Search for your love.
Chriden PoV
Katatapos lang ng klase namin. Wala nga akong masyadong naintindihan sa lesson dahil kay Sheryl. Kwento kasi ng kwento tungkol sa alaga niyang pusa. Ang paborito daw kainin ng pusa niya at buto-buto. Astig nun? Pusa tapos buto?
Abnormal talaga!
"Kuya Ampong, apat ng taba, tatlong isaw at dalawang kanin nga po" order ni Sheryl.
Nandito ngayon kami sa Angelicas.
Medyo maaga pa kasi kaya napagdisisyunan namin ni Sheryl na kumain muna. Early Dinner."Kuya Ampong dagdagan niyo natin ng limang emperador!" Sigaw ni Sheryl dahilan para mapatingin samin ang ibang nakain.
"Abnormal ka! Bakit ka naorder ng alak? Magsu-swimming ka ba?" Paasar na tanong ko.
Aba! Bigla bigla ba naman kasing naorder ng alak! Lima pa!
"Dejokelang Kuya Ampong. Iced tea lang po dalawa" ngisi ni Sheryl nung aktong kukuha nga si Kuya Ampong ng alak sa tindahan.
Pagkalapag ng mga inorder namin ni Sheryl na pagkain ay nagsimula na agad kaming kumain. Nakakagutom kasi ang maghapong makinig sa mga prof namin eh.
"Hulaan mo Den, bituka ng ano to?" Sabay angat niya ng stick.
"Beh ano pa! Edi bituka ng manok!" Sagot ko sa kanya sabay kagat ko sa balat na kinakain ko.
"Tanga! Hindi bituka ng manok to!" Galit niyang sabi.
"Eh ano? Bituka ng baboy? Eh ang liit naman kung bituka ng baboy yan!" Giit ko sa kanya.
"Bituka ng daga to!" Malakas na sagot niya.
Muntik ko ng maibuga ang nasa bibig ko hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa reaksyon ng pagmumukha niya. Talagang nanggigigil siya habang sinasabi niyang bituka ng daga yung hawak niya.
Hindi ko napigilan ang pagtawa ko. Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang estudyanteng nakain dito.
"Tangnaka She! Huwag ka ngang puro kalokohan! Nakakahiya sa mga tao oh!" Pigil ko sa kanya habang natawa parin ako.
"Wala akong pakialam sa mga hayup na yan! Oh eto hulaan mo kung balat ng ano to?" Tanong ulit niya sakin habang angat naman niya yung balat.
"Puro ka nanaman kalokohan! Tumigil ka nga!" Saway ko na sa kanya. Nakakahiya na kasi sa mga tao.
"Tangina! Balat ng Camel to eh! Putang katigas!" Sabay tapon niya ng balat na hawak hawak niya at galit na galit nanaman ang mukha.
Takte talaga itong babaeng ito oh! Hindi alam ang salitang kahihiyan!
"Nga pala Den, manunuod kami mamaya ng concert ng Shooting Star Band. Gusto mo sumama?" Seryosong tanong sakin ni She.
"Ayos She! Manunuod din ako. Sabay sabay nalang tayo!" Ngiti kong sagot sa kanya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Yung cellphone mo baka malaglag ha" paalala sakin ni Jaime habang naglalakad na kami papunta sa upuan namin.Sabay sabay kami nagpunta nila Sheryl kaso malas lang kasi magkakaiba pala kami ng seat number. Ayos ah! Parang nasa fieldtrip lang.
Nagsimula ko ng narinig ang intro ng opening song. Alam ko yung kanta. Syempre isa ako sa mga humahanga sa bandang ito. Ang ganda kaya ng boses ni Vincent. Maganda rin naman ang boses ni Leonard at Marcus pero mas naaakit ako sa boses ni Vincent.
(Please Play Search For Your Love)
Tamihik ang lahat ng mga tao. Pinapakinggan lang namin ang tatlong nakanta sa stage.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb