We've only just begun....
Paul Francisco PoV
Bigla yata akong nabuhayan ng dugo nung narinig ko kay Den yun.
Takte! Kikisan daw niya ako kapag naka-100 points ako! Ayos!
Naghulog na ako ng token sa machine. Narinig ko na ang tunog ng machine at dahan dahan ng umi-slide ang anim na bola papunta sa harapan ko. Saktong pagkasimula ng timer ay siyang kuha ko sa bola at sunod sunod ko na itong ni-shoot sa ring.
Hindi ko inaalis ang atensyon ko sa pag-asinta sa pagshoot sa bola. Baka sumala ako at sayang yung points na yun.
Kada 20points ay nadadagdagan ang timer ng 30 seconds. 43 points na ako at may 75 seconds pa ako.
Patuloy ko parin isinu-shoot ang bola. Hindi pa ako nasala. Kiss yata ang motivation ko kaya di pwedeng sumala ako.
73 points na. 38 seconds.
Kaya ko to! Hindi ako pwedeng sumuko at hindi ako pwedeng magpatalo sa oras. Oras lang yan. Hindi ko rin pwedeng palampasin ang pagkakataon sa kiss na ibibigay sakin ng taong mahal ko. Ang tagal ko kayang inantay ang pagkakataong ito!88 points na. 11 seconds.
Tangna! Di ata aabot!
Please! Please!
Pinandalas ko na ang pagtira sa bola. Naririnig ko na ang countdown ng timer simula 10 pababa.94 points. 4 seconds.
Shit! Di pwede to!
98 points 1 sec.
Please! Please! Please!
"Ennnnnnnnnnnnk!!!!" Tunog ng machine senyales na tapos na yung game. Wala naring bola ang lumalabas sa machine.
"Ang galing mo parin!" Puri sakin ni Den at mabilis niya akong kinisan sa pisngi.
Naramdaman kong bigla nalang bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Ang bilis. Pwede ka na ngang mag-rap dahil sa beat nito eh. Mabilis kong nilingon ang points ng machine. 100points.
Shit! Sakto yung huling tira ko sa bola! Pasok!"Uyy!" Tawag ko ulit kay Den.
"Oh bakit?" Mabilis niyang lingon sakin.
"Yung kiss ko?" Sabi ko sa kanya.
"Nakisan na kita ah!" Sagot niya.
"Bakit sa pisngi lang?" Maamong tanong ko sa kanya.
"Hala! Gusto mo sa noo?" Mabilis niyang sagot sakin.
"Dapat dito oh... Dito..." Pagnguso ko sa kanya.
"Tumigil ka nga sa kalokohan mo... Halika na dun naman tayo sa The Walking Dead" tukoy niya sa larong binabaril yung mga zombie.
"Ayy! Ang daya naman... Nag-effort pa naman ako tapos sa pisngi lang ang kiss...." Pagmamaktol ko habang naglalakad na ako papunta sa kanya.
"Ikaw talaga! Marami pa tayong pwedeng laruin oh! Wag ka ng magmaktol diyan" sagot niya na nagbigay sakin ng panibagong motibasyon.
Marami pa daw pwedeng laruin? Ibig sabihin madaming beses pa niya ako pwedeng kiss-an? Ayiiieeee! Shit! Kinikilig ako. Nararamdaman ko na nag-iinit ang mukha ko at alam kong anu mang oras ay mamumula ako. Di bale na. Okay lang may makakita sakin na ganito kesa naman palampasin ko pa ang pagkakataon.
Hawak na namin ni Den ang tig-isang baril. Sabay kaming naghulog ng token at pumuwesto na kami.
"Kung sino unang ma-game-over siya ang kikiss ha!" Sabi ko sa kanya bago magsimula ang game namin.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb