Happy Teachers Day! :)
Teach from the heart not from the book.Paul Francisco PoV
Isang linggo ng nakakaraan simula nung hinarana ko si Den sa bahay nila. Alam ko kasing isa yun sa mga bagay na gustong maranasan ni Den. Nabasa ko yun sa notes niya.
Pinapasok niya ako sa bahay nila. Wala pa nga ring pagbabago ang bahay nila eh. Namiss ko tuloy bigla yung time na palagi akong napunta dun para sunduin siya.
Naging normal lang ang pag-uusap namin. Ramdam ko sa kanya na naiilang siya sa ginawa kong pagharana. Pakiramdam ko kasi na iwas siya sakin. Iniiwasan niyang pag-usapan ang mga nangyari dati. Hindi naman ako manhid para hindi ko mahalata iyon.
Pero hindi pwedeng maging rason yun para isuko ko agad siya. Ano ako bago! Hindi nuh! Alam kong nagmamatigas lang si Den. Mapapalambot ko rin yan.
"Ma alis muna ako!" Sigaw ko kay Mama at hindi ko na inantay ang sagot niya. Mabilis akong sumakay sa kotse at pinaandar.
Yayakagin kong lumabas si Den.
Sigurado naman na nasa bahay lang siya ngayon. Hindi naman mahilig gumala mag-isa iyon eh. Kung gagala man sigurado ako kasama niya si Chrien.Ilang minuto lang ay nasa harapan na ako ng bahay nila Den. Tiningnan ko ang relo ko. 2:10pm. Aktong tatawag ako nung biglang lumabas ng pintuan si Chrien.
"Oyy Kuya Paul!" Bati niya sakin.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan at pinapasok niya ako. Pinaupo at binigyan ng juice.
Sigurado akong nasa kwarto si Den. Mga ganitong oras kasi nagbabasa ng libro yun habang nakadapa sa kama. Gusto ko tuloy pasukin ang kwarto niya.
Ano ba yan! Kung anu-ano pumapasok nanaman sa isipan ko!
"May usapan ba kayo ni Kuya? Kuya Paul?" Singit na tanong ni Chrien.
"Ah.. wala naman. Wala kasi akong magawa sa bahay kaya naisipan kong pumunta dito" pagpapalusot ko nalang sa kanya. Pero ang totoo ay talagang ginusto kong magpunta dito para yayain magpakasala si Den. Ayy! Lumabas pala.
"Wala po kasi si Kuya eh. Kanina pa pong 11am umalis" pagpapaalam naman ni Chrien.
Ha? Kailan pa natuto si Den na umalis ng ganoong oras na mag-isa? Sa pagkakaalam ko eh mas gugustuhin pa niyang magbasa ng libro kesa umalis mag-isa.
"Saan nagpunta?"
"Ang alam ko po sa SmBacoor. Yun po kasi ang narinig ko kay Kuya Mark eh"
Kaya naman pala. Pinilit siguro siya ng Mark na yun kaya umalis si Den! Buset talaga ang lalaking yun.
Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na ako kay Chrien. Wala nanaman dahilan pa para magtagal ako dito. Wala naman yung taong gusto kong puntahan.
Habang nagda-drive ako ay hindi ko mapigilan ang mag-isip. Pumasok sa isipan ko na hindi naman ako dapat magalit kay Mark sa mga ginagawa niya. Hindi niya kasalanan kung talagang bigla nalang niyang mahalin si Den. Hindi naman kasi mahirap mahalin si Den eh. Kahit nga ako ay hindi ko maipaliwanag kung bakit sobra sobra ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya.
Pero kahit ganoon pa man hindi ko parin pwedeng isuko si Den. Hindi ako titigil hanggat hindi ko naririnig sa kanyang tigilan ko na siya. Hindi ako titigil hanggat hindi niya sinasabi saking hindi na niya ako mahal.
Alam ko naman na kahit papaano ay may pagmamahal parin siya sakin. Alam ko yun. Ramdam ko yun.
Hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng sarili kong sasakyan dito sa mall. Nawawala talaga ako sa sarili ko kapag si Den ang iniisip ko.
Pagkatapos kong ipark ang sasakyan ko ay pumasok na ako sa loob ng mall. Lakad lakad lang hanggang sa maisipan kong kumain sa burger king. Memorable to eh.
Umorder ako ng dalawang spaghetti, dalawang softdrinks, isang frenchfries at dalawang burger.
Baket may french fries? Paborito kasi ni Den to eh. Hindi naman siguro masama ang imaginin ko na kasama ko ulit siya dito ay sabay kaming nakain.
Ramdam ko nga na pinagtitinginan ako ng mga tao habang nasa harapan ko ang mga inorder ko. Mag-isa lang ako pero pang dalawang tao ang inorder ko.
Ganito na ba ako kadesperado?
Kung pwede ko nga lang i-rewind ang pagkakataon, ginawa ko. Gusto kong ulitin ang lahat samin ni Den. Lahat lahat.
Simula nung binunggo ko siya habang nag-eenroll. Dun kasi nagsimula ang lahat. Gusto kong balikan yun. Gusto kong ipagpatuloy yun.
Gusto ko ulit siyang makasama sa out of town katulad dati nung nagpunta kami sa Batangas. Pero sa pagkakataon na ito ay gusto ko kami lang dalawa. Gusto ko siyang masolo. Gusto kong makakwentuhan siya ng matagal. Gusto kong makasabay ulit siya kumain. Gusto ko ulit marinig siyang kumanta. Gusto kong.... Gusto kong iparamdam ulit sa kanya kung gaano k siya kamahal.
"Sir are you okay?" Tanong sakin ng usang crew. Napansin niya atang nakatitig lang ako sa pagkain na nakahain sa harapan ko.
"Oo... Yes I'm okay" mahinang sagot ko sa kanya.
Tunaw na pala yung yelo na nasa baso ng softdrinks. Nakikita ko na kasi na nasa ibabaw na ng coke yung tubig na nagmula sa natunaw na yelo.
Hindi ko napansin na ang tagal ko na palang nakaupo dito. Nawala na yung init ng pagkain pati ung lamig ng softdrinks.
Ganoon nga rin yata nangyari samin ni Den eh. Nawala na yung init ng pagmamahal niya at nanlalamig na siya sakin.
Galing ko humugot noh!? Ganun talaga kapag nasasaktan ka at nahihirapan ka. Kung anu ano nalang ang kinukumpara mo sa sarili mo.
"Mukhang wala ka naman kasama. Pwede paupo? Kanina pa ako nagugutom eh"
Tangina! Ito yung pinakagusto kong naririnig na boses araw araw. Imagination ba ito? Bakit parang totoo?
"Ayy! Sakto! May fries! Tara kain na tayo!" Dugtong niya at mabilis na siyang naupo sa harapan ko.
"Den...." Tanging nasabi ko nalang at wala na halos mailabas na salita ang bibig ko.
Author: short update po. Try ko po mag-update maya maya.
Pengeng comments and votes :)
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb