Two steps behind.
Mark James PoV
Katatapos lang ng session namin. Pangalawang araw na ito at bukas uuwe na kami.
Hindi mawala sa isip ko yung nangyari kanina sa dining area. Yung biglaang pagdating ng dalawang lalaki.
Hindi ko sila kilala pero base sa mga naririnig kong reaksyon sa paligid ko nung dumating yung dalawang lalaki ay sikat sila sa school.
Transfer lang kasi ako nung second year kaya hindi ko sila kilala.
Bakas na bakas ko ang pag-aalala sa mukha nila para kay Den. Lalo na yung naunang dumating.
Hindi naman ako manhid para hindi ko mahalata na may hindi magandang nangyayari. Hindi naman siguro sila basta basta pupunta lang dito para lang tanungin si Den kung okay lang ba siya.
"Mukhang hindi ka rin makatulog ah..." Sabi sakin ni Den.
Hindi ko pinahalatang nagulat ako sa pagkakasabi niyang iyon.
"Medyo.. Excited na kasi ako para bukas sa last session natin.." Pagpapalusot ko sa kanya.
"Tara. Lakad lakad muna tayo sa labas. Pahangin lang. Pampaantok..." Sunod na sabi niya at dahan dahan tumayo.
Sumunod naman ako sa kanya. Tutal hindi parin naman talaga ako inaantok kaya gusto ko rin maglakad lakad sa labas.
Nandito kami ngayon sa tapat ng hall. Palakad lakad lang. Pinasuot ko ang dala kong jacket kay Den kasi masyadong malamig dito sa labas.
Napansin kong dala ni Den ang cellphone niya.
"Talagang hindi mo sinurender ang cellphone mo ah.." Pabirong sabi ko sa kanya.
"May inaantay kasi akong tawag" panandalian siyang tumigil at tiningnan ang cellphone niya.
"Diba isang oras lang naman ang pagitan ng oras natin sa Japan?" Kasunod niyang tanong sakin.
Tango lang ang sinagot ko sa kanya.
Binalot muli kami ng katahimikan. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa napagpasyahan namin na maupo muna sa isang bench.
"Bukod sa pag-aantay ko ng tawag mula kay Francisco ay nagtataka rin ako kung bakit bigla bigla nalang pumunta si Jerome at Lloyd kanina..." Sabi niya.
Jerome at Lloyd pala ang pangalan nung dalawang yun.
"Ang alam ko kasi si Jerome nasa Canada at si Lloyd naman ay nasa Baguio, tapos bigla silang dadating dito at tatanungin ako kung okay lang ako?" Takang kwento niya.
Ibig sabihin umuwe lang talaga si Jerome dito galing sa Canada para lang puntahan si Den? Ganoon din yung sinasabi niyang si Lloyd?
Ganoon kaimportante si Den sa kanila?
"Hindi ko tuloy maiwasan na mag-isip ng kung anu-ano..." Malungkot na sabi niya.
"Anu ka ba! Huwag ka mag-isip ng kung anu-ano. Hindi maganda yung ganyan. Huwag ka mag-alala kung ano man ang pinunta nila dito ay sigurado ako na para sayo yun..." Pang-aamo ko sa kanya.
"Salamat Jaime..." Mahinang sagot niya sakin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Mabilis natapos ang last session namin. Nagkaroon kami ng simpleng activity kung saan masusubukan ang teamwork. Ang saya nga eh. Puro kalokohan si Sheryl.Nakapag-ayos na kami ng gamit ngayon. Inaantay nalang namin ang pagdating ng bus para ihatid na kami pauwe.
"Sure ka bang wala kang nakalimutan?" Tanong ko kay Den habang pareho kaming nakaupo sa kama namin.
"Opo. Lahat dala ko. Pati nga yung sobrang shampoo at toothpaste ay nilagay ko sa bag eh" sagot kasunod nun ay ang pagtawa niya.
"Den!" Narinig kong sigaw mula sa pintuan namin.
Sigurado ako si Sheryl yun. Si Sheryl lang naman ang walang pakundangan ang bibig kahit nasaang lugar eh.
Binuksan ni Hans ang pintuan at bumungad nga samin si Sheryl.
"OhMayGawd! Pengeng kanin!" Sigaw niya habang nakatitig sa katawan ni Hans. Nakahubad kasi ng damit si Hans at hindi pa tapos magbihis.
"Hoy She! Wag mo ngang pagpantasyahan yang si Hans!" Sabi naman ni Den na nagpabalik sa katauhan ni Sheryl.
"Napaka mo talaga! Malapit na eh!" Inis na sagot ni Sheryl.
"Oh bakit ba kung makasigaw ka eh parang lilipunin na magaganda!?" Tanong agad ni Den.
"Gusto ko lang ipaalam sayo na kanina pa nag-aantay sayo si Jerome sa labas! Kanina parin siya pinagpipiyestahan ng mga uod na comsci!" Mataray na sabi ni Sheryl.
"Ha? Teka! Oo nga pala!" Sabi ni Den at mabilis na lumabas ng kwarto.
"Oh sige Papa Hans! Sa school nalang natin ipagpatuloy..." Sabi ni Sheryl sabay kindat kay Hans.
"Oh anong inuupo mo diyan Mark? Sundan mo si Den! Ang hina mo talaga!" Untag sakin ni Hans.
Awtomatikong kumilos ang katawan ko at lumabas ng kwarto.
Paglabas ko ay nakita ko ang mga kaklaseng kong nakatitig sa taong nakatayo sa tabi ng pulang kotse.
Nakita kong lumapit si Den sa kanya.
Sino nga kaya si Jerome sa buhay ni Den?
Sino rin kaya yung Lloyd sa kanya?
Ang dami ko pang hindi alam kay Den.
"Tol, oh!" Sabay abot sakin ni Hans ng gamit ni Den.
Napansin kong pinapasakay na siya ni Jerome sa sasakyan kaya bigla akong tumakbo palapit sa kanila.
"Den! Den!" Pagtawag ko sa kanya.
Sabay na napalingon sakin si Den pati yung kasama niyang si Jerome.
"Oh Jaime!?" Takang tanong niya sakin.
"Nakalimutan mo oh.." Sabay abot ko sa kanya ng gamit niya.
"Salamat... Pasensya na hindi na ako makakasabay pauwe sanyo..." Nakangiting sabi niya sakin.
"Okay lang. Alam kong mas magiging okay ka na..." Ngiting sagot ko sa kanya.
"Eto oh... Gamitin mo..." Sabi ko ulit sa kanya sabay hubad ko sa suot kong jacket.
"Salamat... Ingat sa pag-uwe ha.. Kita nalang tayo sa school sa monday..." Huling sabi niya bago siya tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan.
Napansin ko na nakatingin sakin si Jerome pero hindi ko na pinansin iyon. Ang importante ay malalaman na ni Den kung bakit biglaan ang pagdating ni Jerome dito.
Author: short update po muna... Mag-update po uli ako maya-maya.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb