Promise? Promise!

6.7K 250 16
                                    

My Only One - Yellow Card

Chriden PoV

"Den peram nga ng notes mo sa Reaearch. Magrereview ako" sabi sakin ni Sheryl habang nakaupo kami dito sa cafeteria.

Inabot ko sa kanya yung maliit na notebook ko.

Midterm na ng second sem. December na. Exam na namin kaya damang dama namin ang hirap. Grabe yung exam namin sa Psychological Testing. Dumugo utak ko kasi lahat ng psychological exam na ginawa namin ay kailangan namin iexplain tru essay. Inabot nga kami ng apat na oras. Kulang pa!

Kaya eto ngayon subsob kami sa pag-aaral dahil FilPsyche na ang exam namin at Research. Sigurado kasi kami na mahirap lalo yun dahil sa dami ng nadiscuss ng mga bantog na prof namin.

"Den! Dito lang pala kita makikita!" Ngiting pag-agaw pansin sakin ni Jaime.

"Oh ayaw na pala manliligaw mo" sabi ni Sheryl habang nakatuon ang mata sa notes ko.

Flashback

"Putangna! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari di na sana ako sumama!" Reklamo ni Sheryl habang nasa kalagitnaan na kami ng pag-akyat ng bundok.

"Ayos lang yan Sheryl! Minsan lang to - saka tingnan mo si Hans oh!"  -Patrick.

Biglang nagningning ang mata ni Sheryl nung tinuon nya ang itsura ni Hans habang nasa unahan niya.

"Kailangan natin magmadali. Kapag inabot kasi tayo ng dilim ay mahihirapan tayo sa pag-akyat" dugtong ni Patrick.

Late na kasi kami nagsimulang umakyat. Almost 3:30 na kami dumating sa ibaba at nagparegister pa kami sa DENR.

Nagpatuloy na kami sa pag-akyat at pagtapos ng dalawang oras ay narating na namin ang tuktok.

6:20pm.

Nagpahinga kami ng sandali at inayos na namin ang mga tent na gagamitin. Wala akong tent. Nagprisinta si Jaime na magkasama nalang kami sa tent. Si Sheryl naman may dalang sarili at sa sobrang kaliitan ay parang aso lang yata ang kasya dun.

Inayos ko ang pagkain na dala namin. Nagluto ako gamit ang butane na dala ni Patrick.

Ang mga lalake naman ay busy sa paghahanap ng mga sanga na pwedeng gamitin sa napag-usapan nilang bonfire.

"Den sarapan mo luto ah! Yung kasing sarap ni Hans!" Sigaw sakin ni Sheryl habang abala siya sa paglalatag ng kumot sa damuhan.

Sobrang lamig pala dito. Pero napakaganda ng view. May mga nakasabay rin kami sa pag-akyat dito. Dami ko ngang natutunan dito eh. Friendly kasi lahat ng nakakasalubong namin at nakakasabay sa pag-akyat.

"Tara! Kain muna tayo" yaya ni Sheryl habang nlalapag ko ang mga niluto kong pagkain.

Kwentuhan at asaran ang nangyari habang nakain kami.

Nagkantahan kami. Laro at iba't iba pang pwedeng gawin habang nakapaikot kami sa bonfire na ginawa nila Hans.

"Oh ba't gising ka pa?" Tanong sakin ni Jaime habang kaupo ako sa isang gilid at pinagmamasdan ko ang mga ilaw sa ibaba ng bundok.

"Wala. Ang sarap kasi ng pakiramdam dito" sagot ko sa kanya. Umupo narin siya sa katabi ng batong inuupuan ko.

Kapwa kami nakatingin sa mga naggagandahang ilaw sa ibaba. Nakakawala ng pagod dito. Nakakarelax.

Isang taon nalang - graduate na ako. Mas makakatulong na ako sa pamilya ko. Yun talaga ang laman ng isipan ko ngayon. Ayoko na kasi mahirapan si mama sa pagtatrabaho. Gusto kong ako naman ang bumawi ngayon.

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon