Hahalikan ulit kita!!

6.8K 273 42
                                    

You to me are everything.

Dedicate ko po yung update kay - PPOCORONEL. Ipapakidnap daw kasi niya ako at ipapatapos niya na daw sakin itong book 2. Hahaha!

Pati dun sa crush kong reader din po nito - EID VITUG. Crush kita kuya 😍😍😍

Paul Francisco PoV

Pagkahatid ko kay Den sa kanila ay umuwe na agad ako. Yun lang naman talaga ang dahilan ko - ang maihatid siya. Kailangan makabawi ako sa halos isang taon kong pagkukulang sa kanya.

Maaga akong nagising - sabihin na nating maaga talaga ako gumising. Hindi na kasi ako makapag-antay pa na makita na ulit si Denden ko.

Magkakasunod na pumasok ang sasakyan namin nila Jerome sa gate ng school. Kung itatanong nyo bakit kami magkakasama at bakit nandito ulit kami sa school?

Bago ko napagpasyahang umuwe dito sa pilipinas ay tinawagan ko na agad ang mga kaibigan ko. Sinabi ko sa kanilang kailangan ko ang tulong nila. Dahil sa gusto rin naman ulit makapaglibang nila Brille ay wala akong naging problema sa kanila. Si Jerome? Ay naku! Halos isang linggo konpa siya kinulit ng kinulit para lang pumayag siya. Tinanong pa nga niya ako kung ano ang dahilan ko. Kaya ayun nung pinaliwanag ko, pumayag narin siya.

Naging madali lang ang pag-eenroll namin. Kinausap ko ang dean at sinabi kong gusto ulit namin i-take ang ilang mga subjects namin dati. Wala namang naging problema dahil babayaran naman namin yung load subjects na kinukuha namin.

Sabay sabay kaming naglalakad papasok ng cafeteria.

Nahagip agad ng mga mata ko ang taong hinahanap ko. Si Den. Ang taong mahal ko. Ang taong dahilan kung bakit bumalik na ulit ako dito.

Kasama niya si Sheryl at yung dalawang lalaki. Kilala ko yun. Nakausap ko na yun nung unang araw na dumating ako dito. Siya talaga ang una kong kinausap.

Flashback

"Maraming salamat at pinaunlakan mo ang paanyaya ko" sabi ko kay Mark.

Nandito kami ngayon sa tapat ng 7Pairs Restobar.

Humingi rin ako ng tulong kay Sheryl sa bagay na ito. At sa pagkakataong ito ay alam ko na alam na ng taong kasama ko ngayon kung ano ang pakay ko sa kanya.

"Let me introduce myself personally... I'm-"

"Paul Francisco Dimaranan - Den's exboyfriend" diretsong putol niya sa pagpapakilala ko.

"Alam ko pre wala akong pakialam kung bakit mo sinaktan si Den, pero yung hindi mo ipinaliwanag sa kanya ang lahat yun ang diko maintindihan" dugtong niya. Ramdam ko ang pagpipigil ng kanyang emosyon.

Kung alam mo lang Mark na mas masakit ang sitwasyon ko.

"Madami kasing nangyari. Nawalan ako ng pagkakataon para sabihin sa kanya ang lahat" malumanay kong sagot.

"Sobrang nasaktan si Den. Alam ko lahat yun dahil ako ang kasama niya sa tuwing umiiyak siya. Ako ang kasama niya sa tuwing gusto niyang sumigaw. Ako ang kasama niya sa tuwing paulit ulit na bumalik sa kanya ang nakaraan. Ang nakaraan nung iniwanan mo siya. You don't know that pain" pagpapatuloy niya. Seryoso si Mark. Ramdam ko ang sobrang pag-aalala niya kay Den.

Totoo nga ang sinabi nung taong ni-hire ko para matyagan si Den. Totoo ang sinabi sakin na si Mark palagi ang kasama ni Den dati.

"I just want him to be happy... Ayoko na makita yung Den na tinatago yung sakit na nararamdaman...." Pagpapatuloy ulit niya.

"Mark gusto kong magpasalamat sayo sa pag-aalaga mo kay Den nung mga panahong wala ako. Nung mga panahong nalulunod ako sa pagkakamali ko. Salamat. Pero nandito na ulit ako ngayon Mark. Alam ko napakaselfish ko dahil sa ginagawa kong ito - pero nandito na ako para itama ko na ang pagkakamaling nagawa ko" mahabang paliwanag ko sa kanya.

Wala akong narinig na kahit na anong sagot mula kay Mark.

Binalot kami ng katahimikan.

"Protect him and love him"

Huling narinig ko kay Mark at mabilis na siyang bumalik sa sasakyan niya at kaagad naring umalis.

"Sorry Mark. Hindi ko pwedeng i-give up si Den"

End of Flashback

Naupo kaming magkakaibigan sa isang table na malapit sa table nila Den. Umorder sila Allen ng pagkain at nagpatuloy na kami sa kwentuhan namin.

"Tol wala si Maam Taccad at si Maam Maguad! Hayahay tayo! Anong plano?" Malakas na sabi nung classmate ni Den na matabang lalaki. Norman yata ang pangalan niya.

"Beh ano pa? Kantunan na!! Ikaw Hans gusto mo? Magpapakanton ako?" Malakas nanamang sigaw ni Sheryl na naging dahilan ng pagtawa ng mga kaibigan ko. Kahit kailan talaga balahura itong si Sheryl.

Wala pa silang pa- tamaaaa! May naisip ako!

Kaaga akong tumayo.

"Hey mga schoolmates! Sino gustong magjoin? Tara sa Villamar! Yung mga walang pasok feel free to join!" Malakas kong paanyaya sa lahat ng nasa cafeteria.

"Pa-Join kamiiiiiii!"
"Gora kami diyan!"
"Sama kami!"

Sunod sunod na narinig ko sa mga nakapalibot samin.

"Tol anon-"

Tiningnan ko si Kerby at kaagad naman niyang nakuha ang ibig kong iparating.

Dahan dahan akong lumapit sa table nila Den.

"Oyy Papa-Paul! Ang pogi mo sagad ngayon ah!" Bati sakin ni Sheryl.

Si Den? Hindi ako iniintindi. Nakatingin lang sa hawak niyang notebook kahit alam kong hindi naman niya binabasa ang nakasulat don.

"Invite ko kayo - sa Villamar. Wala naman kayong pasok kaya siguradong pwede kayo" ngiting paanyaya ko.

"Ayy sige sige! Join ka-"

"Ayy She! Una na ako. Wala palang pasok, walang susundo sa kapatid ko eh. Ingat nalang kayo" kaagad na sabi ni Den.

"Ooooops! Mr. Den GABRIEL... Hindi gagana ang ganyang palusot mo. Nasa bahay lang si Mama kaya siya ang susundo kay Bunso" sabi ko nung bigla ko siyang hinarangan sa paglalakad.

"Marami pa akong gagawin! May thesis pa kaming gagawin ni Sheryl at kailangan pang tapusin ang case study. Kaya ayokong aksayahin ang oras ko para lang sa pag-"

Hindi ko na hinayaan pang kung anu-ano ang sabihin niya. Nakakarindi kasi. Bigla kong hinawakan ang dalawang pisngi niya at pinagdikit ko ang mga labi namin.

Yun nalang kasi ang tanging paraan para tumigil siya sa pagsasalita.

Dahan dahan kong inalis ang pagkakadikit ng labi namin.

Kitang kita ko ang pulang pula niyang mukha.

"Whaaaaaa! Ayiiiiieeeeee!"
"Yowwwwnnnnnn!"

"Kainggiiiiiiit"

Mga narinig kong sigaw at matapos yun ay nagpalakpakan ang mga taong nakapaligid samin.

"Subukan mong magdahilan pa sakin Den - at lahat ng lalaking nakatingin sayo ay bubugbugin ko!" Seryosong bulong ko sa kanya.

"Saka subukan mo pang magsalit - hahalikan ulit kita" dugtong ko.

Author: ayiiieeeeee! Mag-update pa ba ulit ako? Hahaha!
Lakas ng ulan!

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon