"You can keep staring - but the picture's not going to change"
Chriden PoV
"Huwag ka na masyadong magdala ng gamit. Dun nalang tayo bibili" bilin sakin ni Jerome.
Kaya yun nga angg ginawa ko.
Ayoko nga sana pumayag na sumama sa kanya kaso mapilit siya. Sayang daw ang ticket kung hindi daw kami tutuloy.
Pinagpaalam niya ako kay Mama kaya wala kaming naging problema. Ganoon din ang sinabi niya sa School Dean kaya binigyan ako ng dalawang linggong bakasyon. Ang lakas talaga nila sa school noh? Dami talaga nagagawa ng pera. Sana ako maging mayaman din.
Nagsimula ng umardar ang eroplano. First time ko kaya medyo natatakot ako. Hindi pala medyo. Takot talaga ako. Natatawa nga sakin si Jerome kasi grabe yung pagkakakapit ko sa kamay niya nung biglang lumiyad ang eroplano.
Ilang sandali lang ay tumayo ang tatlong steward.
Hindi sila nagsasalita. Tanging boses lang na nanggagaling sa hindi ko makitang speaker ang naririnig ko.
Ipinapaliwanag nila kung paano gamitin ang parachute at iba pang gamit sa loob ng eroplano.
"Hala! Anong sinasabi nila?" Takang takot kong sabi kay Jerome.
"Ganyan talaga. Pinapaliwanag nila yan just in case of emergency. Huwag ka matakot. Relax ka lang" nakangiting sagot sakin ni Jerome.
Lumipas ang mahigit isang oras ay narinig kong sinabi nung piloto na ready for landing na daw kami sa hongkong.
"Tingnan mo yun oh" sabay turo ni Jerome sa ibaba.
Wooow! Ang gandaaaa!
Napapalibutan pala ang hongkong ng tubig at halos bundok pala kung titingnan ang hongkong."Ang ganda noh?" Masayang sabi ko kay Jerome.
Hindi na rin kami nagtagal sa airport ng hongkong. Kailangan maiayos pa namin kasi sa titigilan naming hotel itong mga gamit namin.
Habang nakatigil kami sa isang waiting area ay tumawag ng taxi si Jerome.
"Bao yu jiudian" -Jerome.
Hala! Si Jerome nagsasa-elyen na! Anong sinasabi niya!?
"Hao ba rang qu" sagot naman nung mukhang putong driver.
Mabilis akong iginiya ni Jerome papasok ng taxi.
"Jerome ano yung pinag-usapan niyo ng driver?" Takang tanong ko nung nakasakay na kami sa taxi.
"Ahh.. Sabi ko sa kanya dun tayo sa hotel ihatid tapos sabi naman niya lets go" paliwanag ni Jerome.
Ayos ah! Ang galing! Marunong pala si Jerome ng ganoong salita.
Hindi rin nagtagal ay dumating na kaminsa hotel.
Ang gandaaaa!
Walang sinabi ang mga hotel sa pilipinas."Akina yang dala mo" sabi ni Jerome sabay kuha sa hila hila kong maliit na maleta at binigay dun sa lalaking nag-aassist samin.
Gumamit kami ng elevator. Nakita kong pinindot nung lalaki yung 16floor. Wow ha! Ganoong kataas?
"Thank you very much sir. Enjoy staying here" sabi nung lalaki matapos abutan ni Jerome ng tip.
Ang ganda ng room namin.
Ang laki!
Kasing laki na yata ng bahay namin ito eh.Nilibot ko muna ang buong room namin. Mangha mangha talaga ako. May malaking TV, may sariling refrigerator, malakas ang aircon at kumpleto talaga dito ang mga kagamitan.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb