Time after time
Chriden PoV
Natigilan ako.
Naramdaman kong biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Hindi ko mapigilan ang pamumuo ng luha sa magkabilang mata ko.Shit! Ayoko ng ganitong pakiramdam!
Biglang nagflashback sa isipan ko ang lahat ng mga nangyari dati. Yung ganitong scenario. Yung may tumigil sa harapan kong sasakyan at pilit akong pasasakayin.
"Den..."
Nakatulala parin ako sa sasakyan.
Hindi ko alam pero wala ako sa katinuan ko dahil sa patuloy na pagbalik ng nga alalang nangyari dati sakin - samin."Den..."
Ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya?
Ano ba ang dapat kong itanong?
"Tangina...ayoko ng ganito..." Bulong ko sa sarili ko.
"Den... Are you okay?"
Dahan dahan kong iginawi ang ulo ko sa taong nagsasalita.
Nanlaki ang mga mata ko nung makita ko kung sino ang bumaba sa sasakyan. Hindi ko alam kung nadidismaya ako dahil hindi yung taong inaasahan ko ang iniluwa ng sasakyan o magugulat dahil sa hindi ko inaasahan ang taong nasa harapan ko ngayon.
"Mukhang hindi ka nagulat sa biglaang pagkakita mo sakin dito ah..." Mahinahong tanong niya sakin.
Pasimple kong pinunasan ang mga luhang namuo sa pagitan ng aking dalawang mata at muling bumalingin ng tingin sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo? Bakit ka nandito?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.
"Wait..wait... Hi Den!" Pigil niya sa susunod ko pang itatanong sa kanya.
"Wala kasi akong magawa and I just want to know you better. Nawala kang bigla bago matapos yung concert namin eh" dugtong na sabi ni Vincent.
"Diba si Vincent yun? Yung member ng SSB?" Narinig kong tanong nung isang babae sa kasama niyang lalaki.
"Oo nga. Bakit siya nandito? Tara! Lapitan natin! Papicture tayo!" Sagot naman nung lalaki.
"I think we should go to some private place... Hindi tayo makakapagkwentuhan ng maayos kapag patuloy silang naglapitan satin" sabi parin niya sa mahinahong boses.
"Teka.. Hindi ako pwede kasi -"
Hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin ko dahil mabilis na niyang nakuha ang kamay ko at pinapasok na ako sa loob ng sasakyan.
Kaagad narin kaming umalis sa tapat ng school bago pa maglapitan ang mga nakakita sa kanya.
Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan. Wala kasi akong maisip na pwede kong itanong o sabihin sa kanya. Hindi ko rin alam kung ano ba ang dahilan kung bakit nagpunta siya dito.
Posibleng nagkataon na nakita niya ako. Natandaan siguro niya ako dahil sa pagkakaduet namin sa concert niya.
"Tingin ko pwede na dito..." Sabi niya sabay tigil sa isang tagong restaurant.
"Vinc-"
"Don't worry. Dinner lang tayo..." Putol niya sa sasabihin ko.
Wala na akong nagawa. Pumasok na kami sa loob at inisod niya ang upuan at pinaupo niya ako.
Lumapit samin ang isang waiter at binigyan kami ng menu book.
Mukhang hindi lang isang beses nakapunta dito si Vincent dahil hindi na nagulat ang waiter nung makita siya.
Matapos ilagay ng waiter ang mga pagkain na inorder niya ay nagsimula na kami kumain.
"Busy ka ba sa Sunday?" Basag niya sa katahimikang bumabalot saming dalawa.
"Ahh.. Di naman. Pero nasimba ako tuwing Sunday. Bakit?" Sagot ko sa kanya.
"Ahh.. Wala naman.. Gusto sana ki-"
Hindi na naituloy ni Vincent ang sasabihin niya nung biglang tumunog ang cellphone ko.
Natawag si Jaime.
Ayy potek! Nakalimutan ko nga palang ngayon ang Birthday ni Noah. Lagot ako sigurado kay Chrien."Hello.. Jaime??" Mabilis kong sagot.
"Nasaan ka na Den? Kanina pa kayo inaantay ni Noah.." Malamlam na tanong sakin ni Jaime.Bigla ako nakaramdam ng kunsensya nung narinig ko iyon sa kanya.
"Ayy Pasensya na Jaime.. On the way na. May dinaanan lang kasi ako..." Palusot ko sa kanya. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na kasama ko si Vincent.
"Mukhang may dapat ka palang puntahan ah..." Sabi ni Vincent matapos namin mag-usap ni Jaime.
"Oo nga ee. Nakalimutan ko na Birthday pala ni Noah. Kaklase ng kapatid ko..." Sagot ko sa kanya.
Mabilis natapos ang pagkain namin. Wala nga kami masyado napagkwentuhan dahil balot kami palagi ng katahimikan. Nakakailang kasi.
"Ahh.. Salamat Vincent..." Sabi ko sa kanya nung naihatid niya na ako sa tapat ng bahay namin.
"Mamaya ka na magpasalamat... Tawagin mo na kapatid mo.. Hatid ko na kayo dun sa birthday..." Malumanay na nakangiting sabi ni Vincent.
Kahit tumanggi ako ay hindi rin ako nanalo sa kanya. Kaya mabilis ko ng sinundo ang kapatid ko.
"Saan ka ba galing Kuya! Kanina pa ako nakabihis. Kanina pa nag-aantay sakin si Oah!" Nagtatampong tanon sakin ni Chrien.
"Pasensya na bunso... May dinaanan lang si Kuya..." -Ako.
"Pasensya na.. Niyakag ko kasi magdinner si Kuya mo..." Hinging paumanhin ni Vincent sa kapatid ko.
"Teka kuya.. Parang pamilyar ka sakin..." Takang sabi ni Chrien habang nag-iisip.
Paktay tayo diyan!
Buko na!
Akala ko pa naman ay hindi matatandaan ni Chrien ang picture ni Vincent."Tamaaa! Kuya Den peram ng cp mo! Daliiii" agad na kinuha ni Chrien ang cellphone ko.
"Tama Kuya! Ikaw to oh!" Sabay pakita ni Chrien ng cellphone ko kay Vincent.
"Chrien! Akina yan!" Saway ko sa kanya.
"Ikaw si Kuya Vincent diba? Yung nakanta sa TV?" Sunod na tanong ni Chrien.
"Opo. Ang pogi ko naman sa picture na yan" ngiting puri niya sa sarili niya.
Hinablot ko na yung cellphone. Nahihiya na kasi ako eh. Itong kapatid ko talaga!
"Ayy Kuya liko mo diyan tapos dun sa pangatlong bahay" sabi ng kapatid ko kay Vincent.
Saktong nasa tapat na kami ng gate nila Jaime nung tinigil ni Vincent ang sasakyan.
"Kuya gusto mo sumama sa loob? Para mapakilala kita kay Oah. Pinapanuod ka rin nun sa TV" masayang tanong ng kapatid ko sa kanya.
Tumingin sakin si Vincent.
"Next time nalang Chrien. Inaantay na kasi ako nila Kuya Leonard eh. Promise sa susunod na yakagin mo ako." Ngiting sagot naman niya.
"Salamat ulit..." Sabi ko sa kanya at mabilis na kaming bumaba ng sasakyan.
Pagtapat ko sa gate ay bumungad samin si Jaime at si Noah. Kasabay nun ang pagbusina ni Vincent na senyales na aalis na siya.
"Kanina ko pa kayo inaantay... Tara na sa loob" at ipinatong ni Jaime ang kamay niya sa balikat ko.
Author: whaaaaa! Daming pumapasok sa isip kong twist ng story.
Comment po kayo. 😶
Shot mode kami ni Michael Jose ngayon.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb