Number ko? 69!

10.2K 306 15
                                    

He may have what I want - but you're the one I need. -Deepside

Chriden PoV

Ang bilis lumipas ng araw.
Pasukan na agad. Enrolment. Third year na ako. Di na nga ako makapag-intay na maggraduate ako eh.

Okay lang. Masaya naman ang naging bakasyon ko. Palagi kaming magkasama ni Francisco. Palagi siyang napunta dito sa bahay. Ang diba? Lahat ng hindi magandang nangyari dati ay may maganda palang kapalit.

Kaso, may sinabi sakin si Francisco. Hindi ko nga alam kung matutuwa ako o malulungkot.

Flashback (Lastweek sa Island Cove)

Ewan ko ba dito kay Francisco. Pwede naman kaming sa bahay nalang mag-dinner. Dito pa naisipan sa fishing village. Kaming dalawa lang. Hindi ko na kasi pinasama si Chrien baka kung saan nanaman maisipan magyakag.

Inihain na ng waiter ang mga order na pagkain ni Francisco.

Haaay.. Umorder ng alimasag pero hindi naman marunong kumain nun! Alam ko na mamgyayari, ako maghihimay para sa kanya. Lagi naman kasi ganun nangyayari ee. Abnormal talaga.

Sweet? De no! Pahirap kamo!

Habang nakain kami ay biglang tumugtog ang mga musician. Hawak ang mga simpleng instrumento, di ko alam yung tawag basta may ubod laking gitara at may mga maliliit rin. Tapos yung maliit na organ. Astig nga eh! Gusto ko nun!

Nagsimula na silang tumugtog.
We've only just begun ang kanilang sinisipra sa kanilang instrumento.

Ang galing.
Mas lalong naging romantic ang scenario naming dalawa ni Francisco.

Biglang huminto sa pagkain si Francisco.

Dahan-dahan tumayo.

Papunta sakin.

Nakangiti siya sa harap ko habang inaantay niyang ipaubaya ko sa kanya ang kamay ko. Takte! Nakakakilig to! Pero langya! Hindi na nahiya!

"Nei naka-"

Wala na akong nagawa.
Naramdaman ko nalang na sumasabay na ang katawan namin sa kanta. Dahan-dahan kaming sumasayaw at sinasabayan ang magandang musika.

Nakapulupot ang dalawang kamay ko sa leeg ni Francisco at nasa baywang ko naman ang kanyang kamay. Magkatapat ang mukha namin at kapwa kami nakatitig sa bawat isa.

Shit! Ayoko na matapos ang kanta.
Ayoko na matapos itong gabing ito.

"Iloveyou so much...." Sabi niya sakin habang patuloy kami sa pagsabay ng indayog sa kanta.

"Iloveyou more..." Sagot ko sa kanya.

Unti-unti niyang inilalapit ang kanyang mukha sakin. Hanggang sa maglapat ang mga labi namin. Damang dama ko nanaman ang napakalambot niyang labi. Yung labing nagbibigay ng tamis sa labi ko.

Kasabay ng pagkahiwalay ng labi namin ay kasabay rin ng pagtapos ng kanta

Bumalik kami sa pagkakaupo at pinagpatuloy namin ang pagkain.

"Nei..." Mahinang tawag niya.

Shit! Nang-aakit ang pagtawag niya sakin. Parang alam ko na ang susunod na mangyayari pagkatapos naming kumain.

"Nakapag-usap na kami nila Mama" dugtong niya sa kanyang sinabi.

Oo nga pala hindi pa niya naikukwento ang napag-usapan nila dati ng ate niya. Ang alam ko lang ay mag-uusap ulit sila ng Mama niya.

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon