Mayanaka Hitori
Vincent PoV
(Akala ko bubulukin lang ako ni Author sa Book 2 at Book 3 niya ng One More Chance. Hindi ko mapag-aralan kung ano takbo ng utak mo Author pero alam ko may role ako sa tatlong story na ginagawa mo)
Nagkatinginan kami ni Leonard nung marinig namin ang pangalan ng taong nasa tabi namin.
Alam ko iisa lang ang nasa isipan namin.
Ako ang napili niyang makasama sa pagkanta.
Nagsimula na akong kumanta. Iba ang pakiramdam ko. Habang kumakanta ako ay pilit kong ipinaparating ang mensahe ng kanta sa kasama ko.
Siya na ang kumakanta.
Hindi halos ako nakapaniwala sa boses na naririnig ko.Naagaw ang pansin ko ng kanyang mga malamlam na mata. Nakita kong namumuo ang kanyang luha.
Ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
Matapos ang kanta namin ay kinausap ko sila Leonard na gusto ko kumanta ng solo. Wala na silang nagawa. Pinabalik ko muna sila sa upuan at binulungan ko ang banda ng nais kong kantahin.
Paul anong bang pumasok sa isip mo at nagawa mo ang bagay na iyon kay Den?
Hindi mo ba nakikita o nararamdaman na napakaswerte mo sa kanya?
Nakatingin ako kay Den habang patuloy na kinakanta ko ang napili kong awitin. Pilit kong pinaparamdam sa kanya ang mensahe ng kanta.
Pagkatapos ng concert namin ay hindi ko na nakita si Den. Marami pa sana akong gustong malaman at itanong sa kanya. Pero hindi ko na siya nakita.
Kinabukasan ay gumawa ako ng paraan para malaman ko kung saan ko siya makikita. Hindi ko alam pero may parte sakin na gusto ko siyang makilala.
Gusto ko kasi gumawa ng paraan para maayos ang nararamdaman niya para kay Paul.
Pinuntahan ko siya sa school nila. Hindi ko nga inaasahan na makikita ko siya sa tapat ng gate na mag-isa. Itinigil ko ang sasakyan ko sa harapan niya.
Hindi agad ako bumaba. Nakita ko kasi ang labis niyang pagkagulat. Nakita ko ang mukha niya - yung mukhang nasasaktan.
Nakadalawang beses ko yata siyang tinawag bago siya bumalik sa kanyang katinuan.
Hindi ako pumayag na hindi siya sumama sakin sa dinner. Pinilit ko talaga siya.
"Salamat uli..." Sabi niya bago tuluyang bumaba ng sasakyan.
Napansin kong may taong nakatayo sa tapat ng gate na pinasukan nila Den at ng kapatid niya. Inakbayan pa nga nung lalaki si Den eh.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Oh saan ka galing?" Tanong agad sakin ni Marcus pagdating ko sa condo."Diyan lang" tipid kong sagot.
"Mukhang nawiwili ka na dito Vincent ah! Hindi ka naman kasi lumalabas ng ganitong oras kapag nandito tayo" ngising komento naman ni Leonard.
Hindi ko na sila inintindi. Dumiretso na ako sa music room at dinampot ko ang gitara ko.
Hindi ko pa alam ang buong kwento nila ni Paul. Ang tanging alam ko lang ay yung nangyari kay Paul sa Japan.
Nagtatanong siguro kayo kung bakit ganoon nalang bigla ang pakikitungo ko kay Den.
I feel the same way.
Ang pinagkaiba nga lang ay babae yung kapartner ko. Ang dami namin pinagdaanan at hindi ko siya isinuko and then all of the sudden ay nakipaghiwalay siya sakin dahil nagdadalang tao siya at iba ang ama ng dinadala niya.
Napakasakit non.
Kaya siguro naging ganito ako.
Cold.
Cold sa lahat ng bagay.Kaya alam ko ang sakit na nararamdaman ni Den.
I want to help him - help him to overcome this kind of pain.We don't have the ability to take away the pain - but we are gifted and have the will to overcome and get used of it.
Kailangan ni Den ng taong makakasama, makakaintindi, mapagsasabihan, masasandalan at mapagkakatiwalaan.
Alam kong maraming nagmamahal kay Den. Alam ko yun. Ramdam ko yun sa mga nakapaligid sa kanya. Alam din ni Den yun kaya ayaw niyang ipaalam o iparamdam sa kanila ang hirap at sakit na nararamdaman niya.
Base kasi sa experience ko ay habang tumatagal na pinipigilan ang pain ay lalo itong mas sumasakit. Lalong humahapdi.
The hardest thing to do is watch the one you love, love someone else.
Promise Den. I'll help you.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Hey saan ka pupunta? Di pa tapos rehearsal natin?" Tanong sakin ni Marcus nung bigla akong tumigil sa pagsipra ng gitara at mabilis tumayo para kunin ang susi ng sasakyan at pouch."I'll be back. Kayo na muna ni Leonard" tipid kong sagot sa kanya.
"Bukas na to Vin-"
"Its okay Marcus" narinig kong putol ni Leonard kay Marcus.Mabilis kong tinungo ang sasakyan ko at sumakay ako. Kaagad ko na itong pina-start at pinaandar.
Tinahak ko ang daan papunta sa eskwelahang pinapasukan ni Den.
Hindi ko kasi siya maitext o matawagan. Nakalimutan kong kunin ang number niya nung isang araw. Gusto ko pa sana makipagkwentuhan sa kanya pero sunod sunod na ang rehearsal namin dahil sa susunod na pagkanta namin.
Hindi naman ako nabigo.
Kaagad ko siyang nakita palabas ng gate ng school.May kasama siya.
Kasama niya yung lalaking nakita ko sa gate nung hinatid ko sila dun sa birthday.
Mabilis kong inikot ang sasakyan ko at tumigil ako sa malapit sa harapan nila at mabilis akong bumaba ng sasakyan.
"Den!" Tawag ko sa kanya. Halos sabay silang napalingon nung lalaking kasama niya.
Bakas sa mukha niya ang pagkagulat nung makita niya akong nakatayo sa harapan niya.
"Hala! Anong ginagawa mo dito? Baka marami ang makaki-"
"Ooooops!" Pigil ko aa mga sinasabi niya dahilan para matigilan siya.
"Hi Den!" Muling bati ko sa kanya.
"Ha... Hi..." Utak niyang bati.
Tahimik lang na nakatingin samin yung lalaking kasama niya.
"Ahh.. Napadaan lang ako para ibigay sayo ito.. Huwag kang mawawala dito ha..." Sabi ko sa kanya sabay abot ng tickets.
Hindi ko na siya hinayaan magsalita pa at mabilis na akong bumalik sa loob ng sasakyan ko.
Balak ko sa yakagin pa siyang magdinner kaso nakakahiya naman sa kasama niya kung basta basta ko isasama si Den.
Next time nalang siguro.
Author: Update po ako mamaya Promise. :)
Pengeng comments and votes.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb