Harana

8K 281 14
                                    

Wise men say - only fools rushin', but I can't help falling inlove with you.

Mark James PoV

"Tol find your heart daw!" Sigaw ni Patrick dahilan para kantyawan ako ng tropa.

Alam kong tinutukso ako nila Patrick at Zymone. Sinasabi nilang dun ako pumila sa line ng mga wirdo. Oyy! Hindi ako nagsabi niyan - si Patrick!

Flashback

"Were here!" Sigaw ni Manel nung nasa tapat na kami ng Starcity. Napagkasunduan kasi ng tropa na bago magpasukan ay magkaroon muna kami ng gimik na magkakabarkada.

Pumasok na agad kami sa loob para masulit namin ang buong araw. Gusto ko rin naman kasi maenjoy ang itong bakasyon ko. Wala rin naman kasi akong nakakausap sa bahay bukod sa nakakabata kong kapatid at yaya namin.

Si Mama? Busy sa trabaho. Manager siya ng isang company. Si Papa naman ay maagang kinuha samin. Car accident. Pero hindi kami pinabayaan ni Papa. Bago siya namatay ay naging masagana na ang buhay namin at meron narin kaming sariling business bukod sa pagiging manager ni Mama.

"Tara Mark dun tayo! Hila sakin ni Manel tukoy sa rollercoaster.

Habang hila hila niya ako ay naagaw ang atensyon ko ng isang tao. Alam niyo ba yung pakiramdam na parang naglalakad ka ng sobrang bagal habang nakatuon lamang ang mga mata mo sa isang tao. Sa mukha ng isang tao. Shit! Ganoon ang pakiramdam ko.

Teka! Bakit... Bakit ... Lalaki!? Bakit natuon ang atensyon ko sa isang lalaki....?

Pinagmasdan ko siyang maigi.
May kasama siyang isang bata at isang lalaki rin na nakaakbay sa balikat niya.

Takte! Ano ba itong pumapasok sa isipan ko!

"Oyy! Tulala ka diyan! Gusto mo iyon!?" Untag sakin ni Hans habang naturo sa lugar na tinitingnan ko.

"Gusto ko? Siya....?" Utal na sagot ko.

"Ha?" Sabay sabay na sabi ng tropa.

"Alam mo Mark kung hindi ka lang gwapo baka natuktukan na kita! Ibig sabihin ni Hans ay kung gusto mo ba yung cotton candy na yun! Kanina ka pa kasi nakatanghod sa lugar na yun!" Pambabara naman sakin ni Manel.

Ano ba kasi itong nararamdaman ko. Bakit na nakuha ng taong yun ang atensyon ko.

Inalis ko na ang pagkakatingin ko sa kanila at mabilis na kaming sumakay sa rollercoaster at iba pang mga rides.

Ang saya. Ganito talaga kaming magkakaibigan. Kahit magkakagiwalay kami ng school na pinapasukan ay nagkikita-kita kami para gumimik.

"Oyy guys, kita-kita nalang tayo mamaya. Maglilibot muna kami nila Aira. Alam naman naming mababagot lang kayo kapag sumama kayo!" Sigaw samin ni Manel at mabilis na kaming naiwan.

"Tara tol hanap tayo ng makakainan. Kanina pa ako nagugutom eh!" Sangguni ni Patrick.

Wala na kaming nagawa ni Hans kundi ang sumang-ayos. Tutal gutom narin kami at siguradong mamaya pa matatapos sa paglilibot ang mga babae.

Nauuna akong maglakad sa dalawa. Puro kasi kalokohan ang pinag-uusapan nila. Katarantaduhan. Tawa sila ng tawa. Ako naman nakikinig lang habang inililibot ko ang aking mata sa fastfood.

Ayos to! May parang waterfalls at mukhang masasarap ang pagkain. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa bigla akong napatigil.

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon