Love of my life
Chriden PoV
Why do music affects our memories?
Why do those lines from the album of Carpenters affects my emotion?
Shit! What happen to my limbic system? It doesn't work properly. I think my hypothalamus was damage because of my feelings that still burning. So hot.
"Okay ka lang?" Untag sakin ni Kevin.
"Ha? Ah eh.. Okay lang" utal kong sagot sa kanya.
December na kaya madalas na kaming may tugtog. Kung saan saan nga eh pero ayos lang. Atleast nagkakaroon ng kita. Nakakapag-ipon narin ako kahit papaano.
Ang bilis ng araw.
Ilang araw nalang ay Christmas na at newyear. Pero wala naman bago dun eh. Isa lang ang excited ako - ang makagraduate. Gusto ko na kasi magkaroon ng matinong trabaho. Yung trabahong masasabi kong kaya ko ng maibigay ang pangangailangan ng kapatid at mama ko. Yun lang masaya na ako.Pagkatapos ng set ni Kevin ay ako na ang sumunod. Porte ko kasi ang lovesongs. Minsan nga gusto ko i-try kumanta ng rock baka sakaling mas bagay sakin.
.
.
.
.
.
.
.
.
Last day na nga pala namin sa dito sa school ngayon tapos simula na ng Christmas vacation. Kaso parang wala rin naman kaming bakasyon dahil sa dami ng take home exam ng mga prof namin at research paper.Lalo na sa humanities. Kailangan daw namin mag-submit ng picture tru email na nagpapakita ng happiness. Ang weird diba? Deadline daw ay sa Dec 31 bukod pa daw yung picture ng Newyear. Kaya napagkakamalan kaming mga abnormal eh!
Matapos namin magkwentuhan ng mga kaklase ko sa cafeteria ay nagpasya na akong umuwe. Hindi pa kasi ako nakakabawi ng tulog simula kagabi. Pakiramdam ko nga ay latang lata na ang katawan ko at hinihila na ako sa higaan ko.
Habang tatawid ako ng kalsada ay napansin kong may nakatigil na puting kotse sa gilid ng waiting shed. Hindi ako pwedeng magkamali yun din yung sasakyan na nakita ko nung lumabas ako ng SMR nung isang linggo at nung isang gabi na galing ako sa bar.
Pero pagnakasakay na ako ng bus pauwe ay agad din iyon umaalis.
Takte! Kinakabahan ako ah! Sabi kasi ni Sheryl eh uso daw ung nangingidnap tapos kinukuha yung mga organs sa loob ng katawan! Takte! Ano ba itong mga iniisip ko! Napapraning nanaman ako!
Bago ako sumakay ng bus at tiningnan ko ulit yung sasakyan. Hindi nga ako nagkamali yun nga yung nakikita ko palagi. Jusko! Ayoko kalkalin ang loob ng katawan ko.
Ligtas naman akong nakarating ng bahay namin. Matapos namin kumain ni Mama at ng kapatid ko ay pumasok na ako sa kwarto ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Goodmorning kuya!" Nakangiting bati sakin ng kapatid ko.Naku! Sigurado akong may hihingiin itong kapatid ko. Abot hanggang tainga ang pagkakangiti sakin eh.
"May kailangan ka no?" Ngiting tanong ko sa kanya.
"Kuya gala tayo! Wala ka naman pasok..." -Chrien.
"Sabi ko na nga ba eh.. Ikaw talaga!" Sabay yakap ko sa kanya.
"Yaksss kuya! Magtoothbrush ka muna!" Pag-iwas sakin ng kapatid ko.
"Arte mo! Osya pagkatapos natin kumain gagala tayo" sabi ko sa kanya at nagpunta na ako sa banyo.
Alas onse na pala. Napasarap ang tulog ko. Hindi ko napansin na tanghali na pala.
"Saan mo gusto gumala?" Tanong ko sa kapatid ko habang nagwiwisik ng pabango.
Astig diba? Kabata bata pa ganyan na agad siya.
"Skyranch kuya! O kaya sa storyland" mabilis niyang sagot.
Buti nalang ay may naitatabi akong pera. Kaya wala kaming problema ni Chrien kahit gumala kami ng alanganing araw.
Ganun na nga ang nangyari. Kaya eto kami ngayon sa Daang Amaya at nag-aantay ng sasakyan papuntang trece. Dun kasi may sakayan papuntang tagaytay.
Aktong sasakyan na kami ng kapatid ko nung napansin ko nanaman yung puting kotse dun sa tapat ng Mcdo. Nakaramdam nanaman tuloy ako ng kaba. Ganun na ba kalakas ang amoy ng mga laman loob ko? Takte naman! O baka naman nagtatamang duda lang ako? Baka naman nagkakataon lang na may nakikita akong puting sasakyan palagi. Pero hindi ako pwede magkamali eh. Sigurado akong iyon yung kotse na palagi kong nakikita.
Hindi ko na sinabi yun sa kapatid ko baka kasi matakot at mawala yung sayang nararamdam dahil magkasama kaming gagala.
Dumating kami dito sa tagaytay ng mga 3pm na. Nagbayad ng tickets at nagsimula na kaming maggala.
"Kuya! Sakay tayo dun!" Sabay turo ng kapatid ko sa parang flying saucer na ride. Jusko naman kapatid!
"Hala Chrien! Wag diyan! Ayoko! Dun nalang tayo oh" sabay turo ko sa mga caterpillar.
"Eh pambata naman kuya yan eh!" Reklamo niya.
"Aba! Nagsalita ang matanda na!" Pang-aasar ko sa kanya.
Wala akong nagawa sa kapatid ko kaya napasakay ako sa mga kakaibang rides. Ito namang kapatid ko parang balewala lang sa kanya. Mas apektado pa ako ng h.o ng mga rides.
"Chrien pahinga muna tayo. Nahihilo ako" sabi ko sa kanya.
"Teka lang kuya! May hinahanap ako eh" -Chrien.
"Mamaya mo na hanapin. Upo muna tayo" -Ako.
"Ayun! Dali kuya! Kanina pa nila tayo hinahanap!" Sabay hila ng kapatid ko sa kamay ko.
Kanina pa kami hinahanap? Sa sobrang pagtataka ko ay nagpahila na akonsa kapatid ko. Binitawan ng kapatid ko ang kamay ko dahil tumakbo na ito.
"Kuya!" Sigaw ng kapatid ko.
"Huwag ka ngang bigl-"
"Hi Kuya Den!"
"Ang tagal niyo naman! Kanina pa kami dito"Biglang singit ng dalawang magkapatid.
"Hala! Bakit kayo nandito? Paano niyo nalaman na pupunta kami?" Takang tanong ko sa kanila.
"Eh kase kuya kanina habang natutulog ka nagriring yung cp mo. Sinagot ko - si Kuya Mark yung natawag. Sinabi ko sa kanya na yayakagin kita gumala tapos habang naliligo ka nitawagan ko si Kuya Mark at sinabi kong dito tayo sa skyranch pupunta" mahabang paliwanag ng magaling kong kapatid.
Okay narin ito. Atleast kung may masamang balak man sakin yung nasa puting kotse at may kasama ako. Hindi kami mapapahamak ng kapatid ko.
"Oh pano? Kain muna tayo" ani ni Jaime.
"Oo nga Ien! Tara!" Sabi ni Noah sabay kuha ng kaliwang kamay ng kapatid ko.
"Tara?" Sabi naman ni Jaime at kinuha rin ang kaliwang kamay ko.
Author: sensya di ako nakapag-update kagabi... Bawi nalang po ulit mamaya.
Pengeng votes and comments ah! :)
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb