My only one. Yellow card
Mark James PoV
Pasado alas onse na kami dumating sa retreat house. Tagaytay. Kahit pala nasa mataas na lugar kami ay mainit parin. Ang sakit parin sa balat ng init.
Nandito ngayon kami sa isang malaking hall. Ipapaliwanag pa daw samin ng proctor ang mga rules and regulations sa loob ng retreat house. Angels hills.
Sinabi samin na bawal daw ang cellphone kaya kailangan isurrender daw iyon sa assign teacher namin. Bawal ang kahit na anong ingay o sigawan sa loob. Basta. Ang daming sinabing bawal. Puro bawal na nga eh.
Matapos sabihin ni Sir Menard ang lahat ng bawal at kailangan gawin ay pinapunta na kami sa kanya kanya naming quarters. Pagkatapos daw naming ayusin ang mga gamit namin ay pumunta na daw agad sa dining area para sa lunch.
Ayos! Kanina pa ako gutom na gutom!
"Oh Den! Ready mo na sarili mo! May dala ka bang pampadulas!?" Narinig kong walang pakundangan na sabi ni Sheryl kay Den habang naglalakad kami paakyat ng hagdan.
Langyang babae to talaga! Tingin niya sakin papayagan kong mangyari yun kay Den! Hindi pwede noh! Dapat ako lang!
Oh shit! Bad yun! Nasa retreat kami. Huwag dapat mag-isip ng ganoong bagay. Baka biglang ma-excite si junior!
Dirty talaga ng mind ko! Di ko rin kasi maiwasan. Lakas ng tama ko kay Den eh.
"Tumigil ka nga She! Ikaw talaga wala kang pinipiling lugar!" Suway ni Den sa kanya dahilan para magtawanan ang mga kaklase niya.
"Akina na nga yan..." Biglang singit ko sabay kuha sa bag na dala ni Den. Halata kasing nabibigatan siya sa dala niya.
"Okay lang.. Kayang ka-"
Hindi ko na siya pinatapos magsalita at agad ko parin kinuha.
"Hala!!!" Halos sabay sabay kaming napalingon ng mga kaklase ko at yung dalawang kaklase ni Den sa kanya.
"Bakit Den?" Nag-aalalang tanong agad nung kaklase niyang si Norman.
"Bakit ganito ang kwarto natin? Bakit kokonti ang kama! Bakit hindi double deck?" Seryosong tanong niya.
"Abnormal ka Den! Akala ko kung ano na nangyari sayo! Hindi ka ba nakikinig kanina kay Sir Menard? Sa isang kama, dalawa! Kaya tabi kami ni Ghandi!" Sisi ni Norman kay Den.
"E pano ako? Tabi nalang tayong tatlo!" -Den.
"Hindi kasya Den! Napakalapad ng katawan nitong si Norman!" -Ghandi.
"Den tabi tayo! Wala akong katabi oh!" Narinig kong yakag ni Patrick.
Langyang to ah! Hindi ata pwede yun! Walang pwedeng ibang makatabi si Den kundi ako! Period!
"Eto na ang kama natin Den. Dito ko nalang ilalagay ang gamit natin sa gilid para madali natin makuha yung gamit natin" lakas loob na sabi ko.
"Oh teka! Teka! Ako dapat ang kata-"
"Hoy Patrick! Ako ang katabi mo!" Singit naman ni Hans."Huwag ka na mahiya. Tara na ayusin na natin ang gamit natin" dugtong na sabi ko kay Den.
Wala na akong narinig na reklamo kay Den. Sumunod siya sakin sa kama namin at inayos namin yung mga gamit namin sa mini table.
Matapos namin mag-ayos ay bumaba na kami para sa lunch. Magkakahalu-halo na kaya kahit kanino pwedeng sumama.
"Sama sama nalang tayo sa isang mahabang table" sabi ni Den samin habang papalapit kami sa mga babaeng kaklase niya.
Syempre naman! Tatanggihan ko pa ba yun? Gustong gusto ko yun! Ibig sabihin nun ay nasasanay na si Den na kasama ako. Ang sayaaaaaa!
"Tekaaaa! Bago kayo lumamon, magdasal muna tayo!" Balahurang ani ni Sheryl.
Naglead ng prayer si Sheryl. At ang prayer? Takte! Sampung minuto ata yun! Napakatagal! Hindi nga namin maintindihan ang mga sinasabi niya.
"She! Prayer meeting ba to? Bakit napakatagal mo magdasal!" Sabi naman nung katabi ni Norman na babaeng buhaghag ang buhok.
"Huwag ka mangialam! Para sayo yun kase aswang ka! Kumain na nga kayo!" Sagot niya dahilan para magtawanan kami.
Nagsimula na kaming kumain.
Ang sasarap ng pagkain!Tempura.
Fried Tilapia.
Fried Chicken.
Alimasag.
Sweet and Sour Fish.
Mechado.Ang drinks naman ay iced tea at bottled water.
"Den anong issue mo sa alimasag at kung makatingin ka sa alimasag ay parang may nagawang kasalanan sayo!?" Puna ni Sheryl kay Den.
"Akina na nga yan. Ako na maghihimay. Masarap yan" sabi ko matapos kong kunin sa plato niya.
Hinimay-himay ko ang alimasag gamit ang kamay ko. Marunong ako maghimay nito noh! Tinuruan ako ni Mama dati nung bata pa ako. Saka isa ito sa paborito namin ng kapatid ko.
"Salamat...." Tipid na sagot ni Den at nakatingin parin sa himay na alimasag na nilagay ko sa plato niya.
Matapos namin kumain ay pinagpahinga kami ng 30mins bago kami pinapunta sa hall.
Simula na kasi agad ng first activity namin.
"Okay. Magandang tanghali. Ako ang magiging proctor niyo sa loob ng tatlong araw" panimula ni Sir Menard.
"Ang unang activity natin ay ang pagpapakilala sa sarili. Yung malayang pagpapakilala. Pero may iba't ibang paraan tayong gagamitin sa pagpapakilala. Maari niyong gamitin ang pagkanta, pagsayaw, pagtula, pag-arte o pagsusulat at babasahin niyo sa harapan iyon. Kailangan maiparating niyo ang tunay niyong sarili, kailangan maiparating at maipadama niyo ang nararamdaman niyo sa lahat ng taong nandito" mahabang pagpapaliwanag ni Sir Menard.
Tahimik kaming lahat.
Kapwa kami nag-iisip kung ano nga ba ang gagamitin naming paraan."Bibigyan ko kayo ng tatlong oras para magawa ito. Maari kayong pumili ng lugar na kung saan mas malaya kayong makakapag-isip" muling dugtong ni Sir.
Isa isa na kaming tumayo at nag-alisan sa hall. Nagkaroon ng kanya kanyang lugar na pupuntahan.
Nahagip na mata ko si Den. Mag-isa siyang naglalakad palayo habang may hawak hawak na lapis at papel.
Hahayaan ko na muna siya. Alam ko kailangan niya ng tahimik na lugar.
Ganoon narin ang gagawin ko.
Kaya humanap na ako ng lugar kung saan malaya kong maisusulat ang tungkol sa sarili at nararamdaman ko.Author: ang sama ng pakiramdam ko... :(
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb