Idadaan nalang kita sa Gitara.
Paul Francisco PoV
Mabilis akong bumalik sa table namin nila Allen at naupo na agad ako.
"Yown! Yan ang sinasabi ko! Lakas mo Paul!" Malakas na sabi ni Allen.
Sila Kerby naman ay kinakantyawan narin ako. Si Jerome? Haaay naku! Asa ka pa! Wala nanamang emosyon. Bumalik nanaman ang pagiging wirdo.
Habang nakain kami ng pizza na binili ni Allen ay nakatingin lamang ako sa grupo nila Den.
Paano ko nga ba kaya makukuha ulit si Den?
Hindi ko rin kasi alam kung ano na lagay ko sa kanya eh. Iba parin kasi kapag sigurado ka na at kapwa na kayo nagkakaintindihan. Di ko kasi siya makompronta, sa tuwing nagbabalak kasi akong kausapin siya tungkol sa lagay naming dalawa ay ramdam kong iniiwas niya o nagawa siya ng paraan para hindi namin pag-uusapan.
Pero may kakaiba akong napapansin kay Den. Basta. Hindi ko ma-explain pero ramdam ko.
"Uyy!"
"Hooooyyyyy!"Nagulat nalang ako sa biglang pagsigaw sakin ni Kerby.
"Baket ba!" Bulyaw ko.
"Ano!? Gusto mo ba yung pinag-uusapan natin?" Diretsong tanong ni Kerby.
"Ha? Ano yon?" Takang tanong.
Paano ko ba naman maiintindihan ang pinagkukwentuhan namin eh si Den laman ng isipan ko. Daig ko pa nga ang nakatira sa sobrang high kapag si Den ang laman ng isipan ko.
"Ano masasabe mo Jerome?" Tanong ni Allen.
Hindi sumagot si Jerome bagkus ay muling itinuon ang dalawang mata sa binabasang niyang libro.
Narinig na namin ang pagtunog ng bell. Senyales yun na tapos na ang isang oras na lunchbreak.
"Oyy Papa P diyan na kayo. Report na kami ng 1pm kay Maam Aswang eh" mabilis na sabi ni Sheryl na daig pa ang rapper habang bitbit ang mga nakarolyong cartolina.
Diretso lang naglakad si Den. Hindi siya natingin sakin at nakayuko lang siya.
Tangina. Nagalit yata sakin si Den.
"Den...." Biglang lumabas sa bibig ko dahilan para mapatigil siya sa paglalakad.
Tumingin siya sakin ng tingin na nagtatanong kung bakit.
"Ah...eh..."
Tangina! Ano ba sasabihin ko?
Nanatili siyang nakatingin sakin.
"Ah..." -ako.
"Antayin mo daw si Paul mamaya. Ihahatid ka daw niya" singit ni Brille at mabilis na hinila ang kaliwang kamay ko.
Wala kaming narinig na sagot kay Den at nagpatuloy narin siya sa paglalakad papunta sa direksyon ng room nila.
"Huwag ka ng kumontra Paul! Para sayo tong ginagawa namin!" Dugtong ni Kerby habang patuloy akong hinihila ni Brille.
Wala na akong nagawa. Kaya nandito na kami sa room namin ngayon kahit wala pa yung next subject namin. Ewan ko ba dito sa mga kaibigan ko. Nagkakaron ng usapan na hindi ko nalalaman.
Dumating na ang prof namin.
Discussion.
Discussion.
Discussion.
Recitation.
Recitation.
Takte! Wala akong naiintindihan! Walang napasok sa utak ko sa mga pinagsasasabe ng prof namin.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb