Perslab
Mark James PoV
Ilang araw nalang pasukan na ulit. Qng bilis ng panahon. Newyear na agad.
"Sure ka? Okay ka lang diyan?" Tanong sakin ni Den.
Nandito kasi ako ngayon sa bar na pinagtatrabahuhan niya. Wala kasi akong magawa sa bahay at sa totoo lang namimiss ko siya.
Flashback
"Diba Kuya Mark wala ka naman talagang syota!?" Pagkukumpirma ni Noah.
Hala! Ano ba itong mga sinasabi ng kapatid ko! Hindi na naisip na nakakahiya kay Den.
"Tumigil ka nga sa kalokohan mo Noah. Nakakahiya kay Kuya Den mo oh" saway ko sa kanya at mabilis akong tumingin kay Den senyales na nahingi ako ng pasensya sa sinabi ko kapatid ko.
"Alam mo Noah hindi bagay kay Kuya Mark mo na maging syota ko..." Sagot ni Den.
Shit! Bakit parang may tumusok sa dibdib ko nung marinig ko iyon mula sa kanya?
"Ayy... Ibig sabihin hindi mo gusto si Kuya?" -Noah.
Takte! Hoy! Nandito lang ang taong pinag-uusapan niyo. Talagang gusto niyong masaktan ako noh!?
Alam ko naman na hindi ako magugustuhan ni Den pero huwag naman sana sa paraang ganito ko malaman.
Ewan ko ba pero nag-aantay talaga ako ng kung ano pang sasabihin ni Den at isasagot sa tinatanong ng madaldal kong kapatid.
Nakita kong nakangiti si Den.
"Noah ayoko kasi ng syota. Ang syota kasi hindi magandang pakinggan at iba rin ang ibig sabihin nun. Mas bagay kung boyfriend" ngiting sagot ni Den habang hinihimas ang ulo ni Noah.
Shiiiiiit!
Nagba-bounce ang puso ko!
Pwede ng sabayan ng Rap dahil sa bilis ng beat nito.
Tangina! Kinikilig ako!Teka teka Jaime! Huwag masyado pahalata. Di pa tayo sigurado dahil hindi pa sumasagot sa isa pang tanong si Den. Ayiiiiie!
"Syempre naman gusto ko si Kuya Mark mo... Astig yan ee!" Muling sagot niya at mabilis ng nagsimula ulit maglakad para maggala.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa kilig na nararamdaman ko.
Ang saya.
Napakasaya.
"Oh kuya bawas bawasan yung ngiti baka mapunit yang bibig mo" puna sakin ni Noah.
"Tara na nga! Dun naman tayo" yakag ko sa kanila.
End of Flashback
"Okay lang" ngiting sagot ko sa kanya at mabilis na siyang pumunta sa stage.
Nagsimula na siyang kumanta.
Kahiy ilang beses ko ng naririnig kumanta si Den ay manghang mangha parin ako sa kanya. Yung pakiramdam na parang dinadala ako sa kung saan sa tuwing naririnig ko ang boses niya.Ang dami nagrerequest ng kanya sa kanya. Dami ko nga rin naririnig na mga komento at nagagandahan sa boses ni Den.
Sakin? Hindi lang boses ang maganda sa kanya. Lahat maganda.
Napansin kong sinenyasan niya yung waiter na mag-aabot ng papel na request at nakuha naman ng waiter ang nais iparating ni Den. Yung wag muna iaabot sa kanya yung hawak niyang papel. Bumulong si Den sa mga tumutugtog.
Nagsimula na ang intro ng kanta.
Take me to your heart
Show me where to start
Let me play the part of your first love
All the stars are right
Every wish is ours tonight my loveNakatitig lang ako sa kanya.
Hindi ko magawang alisin ang dalawang mata ko sa kanya.
Nakatuon lang sa kanya ang dalawang tainga ko at pakiramdam ko ay siya lang ang taong nasa unahan ng maliit na stage.Got to believe in magic
Tell me how two people find each other
In a world thats full of strangers
You've got to believe in magic
Somethings stronger than the moon above
Cause its magic when to people fall in loveNapapansin ko rin na medyo nakangiti si Den. Kakaiba.
Dati kasi kapag pinupuntahan ko siya sa set ng banda nila ay seryoso at malamlam ang kanyang mga mata sa tuwing kakanta siya. Ngayon, kakaiba. Parang may nag-iba.
Got to believe in magic
Tell me how two people find each other
In a world thats full of strangers
You've got to believe in magic
Somethings stronger than the moon above
Cause its magic when to people fall in love........Pagtatapos niya sa kanta.
Nagpalakpakan ang mga taong kasama ko sa loob ng bar. Ako? Nakatanga lang sa kanya. Nakatitig at hindi ko na namalayan na tunaw na yung yelong na nakalagay sa alak na iniinom ko.Tumingin sa kinalalagyan ko si Den. Nginitian niya ako.
Bigla nalang humampas sa drums ang drummer at sumipra ang gitarista.
Twing kita'y nakikita
Ako'y natutunaw
Parang ice cream na bilad
Sa ilalim ng arawBiglang pagpasok ni Den sa kanta habang nakatingin sakin. Nakangiti at nakangisi siya sakin habang kinakanta niya yung lyrics na yun.
Ano ba naman ang sikreto mo?
At di ka maalis sa isip ko
Ano bang gayuma ang gamit mo?
At masyado akong patay sayo.Pagpapatuloy niya sabay kindat niya sakin.
Shit!
Tangina!
Ano ito?
Anong diperensya ng dibdib ko?
Anong nangyayari sa puso ko?Ang bilis ng tibok nito.
Ramdam ko.
Parang kinikiliti ang kalooban ko.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero shit!!!!!
Di na makatulog
Di pa makakain
Taghiyawat sa ilong
Pati na sa pisngi
Sa kakaisip sayo
Taghiyawat dumadamiPatuloy parin niya sa pagkanta.
Patuloy parin siyang natingin sa kinalalagyan ko.
Patuloy parin yung kilig na nararamdaman ko.
Normal ba ito?
Shit!
Kahit ma-abnormal na ako - ayos lang kung si Den naman ang dahilan.Hindi ko alam kung naiihi ba ako o ewan dahil sa nararamdaman ko.
Di na makatulog
Di pa makakain
Taghiyawat sa ilong
Pati na sa pisngi
Sa kakaisip sayo
Taghiyawat dumadami...Pagtatapos ulit niya sa kanta at tinapos niya yun habang nakatuon sakin ang dalawa niyang mata.
Yung dibdib ko?
DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUGYung kalooban ko?
AYIEEEEEEEEEEEEEEEEE!Ako? Shit! Nakatanga lang sa kanya.
Kailangan mapigilan ko ang sarili ko dahil kung hindi ay tinungo ko na ang stage at hinila ko na siya dito sa harapan ko. At.. At... Shit! Ano ba itong pumapasok sa isipan ko!Gusto kitang halikan Den....
"Ha? Gusto mo akong halikan?"
Bigla akong napatingin sa harapan ko.
Bigla rin akong nanlamig.
Paano niya nalaman?
Paano niya nalaman ang sinasabi ng isip ko?"Ha?"
"Sabi mo kasi 'gusto kitang halikan Den'" sabi niya habang nakatitig sakin.
Author: Bakit walang tigil ang ulan? :( haaaay...
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb