Francisco Mahal na mahal kita...

5.9K 219 41
                                    

Unbreak my heart - say you love me again

Chriden PoV

"May I take your order sir?" Tanong samin ng waiter.

Dito ako dinala ni Francisco sa Island Cove. Fishing Village. Kapwa kami hindi nagsasalita kanina nung nasa sasakyan kami. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya eh. Siya naman diretso lang ang tingin sa daan.

Matapos namin sabihin sa waiter ang mga order namin at mabilis na umalis ang waiter.

Ilang sandali lang ay dumating na ang mga ni-order naming pagkain. Nilapag ng mga waiter yung mga pagkain sa harapan namin. May biglang dumating din na grupo na may mga dalang sariling instrumento at pumuwesto sa gilid namin.

Nagsimulang tumugtog ang pinakapamilyar saking kanta. Ang kanta na palagi kong naririnig sa tuwing nakasakay ako sa kotse niya.

(Pls play: Weve Only Just Begun - Carpenters)

Flashback 1.2

"Tungkol ito kay Paul..." Diretsong sabi ni Roxanne sakin.

Hindi na ako nagulat. Alam ko nanaman na tungkol ito kay Paul. Tungkol ito sa sasabihin niyang layuan ko si Paul at hayaan ko na silang dalawa kasama ng anak nila.

"Ilang buwan ng nakakaraan nung makilala ko si Paul sa Japan..." Panimula niya.

Takte naman! Bakit ba kailangan pa niyang ikwento? Hindi ba siya nakakahalata na nasasaktan ako? Natural! Masaket para sakin! Mahal ko ang taong alam kong hihilingin niyang layuan ko!

Nagpatuloy siya sa pagkukwento hanggang sa naikwento niya yung gabing nagkasama silang dalawa ni Paul sa iisang kwarto. Gusto ko siyang pigilan sa pagpapatuloy ng kwento pero pakiramdam ko ay nawawalan ako ng lakas para pigilan siya.

"Naniniwala ka ba sa sinasabi ko?" Biglang tanong niya sakin matapos niyang ikwento ang pagtatalik na naganap sa kanilang dalawa. Hindi ko na nga namamalayan na nag-aagos na ang mga luha sa magkabilang pisngi ko dahil sa mga narinig ko sa kanya.

Hindi ako makasagot sa tanong niya. Nadako kasi ang pag-iisip ko sa bawat scenariong sinabi niya.

"Roxanne... Please... Ayoko na marinig pa ang susunod mong sasabihin..." Pakiusap ko sa kanya.

"Makinig ka muna Den..." Pigil niya sakin.

Natigilan ako sa biglang sinabi niya.

"Pangalan mo ang sinasambit niya habang hinuhubaran niya ako... Pangalan mo ang binubulong niya habang dahan dahan niya tinatanggal ang damit ko... Pero... Pero.. Tumigil siya nung naaninag niya ang mukha ko... Tumigil siya... At hindi ko malilimutan ang huling sinabi niya bago siya tuluyang mawalan ng malay... 'Den mahal na mahal kita... Mahal na mahal kita...' Yan ang huling sinabi niya" mahabang litanya niya.

Lalong bumuhos ang mga luha ko ng marinig ko sa kanya iyon. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi ng taong kausap ko.

"Sinadya kong lagyan ng dugo ang kamang hinihigaan namin dahil nung mga sandaling iyon ay 2 months na akong nagdadalang tao.. Iniwan ako ng lalakeng nakabuntis sakin, dahil sa sobrang takot konsa daddy ko ay naisip kong si Paul ang ipakilala kong nakabuntis sakin.." Patuloy niya sa pagkukwento.

Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko pero walang tigil ang pagbuhos ng mga luha ko.

"Hindi ka ba nagtataka na advance ng dalawang buwan nung nanganak ako? Kahit bilangin mo yung buwan ng pag-alis ni Paul dito at nung pag-uwe niya..." Pagpapatuloy niya.

"Kaya nung nakapanganak ako ay nakapagdisisyon akong sabihin sa kanya ang totoo... Ramdam ko kasi na pinapakisamahan niya lang ako dahil sa akala niya na sa kanya ang batang dinadala ko..." Pagpapatuloy niya.

Wala akong masagot. Wala akong masabi. Tahimik lang ako at patuloy na nagdadaloy ang mga luha sa magkabila kong pisngi.

End of Flashback

Ang sarap pakinggan ng kanta. Pakiramdam ko ay nagbabalik sa isipan ko ang mga scenariong magkasama kami ni Francisco. Yung una naming pagkikita at yung mga kalokohang ginagawa niya para sakin.

"You like it?" Tanong niya sakin.

Tumango lang ako sa kanya. Nakakaramdam kasi ako ng hiya. Nahihiya ako dahil sa nawala ang tiwala ko sa kanya at pilit ko siyang pinagtabuyan dati.

"Den can we dance?" Sabi niya pero hawak hawak na niya ang kamay ko at inaantay niya nalang na tumayo ako.

Awtomatikong kumilos ang katawan ko. Giniya niya ako sa harapan ng mga tumutugtog. Isinabit niya ang dalawa kong kamay sa leeg niya at ikinuyabit ko. Nilagay niya niya sa baywang ko ang magkabila niyang kamay. Mahigpit. Yung kahit may humila sakin ay sigurado akong hindi magtatagumpay.

Magkadikit ang katawan namin. Nakapaling sa kaliwa ang mukha ko. Damang dama ko ang init ng hininga niya sa kabilang bahagi ng leeg ko. Mainit. Nakakakiliti at nakakaakit.

Kapwa kami sumasabay sa malambing na kanta. Tahimik lang ang buong paligid namin.

"You don't know how much I am longing for this Den... I can't explain how I feel tonight..." Bulong niya sakin.

Nagsimula nanaman magdaloy ang luha ko. Hindi ako makapaniwala na ganoon ako kamahal ni Francisco. Napakasaya ko. Sobrang saya.

"Den... You don't know how much I Love You...." Dugtong niya.

Alam ko Francisco. Ramdam ko.
Ako lang ang hindi nagtiwala sayo. Ako lang agad ang sumuko. Ako lang ang naging mahina.

Humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Ayoko na matapos itong gabing ito. Ayoko na magkahiwalay kami. Ayoko na pakawalan pa ang pagkakataon na ito.

Francisco... Mahal na mahal kita..

Author: Empie and Redhorse!! Laseng nakooooo!

Pengeng Votes and Comments saka Marlboro Red!!!! :)

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon