Bubei's PoV - available soon. :)

5.9K 118 1
                                    

Bubei's PoV will be available this coming August 2016. Yung mga gusto po umorder - pwede na. :)

Pm po sa presyo. :)

Sana maraming umorder :) Preview lang po kasi ang pwede ko i-upload. Sensya na po at maraming maraming salamat! :)

Nag-aral ako ng Elementarya sa Mababang Paaralan ng Felipe G. Calderon Elementary School.

Gusto niyong malaman kung sinu-sino naging guro ko?

Aba! Pinagmamalaki ko sila.
Buhay pa!? Buhay pa nga eh. Hahaha! Dejokelang. Syempre naman! Malalakas pa at ganado pa sa pagtuturo.

Grade 1 - Ms. Divina Cenizal and Mrs. Jellen Autriz.

Bakit dalawa? Jusko te! Nagpalipat talaga ako kasi natakot ako kay Maam Cenizal. Syempre bata pa ako nun at hindi ako sanay na istrikta ang teacher. Hanggang sa nailipat ako kay Maam Autriz. ISTRIKTA din pala! Nakurot pa nga ang singit ko dati kasi daldal ako ng daldal sa katabi kong nuknukan ng baho. Promise!

Hi Maam Jellen! Missu na. :)

Grade 2 - Mrs. Saulog

Dito ko naranasan ang halos itago ko sa ilalim ng sapatos ko ang baon ko para lang hindi makapag-feeding. Tres lang ang feeding dati pero kahit na ganoong kamura ay ayoko. Ewan ko ba. Mas gusto ko kasi na bumili sa labas ng laruan kesa mag-feeding.

Dito ko rin natutunan yung taymis taymis. Alam niyo rin ba yun?

1 taymis 1 = 1
1 taymis 2 = 2

Yan! Yan yung taymis taymis. Astig noh? Sabay sabay pa kami ng mga classmates ko.

Grade 3 - Mrs. Myrna Del Rosario. III-Luntian

Leader ako ng group 3 at syempre yabang yabangan ako. LIDER EH! At the same time top 3 ako! Ang galing ko kaya mangopya sa top 1 namin. Sinusuhulan ko siya. Palagi kong sinasabi, "kapag pinakopya mo ako ililibre kita ng funny komiks na paninda ni Maam" kaya ayun mataas palagi ang nakukuha ko sa exam.

Grade 4 - Mrs. Figueroa
IV-Neptune

Mabait yung teacher ko. Malumanay magturo. Kaya wala ako masyadong natatandaan sa kanya eh.

Dito ko rin naranasan na makipaghampasan ng asarol sa classmate ko sa garden at makipagbatuhan ng tae ng kalabaw sa kanila.

Dito ko rin unang nakilala ang Guidance ng school namin.

Grade V - Ms. Ma. Jovy P. Legaspi V-Ipil-Ipil

Teachers pet ang peg ko dito. Ewan ko pero kasundo ko talaga si Maam nung grade V. Kahit patanga tanga ako sa Math ay pilit kong iniintindi kasi ayoko mapahiya kay Maam.

Dito ko rin unang naranasan ang pasayawin ng Carinosa sa stage. Feel na feel ko yun kahit ang panget ng partner ko. (Hi Rosalie! Miss na kita)

Grade VI - Mrs. Lorna Vallejo
VI-Onyx

Dito astig na ako. Maporma na ako. Caterpillar ang sapatos ko at may cellphone na ako na Motorola. Yung may antena. Kunwari nga patutunugin ko yun kahit walang nagtetext o natawag. Ang yabang ko nun. Yung mga uto-uto ko namang kaklase paniwalang paniwala.

Hindi ko makakalimutan dito yung pinamemorize ni Maam.

Oh wind oh blowing all day long
Oh wind that sings so loud a song

Dugo utak ko diyan. Isa-isa kasi kami sa unahan. Kaya ayun napilitan akong imemorize. Nakakahiya kasi kaklase ko si Crush.

Oo! Talande na ako nung grade 6 ako. Kaya nga ilang ulit ko ulit nakakausap ang guidance namin eh. Siguro higit sampung beses ako kinausap sa guidance.

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon