Oh Mark, ready ka na ba?

6.2K 220 15
                                    

Tulad mo.

Sheryl Cayarian PoV

(Tangina! Sa wakas! Nagkaroon rin ako ng sarili kong PoV! Akala ko back up lang lagi ako sa baklang bida dito eh! Tara na Author - balik tayo sa Psychelab hindi ko pa nakukuha yung bagong keyboard ni Maam!) hahahaha!

Potek na yan!
Kaya ayoko ng walang pasok eh! Kung hindi niyo na itatanong at wala akong pakialam kahit tanungin niyo ako, ang ginagawa ko ngayon eh naglalaba. Nilalabahan ko ang kumot ng pusa ko at yung mga panty ko. Tatlong linggo ko na kasing hindi nalalabahan ang panty ko. Makunat na!

Sa totoo lang nag-aalala ako sa kaibigan ko. Kay Den. Kahit naman may kaunting kalokohan akong tinataglay ay nagwoworry parin ako sa kanya. Napapansin ko kasing may mga bagay siyang pilit iniiwasan pag-usapan.

Katulad nalang nung bigla ko siyang tinanong tungkol kay Paul. Hindi na kasi siya nagkukwento kaya ako na mismo ang nagtanong sa kanya. Sagot niya sakin - okay lang daw at bigla na niyang iniba usapan.

Kaya sa sobrang katsismosahan ko ay ako na mismo ang gumawa ng paraan para malaman ko.

Nalaman ko ang lahat sa isang taong malapit kay Den. Sinabi niya lahat sakin ang nangyari.

Ganoon na pala ang sitwasyon niya pero hindi niya sinasabi sakin. Alam ko na dahilan niya. Ayaw niyang pati siya ay isipin ko o naming magkakaibigan. Ubod ba naman kase ng talande! Yan tuloy!

Ayokong i-blame si Paul. Oo nga at siya ang dahilan kung bakit nagkakaganoon si Den, pero sigurado naman akong kahit si Paul nasasaktan din. Alam kong mahal ni Paul si Den at lalo ng mahal ni Den si Paul.

Bakit nga kaya ganoon noh?
Kahit kapwa kayo nagmamahalan ng isang tao ay dumarating din yung pagkakataon na pilit kayong pinaghihiwalay. Pakyu yang pagkakataon na yan eh! Wag lang dadaan dito sa Salinas yan at hihilahin ko scrotum niyang hayup na yan!

"Hoy Ate may naghahanap sayo!" Sigaw ng pinsan kong mukhang panggatong habang patuloy ang pag-eemote ko dahil kay baklitang Den na yan!

"Sabihin mo wala! Natutulog! Umalis! Naglayas! Nagpagahasa!" Sigaw ko sa kanya.

"Ahh... Sheryl pumasok na kami... Mainit kasi sa labas"

"Ayy! Tara na sa kwarto Hans! May lotion na dun!" Mabilis kong sagot sa kanya sabay tayo.

Jusko! Eto na ang pinakaiintay ko! Madidiligan na ako!

"Hoy Ate! Mahiya ka nga! Magpalit ka nga ng suot mong short!" Sigaw nanaman ng pinsan ko tukoy sa suot kong short na butas butas dahilan para makita ang suot kong panty.

"Lumayas ka na nga! Magpapalit pa eh huhubarin din naman!" Sigaw kong muli sa kanya.

Pinapasok ko sa loob ng bahay namin si Hans kasama si Mark. Takte! Manliligaw na yata tong demigod na ito. Hahaha! Pak na pak!

Binigyan ko sila ng maiinom. Ang tagal ko nga sa kusina eh. Iniisip ko kase kung totoo yung gayumang sinabi saken nung kaibigan ng kaibigan ni Den. Si Buloy. Kapag daw inututan daw yung iinumin ng gusto mo ay mababaliw daw sayo yung taong yun. Hahaha! Pero hindi ko ginawa noh!

"Oh manliligaw ka lang nagsama ka pa! Istorbo sa gagawin natin yan si Mark" sabi ko kay Hans sabay lapag ng juice. Yung nabibili sa tindahan. Yung Tang. Hahaha.

"Di She. Ako talaga ang may sadya sayo" -Mark.

"Hala! Ikaw ang manliligaw saken? Ang ganda ko talaga! Threesome na to!" Sabi ko dahilan para tumawa ang dalawang nasa harapan ko.

Nilapag ni Mark ang hawak niyang papel.

"Naalala mo pa ito?" Tanong niya sakin.

Kinuha ko yung papel at binasa ko iyon.

I know you love Den so much. Kung talagang mahal mo siya - gagawin mo ang lahat para maging masaya siya. If ever na gusto mong pag-usapan ang ibig kong sabihin puntahan mo ako. Marami akong sasabihin sayo. Huwag mong ipapaalam kay Den ito.

-Sheryl Ganda.

Tama. Ito yung nabunot ni Mark nung Foundation. Actually hindi naman talaga si Mark bumunot. Inabot ko sa kanya ng palihim yun na kunwari y talagang kinuha niya sa mga cookies.

Sana lang maging tama itong gagawin ko.

Sana mas maging better si Den sa mga hakbang na gagawin ko. Wala na kasi akong ibang maisip na paraan para maging okay siya.

Namimiss ko na yung totoong Den.

Ewan ko ba diyan sa kaibigan kong yan. Masyadong ginagawang madrama ang buhay. Sabe nga sa kanta simple lang ang buhay kung ika'y matino. Sabagay abnormal si Den kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ganoon siya.

Aaminin ko na nga.

Lastweek nakausap ko si Paul. May bigla kasing nagchat sakin na kakaiba ang pangalan. Ang dami niyang tanong tungkol kay Den. Hanggang sa inamin niya na siya si Paul. Gulat talaga ako nun.

Nakipagkwentuhan lang ako. Inabot nga kami ng apat na oras. Kung hindi lang biglang nagkaroon ng emergency sa kanila ay hindi matatapos ang kwentuhan namin.

Hiwalay na pala sila.
Ayy mali. Ang ibig kong sabihin ay ayaw na daw ni Den sa kanya. Nalaman ko rin na may nabuntis siya at kinuwento talaga niya yung nangyari.

Pareho lang silang nasasaktan. Alam ko yun. Base sa kwento ni Paul ay talagang ayaw na sa kanya ng kaibigan ko. Pati nga yung uploaded picture namin nila Den na kasama itong si Mark ay tinatanong niya.

Nagseselos. Hahaha. Sabagay natural lang yon.

Kung ano man ang disisyon ni Den ay wala akong magagawa pero ang tulungan siya para mawala yung sakit na pinagdadaanan niya ay alam kong makakatulong ako kahit papaano.

Magiging malaking tulong si Mark para kay Den. Alam ko yun. Kilala ko na bituka ng baklang kaibigan ko. Halang yun! Dejokelang. Malambot yun. Pusong marshmallows.

"She?"

Napabalik ako sa katinuan ko nung tinawag ako ni Mark.

"Ahh.. Pasensya na. Pumasok kasi sa isipan kong hubad kayong dalawa ngayon sa harapan ko" sagot ko sabay tawa.

"Puro ka talaga kalokohan Sheryl!" Singit ni Hans habang tumatawa.

"Di ako nagloloko noh! Totoo yun. Testingin natin oh!" Sagot ko sa kanya habang tumatawa rin ako.

"Oh Mark ready ka na ba?" Seryosong tanong ko kay Mark.

"Ready san?" -Mark.

"Mapasaya si Den"

Author: salamat po sa pag-aantay ng update :)

Kapag po natapos tong book 2 ng AMKB ay mga Dec o Jan na po ang Book 3. Sisimulan ko na po kasi yung Book 3 ng One More Chance. May plot na po kasi yung book 3 nun. Salamat po!

#BubeiYebeb

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon