Yakapin mo ako - habang sa atin ang gabi.
Mark James PoV
"Oyy Patrick sinasabi ko sayo!" Banta ko kay Patrick.
Naisipan kasi ng mga kaibigan ko na yakagin si Den na sumama sa gimik namin. Gala. Pasimuno itong si Patrick eh! Hindi pa naman ako handang magpakilala na ako yung katextmate niya.
"Ano ka ba bro! Hindi ka makakapoints niyan kapag palagi kang ganyan!" Diin ni Patrick.
Hindi ko na namalayan na nasa labas na pala kami ng gate at nakatayong mag-isa si Den doon. Nasa likuran lang kami ni Patrick.
Takteng Patrick to ah! Mukhang mas may interes pa siya sa Den ko ah!
"Wala kang kasama? Kung gusto mo sasa-"
"May kasama siya. Tara na Den." Biglang singit ng isang lalaki at nakaakbay pa ito kay Den.
Shit lang ha! Pakyu yun ah!
"Ayy... May boyfriend na pala..." Narinig kong sabi ni Hans na nasa tabi ko.
Ewan ko ba kung ano yung bigla kong naramdaman. Kakaiba. Hindi ko maexplain.
"Tara guys! Shot nalang tayo sa bahay!" Yaya ko sa kanila at wala naman akong narinig na kahit na anong reklamo mula sa kanila.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Cheeeeeers!" Sigaw ni Patrick."Oyy! Mark bakit parang wala ka sa mood?" Sabay tapik sakin ni Zyrill.
Oo nga. Bakit parang wala akong gana? Hindi ko naman kasi maintindihan ang sarili ko eh. May kakaiba akong nararamdaman.
"Okay lang ako. Napakainit kasi kanina sa school" palusot ko nalang sa kanya.
Narinig ko nalang na biglang tumunog ang cellphone ko.
Hi! Musta na? Tenks uli sa pizza kanina. Dami qng busog. :)
Sender: McDoParang bigla akong ginanahan sa nabasa kong message ah.
McDo? Sino si McDo? Sino pa eh di si Den! Hahaha! Bakit McDo? Kase Love Ko To ohhh...
Mabilis akong nagtype sa reply box ng cp ko.
Ur welcome! Khit araw2 pa ktang padalahan ng pizza :) nga pla, diba wlang psok knina? San k ngpunta? 🤔
At mabilis ko ng pinindot ang send button.
Syempre naman para hindi halatang nakita ko siya kanina na kasama yung lalaking MAS GWAPO pa ako! Di ako papatalo dun noh!
"Oh Mark nangiti ka mag-isa diyan? Nyare?" Nakangising tanong ni Patrick baldog.
"Wala! Shoooooooooot!" Sigaw ko dahilan para magsigawan din sila.
Alas siete na kasi. Hindi na nga namin napansin ang oras eh. Paulit ulit kong pinapailaw ang cellphone ko at minsan nga tinetext ko sarili ko baka kasi late receiver ako. Hahaha! Adik lang.
Ah..ngpsama skin ung kaibigan q n c kenneth s smbacoor. Kw sn k ngpunta?" Reply niya sakin.
Kaibigan!? Yownnnnn! Kaibigan lang pala niya yung hambog na yun eh! Kung makaakbay eh parang syota! Feelingero!
E2 ngiinom kmi ng mga kaibigan q ska kantahan. Tlga kaibigan lng kyo? -Ako.
Syempre! Mabuti na yung sigurado ako diba?
Hala! May psok tau bukas tz ngiinom k! Oo nmn kaibigan q lng c Kenneth. Mbait un. Sna kpg ngkkilala n tau s personal ay mkilala mo rin sya -Siya.
Huwaaaaat! Concern siya!!!!? Ayieeeee! Kinikilig ako! Oh wag epal! Hindi masamang kiligin ang lalake!
Hindi na ako nakatiis. Pinindot ko ang call button at inaantay kong sagutin niya yung tawag ko.
Hello...
Shaks! Ang ganda ng boses! Si Den ba talaga ito?
Hi! Nakakaistorbo na ako?
Hindi naman...
Kung anu ano ang kinuwento ko para lang mapahaba ang pag-uusap namin. Ang ganda ganda ng boses niya. Parang hindi nga ako nauubusan ng sasabihin sa kanya eh.
Mark James bukas nalang uli. Gabi na. Wag ka na mag-inom ng madami ha! May pasok bukas. Goodnight!
Matapos ng usapan namin ay nakihalubilo na ako sa tropa.
"Oh? Hyper ah!" Puna sakin ni Hans.
"Oh mga tsong! Hinay hinay lang ha! May pasok pa tayo bukas!" Nakangiting sabi ko sa kanila.
Sabay sabay silang napatingin sakin.
"May sakit ka?"
"Kinukulam ka!!!"
"Shet!"Mga narinig ko sa kanila.
Ngiti lang ang iginanti ko sa kanila.
"Nga pala tol ano plano sa birthday mo?" Tanong sakin ni Patrick na may tama na ng alak.
"Hindi ko pa alam eh. Nawala na nga sa isip ko na malapit na pala ang birthday ko" sagot ko naman sa kanya.
"Nextweek na yun ah! Alaaaaam ko naaaa!" Singit naman ni Hans na mukhang walang talab ang alak sa kanya. Manginginom kasi!
"May alam akong banda na pwede natin arkilahin. CnY band yun. Yun ang banda na lagi namin inaarkila sa tuwing may okasyon sa bahay eh" dugtong ni Hans.
"Okay sige tol. Magpasched ka na dun para wala na tayong problema" sagot ko naman sa kanya.
Matapos ang ilang sandali ay napagdisisyunan na namin na magsiuwian na. Gabi na kasi at may mga pasok pa kami bukas.
Wala ako masyadong tama ng alak. Di naman ako masyadong mag-inom. Masunurin kaya ako. Sinunod ko lang ang sinabi ng McDo ko.
"Ingat pre sa pagdadrive." Bilin ko sa kanila bago ako tuluyang pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto ko.
Bago ako tuluyang nahiga ay kinuha ko ang cellphone ko.
Sometimes you can't really explain what you see in person. Sometimes it's just the way they take you to another place nobody can.
Goodnight guys!
Goodnight McDo!At sinend ko yun sa isang tao lang. Kay Den. Para hindi naman masyadong obvious. Kunwari GM.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb