Uyy! Tol, find your heart daw!

8.1K 301 13
                                    

Ang puso ko'y tanging iyo lamang...

Chriden PoV

"Takte! Akala ko ba regular class na ngayon!? Saka bakit kailangan pa ng orientation eh third year na tayo!?" Walang tigil na bunganga ni Sheryl habang papunta kami sa auditorium ng school namin.

"Wala tayong magagawa She. Actually kanina ko pang umaga iniisip yan She" sagot naman ng presidente ng Psyche. Mia Dones. Weird noh?

"Naku! Mia-chan wag mo ako maganyan ganyan. Halika na nga! Baka mahawa pa ako kay Mia!" Sabay hila sa kamay ko ni She.

Shaks! Ang daming tao. (Malamang school to) punung puno ang auditorium.

"Nga pala guys we need to sign sa attendance kaya pila na tayo" dagdag naman ulit ni Mia. Kaya wala na kaming nagawa kundi ang pumila. Lagi naman ganito eh.

"Den find your height daw! Dun ka sa likod!" Bungisngis na sigaw ni Sheryl dahilan para magtinginan ang ibang mga estudyanteng kasabay namin.

"Lagot ka sakin mamaya Sheryl!" Sagot ko sa kanya.

"Uyy tol find your heart daw! Lakad dun ka sa kabilang pila!" Sigaw nung isang lalaki na nakapila sa kabila. Pagkatapos nun ay nagtawanan sila.

Tangnang mga to ah! Asar!!

Iba't ibang course pala ang magkakasama dito. Comsci, Nursing, IT, Mascom at kami mga Psyche.

Kahit pumili kami ng gusto naming pwestuhan ay hindi pwede dahil may mga sign kung saan kami dapat maupo.

"Den tingnan mo yung magsasalita sa unahan mukhang tulya!" Sabi ni Sheryl tapos ay tumawa ng pagkalakas lakas.

"Tangnaka She! Mahiya ka! Ang dami nating ibang kasama dito!" Sabi ko sa kanya habang natawa ako.

"Hoy! Tumigil nga kayong dalawa diyan! Kaingay ingay niyo!" Saway samin ni Norman.

"Tangnamo! Baboy!" Sigaw naman ni Sheryl. Na naging dahilan ng lalong pagtawa naming mga psyche major.

"Goodmorning Sebastinian!" Bati samin nung sinasabi ni Sheryl na mukhang tulya.

"Oh makinig ka sa reyna ng tulya!" Kalbit sakin ni She.

"Nagtataka siguro kayo kung bakit kailangan pang iorient ang mga third year students..." Dugtong niya sa kanyang sinasabi.

"Excuse me po... Pwede po bang maupo dito? Puno na kasi sa likuran eh..." Sabi sakin ng lalaki mula sa likuran ko. Tinutukoy niya yung bakanteng upuan sa tabi ko.

"Huwag ka na magpaalam diyan kuya. Upo ka na. Ingat ka lang diyan sa katabi mo. Mangkukulam yan!" Mabilis na sagot ni Sheryl.

Tawa lang ang sinagot ng taong tumabi sakin at tahimik na itong naupo sa tabi ko.

Nagpatuloy sa pagpapaliwanag ang babaeng nasa unahan ng auditorium hanggang sa naramdaman kong tumunog ang cellphone ko.

Hi! Goodmorning! 😊
Sender: Mark James

Hindi ko na muna nireplyan iyong text niya at mabilis kong ibinalik ang cellphone ko sa bag ko.

Nalaman namin na magkakaroon kami ng retreat next month. Kasama na daw iyon sa binayaran namin sa tuition fee kaya wala na daw kailangan problemahin. Nalaman din naming magkakaroon nanaman ng foundation day sa school kaya kailangan daw namin maghanda nanaman ng booth bawat kurso.

Haaay... Bringing back the old memories. Ang sarap balikan ng mga namgyari nung nakakasama ko si Francisco at sila Jerome. Musta na kaya sila Jerome? Tama! Tetext ko siya mamaya. Memorize ko naman ang number niya.

"So ngayon magpagalingan muna ang bawat course. Walang magpapatalo! May reward ang mananalo!" Masayang sigaw nung babaeng tulya sa harapan dahilan para maghiyawan naman ang mga nasa loob ng auditorium.

"Den! Ikaw na representative ng course natin!" -Sheryl.

"Hala! Bakit ako? Gusto niyo bang mapahiya ang section natin! Huwag ako! Ikaw nalang She!" Tanggi konsa kanila.

"Ano gagawin ko diyan? Tutuwad! Wala akong ibang talent bukod sa tumuwad kaya ikaw na!" Giit ni Sheryl.

"Kapag di ka pumayag Den di kita papakopyahin kapag may exam kay Maam Baron!" Singit naman ni Gladys na mukhang aswang.

Takte! Habang nag-uusap pala kami ay tapos na magperform ang ibang kurso. May nagsayaw at yung iba naman ay nagRap.

"And now, tingnan naman natin ang mga psychology student!" Malakas na sigaw ng babaeng tulya.

Naghiyawan ang mga classmates ko at itong si Sheryl ay talagang itinayo pa ako at hinila papunta sa stage.

"Galingan mo! Lagot ka saken kapag nagpatanga tanga ka diyan!" Pahabol ni She bago tuluyang bumalik sa upuan.

"Ano ang gagawin mo?" Tanong sakin nung babae.

"Kakanta nalang po...." Mahinang sagot ko sa kanya.

Walang minus one o kahit na anong background song na handa kaya kakanta ako ng boses ko lang talaga.

For all those times you stood by me
For all the truth that you made me see
For all the joy you brought to my life
For all the wrong that you made right

Panimula ko sa kanta.
Biglang tumahimik ang buong paligid. Tanging boses ko lang ang naririnig ko at pakiramdam ko ay walang taong nakikinig sa boses ko.

For every dream you made cone true
For all the love I found in you

Damang dama ko yung kanta kasi si Francisco ang nasa isipan ko. Kumakanta ako habang pinipicture ko sa isipan ko ang mga scenario na magkasama kami.

You were my strenght when I was weak
You were my voice when I couldn't speak
You were my eyes when I couldn't see
You saw the best there was in me

Shit! Francisco namimiss na agad kita.
Hanggang sa hindi ko namalayan na natapos ko na pala ang kanta.

Pagkatapos kong kumanta ay biglang napuno ng hiyawan ang buong auditorium at nagpalakpakan ang mga kasama ko.

"Akin ka nalang!!!!!"
"Anong number mooooo!!"
"Ikaw na forever koooo!!"

Samut saring sigaw na narinig ko. Natatawa nga ako eh.

"Hindi na daw pwede kasi taken na siya!" Pabirong sabi nung babaeng tulya.

Pero totoo naman TAKEN na ako kaya di na ako pwede. Hahaha!

Pagkatapos kong kumanta ay naglakad na ako pabalik sa pwesto namin. Kitang kita ko nga ang mukha ni Sheryl na malawak ang pagkakangiti.

"Hi! Pwede makuha number mo?" Biglang sulpot ng isang lalaki sa harapan ko.

"Ha? Ah... 091-"
"Oy! Patrick! Bumalik ka na nga sa upuan mo! Mamaya na yang kalokohan mo!" Biglang singit naman nung lalaking katabi ko. Magkaklase siguro silang dalawa.

Napakamot nalang sa ulo yung lalaki at mabilis na bumalik sa pwesto nila.

Ako naman ay eto nakaupo na sa upuan ko at inaabangan ang susunod na magpeperform. Tatlong nalang kasi ang natitira. IT, ComSci at Nursing.

"Ngayon naman ating tawagin ang representative ng ComSci!"

Matapos sabihin nung babaeng tulya yun ay napuno nanaman ng hiyawan ang buong auditorium. Biglang tumayo ang lalaking katabi ko at nagpunta sa stage.

Comsci pala kurso niya.

Author: Pengeng Votes and Comments :) Mamats

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon