa usapan nila. Si Paul ang topic eh. Labas na ako diyan. Pabebe lang pero diko feel sa ngayon eh.
"Den sama ka samin sa EK nextweek" yaya sakin ni Kerby.
Wow ah! Parang wala lang sa kanya magyaya ah! Parang may pera ako pang-entrance!
"Ahh... Sensya na. Madami kasi kami ginagawa - may thesis na kami" pagtanggi ko sa alok niya.
"Ayyy! Baduy! Minsan na nga lang uli kami magyaya eh. Dali na" pamimilit parin niya sakin.
"Pasensya na talaga Kerby pero try ko kapag wala kaming gagawin o case study sasama ako" sagot ko.
"Oh ayan ah! Wala ng bawian! Sasama ka kasi siguradong wala kayong gagawin don" paninigurado niya.
"Teka maiba ako Den. Himala at hindi mo kasama si Lalabs mo?" Tanong naman ni Allen.
"Lalabs?" Takang tanong ko.
"Oo! As in LaLoves" ngiting panunukso ni Allen.
Tiningnan ko siya ng tingin na patanong.
"Sino pa edi si Mark!" Malakas na sagot ni Brille kasunod nun ay ang pagtawa.
"Loko talaga kayo!" Sagot ko at nakitawa narin ako.
Ayos ah! Magandang tawagan yung lalabs. Magamit nga yun. (lande lang)
Nakailang order si Allen dahil nawili sa kakakwento. Namiss daw talaga niya ang eskwelahan kaya nag-eenjoy daw talaga siya ngayon kasama ang mga kaibigan niya. Akala ko nga yun lang ang pag-uusapan eh. Kaso nagsimula na ulit ibalik ni Jerome ang usapan namin kanina. At pati naman itong sila Allen ay nagtatanong narin.
"Eh may nangyari na sanyo ni Mark?" Seryosong tanong ni Kerby.
"Tangnaka tol! Wag ganyan ang tanong! Hindi ka na nahiya kay Den!" Suway naman ni Brille.
"Ganto ang tanong..." Bwelo naman ni Brille.
"Sino ang mas magaling si Mark o si P-"
"Tumigil na nga kayo sa kalokohan niyo! Mamaya baka mapikon si Den sanyo!" Suway naman ni Allen.
"Hindi. Okay lang. Sanay na ako sa dalawang yan" ngiting sagot ko naman kay Allen.
"Ahhmm... Den.." Pagkuha ni Jerome sa atensyon ko na naging dahilan para tumigil sa pangungulit si Kerby at Brille.
Napadako ang lahat ng atensyon namin kay Jerome.
"Mahal mo pa ba si Paul?" Diretsong tanong sakin ni Jerome.
Hindi na ako nagulat sa tanong niya. Inaasahan ko na talaga yun. Dapat nga kanina pa niya naitanong yun kaso naputol dahil sa biglaang pagdating nila Allen.
Tiningnan kong maigi ang mata ni Jerome. Tinitigan ko siya habang nakahawak ako sa bote ng alak.
"Hindi at hindi ko talaga siya gusto" diretsong sagot ko at mabilis kong tinungga ang boteng hawak ko at nginitian ko sila.
Author: Maraming salamat po sa mga bumati sakin sa fb at IG ng Happy Teachers Day. :) thank you thank you. Salamat din sa pagla-like ng profile picture ko. Hahaha! Ang sayaaaaa!
Pengeng comments and votes.
I deserve naman diba? Awww! Hahaha😍😍😍😍
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb