Sa isang munting harana - para sayo.
Chriden PoV
"Deeeeeeeeeeeeen!"
"Deeeeeeeeeeeeen!"Naku! Hindi niyo na dapat pang tanungin kung sino ang walang pakundangang nagsusumigaw. Sino pa! Edi si Sheryl!
Binaba ko ang binabasa kong libro (The Lord of the ring - The hobbit) at mabilis akong tumayo para salubungin ang reyna ng sabungera.
"Deeeeeeeeee- aray naman! Masaket!" Sabi niya nung bigla kong tinakpan ang bibig niya para tumigil sa kasisigaw.
"Eh talagang masasaktan ka talaga saken kapag hindi ka pa tumigil!" Mabilis kong sagot sa kanya.
"Baket ba sigaw ka ng sigaw!? Bakit ba hangos na hangos ka!? Baket ba ku- aray! Masaket!" Sigaw ko nung bigla rin niyang tinakpan ang bibig ko.
"Hindi lang yan ang gagawin ko sayo kapag di ka tumigil ng katatanong saken!" Malakas niyang sigaw.
"Tangnamo!" Sagot ko sa kanya.
"Eh bakit ka nga ba sigaw ng sigaw!?" Tanong kong muli sa kanya.
"Eh pano tatanga tanga ka! Halika ka nga sa cafeteria para malaman mo!" Sigaw niya sakin at mabilis niyang hinila ang kamay ko.
"Dahan dahan naman! Baka mabalian ako She!"
"Eh talagang babalian kita!" Pilosopong sagot niya.
Matapos ang buwis buhay kong pagpapakaladkad kay Sheryl mula third floor hanggang dito sa ibaba ay nakarating narin kami dito sa harapan ng cafeteria.
Bakit ang daming estudyante ang nandito?
Suspended ba ang klase?
Wala namang announcement ah!"She may meeting?" Seryosong tanong ko kay Sheryl.
"Oo! Meeting ng mga tuleg na katulad mo!" Bulyaw niya sakin at bigla nalang niya ako tinulak papasok sa loob ng cafeteria.
Biglang napunta sakin ang atensyon ng mga taong nasa bawat gilid ng cafeteria.
Hala! Ano nangyayari? Di naman ako mukhang kakaiba ah!
Iginala ko ang mata ko.
Tangina parang papatayin ako ng mga ito ah!Tatalikod na sana ako at babalik kay Sheryl nung napadako ang dalawang mata ko sa paborito naming table nila Sheryl.
May isang taong nakaupo.
May isang tumpok na bulaklak sa harapan niya.Nakatingin siya sakin. Ayoko naman maging assuming pero sakin talaga siya nakatingin. Nakatitig.
Nahagip din ng mata ko sila Jerome na nakatayo sa gilid ng hagdan kasama sila Allen.
Biglang tumayo yung lalaking nasa table namin. Kinuha yung bulaklak at dahan dahang naglalakad.
Naglalakad papunta sa kinalalagyan ko.
Naririnig ko ang mga tilian ng mga babaeng nasa paligid ko - namin. Pati yung ibang mga lalaki ay nakikisigaw narin.
Ako?
Ano ba dapat kong gawin?
Tatakbo ba ako?
Palapit?
Palayo?Malapit na siya.
Ilang hakbang nalang ay nasa harapan ko na siya.Ayan na siya.
Bakit parang nanginginig ang tuhod ko?
Bakit parang bumibilis ang tibok ng puso ko?
Bakit ganito ako?
Bakit parang may mali sa sarili ko?
Eto na siya.
Nasa harapan ko na siya.
"Hi" bati niya sakin na may malawak na pagkakangiti.
Nakatitig lang ako sa kanyang mukha. Ewan ko kung bakit sa pagkakataong ito at nagugustuhan kong tumitig sa mukha niya.
"H...Hi..." Utal kong bati sa kanya.
"I got this for you...." Nang-aakit niyang sabi sakin sabay abot ng isang tumpok na bulaklak. Sinadya ata niyang pisikan ng sarili niyang pabango ang mga bulaklak dahil sa naamoy kong sobrang bango nito.
Narinig ko nanaman ang tilian ng mga babae sa bawat gilid ng cafeteria.
"Thank you..." Mahinang sagot ko sa kanya.
"Inantay lang talaga kita para ibigay sayo yan... Pasok na ako Den - kanina pa kasi nagsisimula klase namin" ngiting sabi niya.
Nagsimula na siyang maglakad papalayo nung napansin ko siyang biglang tumigil at naglakad uli pabalik sa kinalalagyan ko.
Nakatayo na ulit siya sa harapan ko.
"Pasensya na... May nakalimutan ako" sabi niya at bigla niya akong hinalikan sa noo.
Matapos nun ay kaagad na siyang umalis.
Ako naman ay naiwan na parang timang sa gitna ng cafeteria.
"Den psychology major ka - hindi ka botanist! Kaya pagkatapos mong obserbahan yang mga bulaklak ay bumalik na tayo sa room dahil sigurado akong nandun na ang reyna ng gilagid!" Biglang sulpot ni Sheryl sa harapan ko.
Nawala narin unti-unti ang mga taong nakapaligid sa cafeteria bukod sa grupo nila Jerome na nananatiling nakatingin sakin.
Hindi ko talaga inaasahan na gagawin ni Jaime yun.
Natapos ang buong araw ko na lutang ang isipan ko. Ewan ko ba. Nakakaramdam ata ako ng kilig.
Kung nagkataon siguro na matuloy yung dyaryo ng school namin ay malamang headline ako sa dami ng kumuha ng litrato samin kanina.Pagkatapos naming kumain ng hapunan ng kapatid at mama ko ay umakyat na ako sa kwarto ko.
Wala kaming case study ngayon. Wala ring binigay si Ellen na research tungkol sa thesis namin kaya malaya kong maipagpapatuloy ang ginagawa ko sa wattpad na 'Paano nga ba mag-move-on'. (pakisearch nalang yung complete version - paki-vote narin. Salamat)
Ang dami kong gustong i-type pero hindi ko naman alam kung paano simulan. Nakakailang type at delete na nga ako eh.
Nung nakaisip na ako ng magandang intro ay bigla akong may naulinigan.
Uso pa ba ang harana?
Marahil ikaw ay nagtataka.
Sino batong mukhang gago
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kabaBahagya kong inusod ang laptop ko at sumilip ako sa bintana.
Mayron pang dalang mga rosas
Suot nama'y maong na kupas
At nariyan pa ang barkada
Nakaporma't nakabarong
Sa awiting daig pa
Minus one at sing alongHindi ko malaman kung ano ang magiging reaksyon ko sa nakikita ng dalawang mata ko.
Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sayong tingin ako'y nababaliw
Giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana - para sayo.Lalo lang gumugulo ang nararamdaman.
Paul bakit kung kailan nagiging okay na ako ay saka mo pa ginagawa ito.
Natapos ang kanta na nakatingala at nakatingin sakin si Paul kasama sila Allen na may hawak na kanya kanyang gitara.
Author: pengeng comments and votes. :)
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb