May kasama siya...

7.9K 299 12
                                    

Secret Love Song.

Chriden PoV

After ng orientation sa auditorium ay wala muna kaming klase. Nagamit narin kasi ang oras para sa klase namin.

Nandito ngayon kami sa cafeteria nila Sheryl at ng iba kong classmates. Pinoproblema na agad ni Mia ang booth na gagawin namin para sa foundation.

"Mia kung kulay kulay nalang kaya!?" Sangguni ni Sheryl.

"Kulay kulay?" Sabay sabay naming tanong sa kanya.

"COLOR GAME!!! Yung magtataya sila ng pera tapos kapag hindi tama yung kulay na tinayaan nila ay satin mapupunta yung pera!" Seryosong sagot ni Sheryl.

"Tangnamo Sheryl! Anong klaseng pag-uutak ba ang meron ka!!!" Gitil na sabi ni Norman. Ang treasurer ng Psyche.

"Eh ano gusto niyo? Yung hula hula nanaman! Kaya tayo nasasabihan ng wirdo eh!" Galit na sagot niya.

"Ikaw ang wirdo! Hindi kami!" Sabay na sagot ni Ellen at Gladys.

"Ikaw Gladys aswang ka!!" Sagot naman muli ni Sheryl na naging dahilan ng pagtawa naming lahat.

"Uyy Den cellphone mo nagriring!" -Norman.

"Alangan namang tumahol yan!" Mabilis na bara ni Sheryl.

Unknown number kaya mabilis ko itong sinagot.

Hello?

Hi! Nei! Nandito na ako sa Japan. Musta ka na?

Whaaa! Si Francisco. Lumayo muna ako sa mga kasama ko dahil hindi ko masyadong maintindihan si Francisco dahil sa sobrang ingay ni Sheryl.

Okay lang ako Nei. Katatapos lang ng Orientation namin. Magkakaroon nga daw kami ng retreat next month eh..

Kinuwento ko kay Francisco lahat ng nangyari kanina at ganoon din siya. Kinuwento niya na maganda naman daw ang kanyang condo dun sa Japan at naging maayos naman daw ang pagsalubong sa kanya dun.

Sige Nei. Tawagan nalang ulit kita. Ingat ka palagi ha. Labyu.

Okay sige po. Labyu rin ng marami.

Matapos ng mahabang usapan namin ay bumalik na ako sa table namin ng mga classmates ko.

"Oh! Todo ngiti ka diyan Den ah!" Puna sakin ni Gladys.

"Naku! Isa lang ibig sabihin niyan! Tumawag ang labidabs niya!" Nakangiting singit ni Ellen.

Syempre naman. Sino ba naman ang hindi magiging masaya? Diba?

"Hi! Psyche major!" Bati samin ng isang lalaki tapos naglapag sa table namin ng dalawang pizza.

Lahat kami ay sabay sabay napadako ang tingin sa lalaking nasa harapan namin.

"Don't worry. Wala pong lason yan. Napag-utusan lang po ako na dalin yan sanyo. Sige po!" Sabi nung lalaki at halatang natakot sa mga tingin namin.

Napag-utusan? Sino naman ang mag-aaksaya ng pera para samin? Lots a pizza pa! Mamahalin! Yayamanin.

"Hindi natin malalaman kung may lason ba o wala kung hindi natin titikman yan!" Singit ni Sheryl sabay bukas sa kahon ng pizza at mabilis na kumuha ng isang slice at kinain agad ito.

"Saksakan ka talaga ng takaw!" -Norman.

"Walang lason. Masarap pa! Pakisabi salamat Kuya Pizza!" Sabi ni Sheryl habang ngasab ngasab ang pizza.

Umalis narin kaagad yung lalaki. Syempre bigay naman samin kaya kumain narin kami. Sayang naman ito kung itatapon lang namin. Praktikal kaya kami. Hahaha!

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Kaagad ko itong kinuha at tiningnan.

Hope you like the Pizza. Enjoy eating. 😊
Sender: Mark James

Ayy! Kaw pala ngbigay ng pizza. Maraming tenk u po kuya! 🤗

Reply ko sa kanya. Siya pala nagbigay ng pizza. Nagpatuloy ang palitan namin ng text message. Di ko na nga napansin na naubos na namin yung pizza na nasa harapan namin eh.

"Den!" Sabay sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses.

OhMayGawd! Totoo ba itong nakikita ko!?

"Ke...Ken...neth?"
"Hi! Musta ka na? Musta na kayo?" Nakangiting tanong niya.

Wow! Ang laki ng pinagbago ni Kenneth ah! Mas lalong lumaki ang katawan niya at mas lalong gumwapo!

Bagay na bagay sa kanya ang suot niya. Marunong na siyang pumorma!

"Can I join?" Nakangiti paring tanong niya.

"Sureness Papa K!" Malawak na pagkakangiti ni Sheryl.

Nakipagkwentuhan sakin si Kenneth. Ang dami niyang kwento.

Third year narin si Kenneth. Nagshift siya ng course kaya wala na kaming same subject. Hindi na namin siya magiging kaklase.

"Oh asan na ang boyfriend mong si Paul!?" Diretsong tanong niya sakin habang hawak hawak ang kanyang cold coffee.

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari. Bakas ko sa mukha niya ang pag-aalala sakin pero hindi ko na masyado pa pinahaba yung kwento. Ayoko naman na isipin niya na nalulungkot ako sa nangyari. Ayoko rin na mag-isip siya ng hindi maganda kay Francisco.

Lumipas ang ilang oras ay nalaman namin na wala na pala kaming klase. Nagkaroon daw kasi ng emergency meeting ang mga faculty members kaya biglaan ang pag-aanounce.

"Wala na palang pasok. Den pwede mo ba ako samahan?" Tanong sakin ni Kenneth.

"Saan?" -Ako.

"Diyan lang sa SM Bacoor. May gusto kasi akong bilihin" paawa niyang sabi sakin.

"Samahan mo na Den. Minsan lang humingi ng pabor yan. Bumawi ka ngayon diyan" sabi naman ni Ellen habang panay ang nguya.

Wala akong nagawa kundi ang pumayag. Sabagay, wala rin naman akong pupuntahan at kailangan ko rin bumawi dito kay Kenneth.

"Wait me here." Narinig kong sabi ni Kenneth pagkatapos ay agad akong iniwan sa labas ng gate.

"Hi Den! Remember me?" Biglang tanong sakin ng isang lalaki na lumabas sa gate at may mga kasama sa likuran niya. Mga kaibigan niya yata.

"Ah...Eh..."

Sino nga ba ito?

"I'm Patrick. Ako yung kukuha dapat ng cellphone number mo sa audi kanina" nakangiti niyang pagpapakilala.

"Ah.. Oo! Naalala ko na!" Sagot ko naman sa kanya.

"Saan ka pupunta?" Mabilis na tanong ulit niya sakin.

"Ah.. Diyan sa Sm Bacoor." Tipid kong sagot.

Ano ba yan! Wala akong maisagot na maayos. Nakakahiya kasi at ang daming estudyante dito at may mga kasama pa siya.

"Wala ka yatang kasama.. Gusto mo sama-"

"May kasama siya..."

"..tara na" sabay akbay sakin ni Kenneth at pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan.

Sasakyan? Wow! May sasakyan na si Kenneth! Astig!

"Sayo to?" Tanong ko sa kanya.

"Yap! Binili ako ni Daddy nung bakasyon.." -Kenneth.

"Anyabaaaaang!" Sabay tawa ko.

"So....sakin muna ang buong araw mo ha..." Sabi at nagsimula na siyang magdrive ng sasakyan.

Author: update nalang po uli ak mamaya. :) manuod muna ako ng onepiece (heart of gold)

Pengeng votes and comments :)

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon