Oh Paul? Anong satin?

6.3K 249 34
                                    

Kiss me - out beneath the milky twilight.

Paul Francisco PoV

"Oh tol baket tulala ka diyan?" Sabi sakin ni Allen sabay tapik sa balikat ko.

Tangina! Paano ako hindi matutulala eh ayaw mawala sa isipan ko ang nangyari nung gabing magkasama kami ni Den sa bahay nila.

Flashback

Hindi ko kinikilos ang katawan ko. Baka kasi kapag gumalaw ako ay biglang tanggalin ni Den ang pagkakayapos niya sakin. Ayoko nga! Ang sarap kaya sa pakiramdam ng kayakap ang taong mahal mo diba? Mahal ko pala. Wala pala kayong karapatan mahalin si Den dahil sakin lang siya.

Hinarap ko ang katawan ko sa kanya. Shit! Wala na akong ibang mahihiling pa kung itong taong kaharap ko ang makakasama ko habangbuhay.

Hinalikan ko sa noo si Den.

Kung alam mo lang Den kung gaano ko kasaya sa mga sandaling ito. Ang tagal kong inantay ito. Ang tagal kong inantay na makasama ka uli. Yung malaya ko na ulit maiparamdam sayo kung gaano kita kamahal at kung gaano ka kaimportante sa buhay ko.

Natigilan ako nung napansin kong unti-unting bumubukas ang mga mata niya.

Nakatitig siya sakin.

"Francisco..." Mahinang sabi niya.

Shit! Kailan ko ba huling narinig na tinawag mo ako sa pangalan na yan!? Ikaw lang Den ang may bansag sakin niyan. Ikaw lang. Ang sarap sa pakiramdam na marinig ko ulit sayo yan.

"Gusto mo akong halikan noh????" Diretsong sabi niya sakin habang nakatingin sa dalawang mata ko.

Hindi ko napigilan na mapangiti ako dahil sa itsura ni Den. Halatang laseng dahil sa pagsasalita niya.

"Namiss mo ako noh? Kunwari ka pa!" Dugtong niya.

Tangna! Nang-aakit ba siya?
Aba! Huwag niya akong subukan! Kaming dalawa lang ang nandito sa kwarto at ni-locked ko ang pintuan. Tingin niya sakin hindi ako ready!?

"Baka ikaw ang gustong magpahalik sakin?" Mas mapang-akit kong sagot sa kanya.

Nginitian niya ako.
Shit!
Ano ba itong bigla kong naramdaman?
Diko maipaliwanag!

"Sige kissan mo ako pero dito lang.." Sabi niya sabay turo sa pisngi niya.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng pagkakataon. Saka pisngi?? Ano ako bago! Hindo noh!

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya.
Inilapat ko ang labi ko sa labi niya.

Hindi ko na nakikita ang mukha niya dahil nakapikit ako. Dinadama ko ang napakasarap na sensasyong nararamdaman ko habang magkadikit ang labi namin.

Naramdaman kong gumanti siya ng halik sakin kaya mas ginanahan pa ako sa nararamdaman ko. Ang sarap ng ganitong pakiramdam. Bahagya niyang pinaghiwalay ang labi namin para kumuha ng hangin at mabilis niya uling binalikan ang labi ko.

Hindi na ako nagpakipot. Gusto ko itong nangyayari. Ayoko lokohin ang sarili ko. Nilabanan ko siya sa paghalik.

Matapos maghiwalay ng labi namin at kusa ng kumilos ang katawan ko at pumatong ako sa kanya. Tinuon ko ang dalawang tuhod ko sa kama niya at muli kong binalik ang pagkakadikit ng labi namin.

Wala na ako sa sarili ko. Nadadala na ako sa sensasyong nararamdaman ko. Binaba ko ang paghalik ko sa kanya sa kanyang leeg papunta sa kanyang dibdib.

"Francisco...." Mahinang sambit niya.

Ang sarap sa pakiramdam ng naririnig ko.

Ang tagal kong pinangarap mangyari ulit ito.

"Den... Mahal na mahal kita..." Mahinang sambit ko sa kanya.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at iginiya niya sa mukha niya pagkatapos ay binigyan nanaman niya ako ng napakasensitibong halik.

(Diko na po pwedeng sabihin ang mga sumunod na nangyari - baka magalit si Author)

End of Flashback

"Oyy Paul! Ano bang nangyayari sayo!?" Basag muli ni Allen sakin.

"Oyyy! Allen! Anjan ka pala!" Gulat na tanong ko.

"Kanina pa tol! Kanina ka parin pangiti ngiti diyan!" Bulyaw niya sakin.

"Halika na nga, kanina pa umalis ang prof natin eh" dugtong niya sabay hila sa kamay ko.

Nagpaubaya na ako.

Ewan ko ba. Lulan pa ako eh. Ang sarap kasing balikan ng mga nangyari. Ayoko nga ikwento - baka mawala yung kilig na nararamdaman ko. Sakin lang yun noh!

Nung makababa na kami at malapit na kami sa cafeteria ay nakita ko na ang dahilan kung bakit nagkakaganito ako.

Saktong papalapit si Sheryl dun nung bigla kong hinarang.

"She anong meron?" Tanong ko sa kanya nung makita kong may mga lalake na kasama sila Den at yung ibang kaklase niya.

"Pinag-join kasi ni Maam Taccad yung Masscom at Psyche. May activity kami kaya eto bisi-busy-han" nakangiting sagot sakin ni Sheryl at nagdiretso na papunta sa table nila Den.

May walong lalaki na kasama sila Den. Nakakainis ah!
Ayoko man isipin pero tamang duda ako! Di naman maiaalis sa taong nagmamahal yun eh. Malay ko ba kung isa sa kanila ay may pagnanasa kay Denden ko! Di pwede noh! Papatayin ko sila!

"Tara! Dun tayo oh! Nagugutom na ako!" Yaya ni Kerby at nauna na sa table na tinuro niya.

Sumunod na kami don ay umorder na si Allen ng pagkain.

Di parin ako mapakali.
Dami kasing nabubuong konklusyon sa isipan ko. Wala akong tiwala sa mga nakakasama ni Den na lalake. Alam mo na para sigurado.

Nakatingin lang ako sa kanila. Pinagmamasdan kong maigi ang bawat paggalaw nung mga lalakeng nakapaligid kay Den.

"Oh bakit mukhang di ka mapakali diyan?" Puna sakin ni Brille habang hawak ang cellphone niya.

"Wala" walang gana kong sagot sa kanya.

"Puntahan mo na. Ikaw din baka maunahan ka pa" dugtong naman ni Kerby habang nakaakbay kay Brille.

Kailangan ko nga bang puntahan si Den?

Baka naman magalit siya.

Baka isipin niya nagja-jump to conclusion ako.

"Kapah di ka tumayo diyan at nagpunta don ako ang lalapit don" tonong pagbabanta ni Jerome habang hawak ang librong binabasa niya.

Hindi ko alam pero nag-awtomatikong naglakad ang dalawang paa ko papunta sa pwesto nila Den.

Bahala na.

Malapit na ako.

Ano ba ang dapat kong sabihin?

Ano ba dapat kong gawin?

"Oh Paul! Anong satin?" Batin sakin ni Sheryl habang hawak hawak ang isang cartolina.

Nasa kalagitnaan yata sila ng paggawa ng activity.

Sumulyap ako kay Den. Nakatutok lang ang atensyon nito sa hawak niyang pentelpen at puting cartolina.

"Den...." Mahinang sambit ko dahilan para maagaw ko ang atensyon ng mga lalakeng nakapaligid sa kanya.

Inangat niya ang ulo niya.
Nasa harapan niya ako.

Kusang lumapit ang mukha ko sa mukha niya. Nagdikit ang mga labi namin at kapwa kami nakapikit.

Siguro tumagal ngbilang segundo yun bago naghiwalay ang mga labi namin.

"Gusto ko lang malaman ng mga kasama mo na may nagmamay-ari na sayo..." Lakas loob kong sabi at mabilis na akong tumalikod at bumalik sa table namin nila Jerome.

Author: takte! Laseng nanaman ako! Nilaseng ako ni Mike! :( :( :(

Pengeng kateks!!!!!!! :(

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon