Kerby!!!!!!!!

5.9K 210 19
                                    

Thank you for all the damn things you've done to my life all over these years. ☹️☹️☹️

Chriden PoV

Ang bilis lumakad ng panahon. Birthday ko na agad bukas. Haaay naku! Tatanda nanaman ako. Di bale - di naman halata sa itsura. Anyabang ko nu!? Hahaha!

Ang daming binigay na case study ng mga prof namin. Ayaw yata nilang maenjoy namin ang Christmas vacation. Kailangan namin pag-aralan ang mga theory ng Psychology. Katulad nalang ni Jean piaget. Haaay nakakadugo ng utak. Stage of development.

Nakakapagtaka naman si Francisco. Wala man lang paramdam simula nung huli naming pag-uusap.

Flashback

"Saan mo gusto kumain ng breakfast?" Tanong niya sakin matapos ang misa. Nagulat na nga lang ako kaninang madaling araw nung nakita ko siyang nakatayo sa harap ng gate namin. Yayayain lang pala akong magsimba.

"Dun nalang tayo kina Ate Lizel. Masarap yung luglog (palabok) dun saka yung putobungbong" nakangiti kong sagot sa kanya.

Medyo palagay na kasi ulit ang kalooban ko sa kanya dahil sa nalaman ko mula kay Roxanne.

Ganoon na nga ang nangyari. Kumain kami kina Ate Lizel at nagpatake out pa siya para kay Mama at Chrien.

"Oh paano? Tawagan nalang kita... May pupuntahan pa kasi kami nila Allen. Nakaoo na kasi ako sa kanila" sabi niya matapos ay mabilis na siyang tumalikod.

Ayy! Ganon lang yun?? Nakakapanibago ah! Nitong mga nakaraan bago kami maghiwalay nikikiss niya muna ako o niyayapos niya ako pero ngayon hindi.

Napansin kong naglakad muli siya pabalik.

Nilapitan niya ako at niyapos niya ako ng napakahigpit.

"Mahal na mahal na mahal kita Den..." Malumanay niyang sabi sakin bago tuluyan na ulit lumakad palayo.

Akala ko nakalimutan na niya.

Nakapagpasya na ako.
Kakausapin ko na siya ng tungkol samin ngayong darating na pasko. Gusto ko ng maging official na ulit kami. Gusto ko na ulit magsimula kami ng panibago at maayos na pagsasama namin. Ayoko na sayangin pa ang pagkakataon na ito. Mahal na mahal ko si Francisco ayoko na ulit mawala pa siya sakin.

End of Flashback

Gusto ko magbukas na. Gusto ko birthday ko na para mabasa ko na ang nakalagay sa sulat. Nakapangako kasi ako kay Luis na babasahin ko pang yung sulat na inabot niya sakin sa saktong kaarawan ko. Nacucurious kasi ako. Gabi gabi nga akong natutuksong buksan at basahin yun pero nakakaramdam ako ng kunsensya.

Kinapa ko ang cellphone ko. Nirestart ko. Baka sakaling LR lang ako kaya wala akong natatanggap na text messages galing kay Francisco.

Hindi ko rin kasi maipaliwanag itong nararamdaman ko. Ewan ko pero parang kinakabahan ako. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero ramdam kong balisa ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Allen PoV

"Agad agad? Napaka-excited mo naman Paul!" Reklamo ko sa kanya.

Basta talaga tungkol kay Den ang pinag-uusapan nagiging kakaiba itong lalakeng ito. Ganoon ba talaga ang epekto ng pag-ibig? Hindi pa kasi nangyayari yan sakin eh.

At kung mangyari man - ayoko tularan itong kaibigan kong ito. Hibang!

"Diba bukas pa naman ang birthday ni Den?" Singit naman ni Kerby habang patuloy ang kapipindot sa cellphone.

May napapasin rin ako dito kay Kerby. Dati dati naman ay hindi ito mahilig magpipindot ng cellphone eh. Ngayon napapasin ko na maya't maya natunog ang cellphone niya. Minsan nalayo pa at may kausap.

"Bakit ba hindi ka mapag-antay Tol? May lakad ka ba!?" Singit naman ni Brille.

"Naiinip na kasi ako! Bumili rin kasi ako ng dalawang ticket papuntang Thailand at nakabook na kami ngayong Dec 27" naiiritang sagot ni Paul.

Haaay... Sabi ko na nga ba ee.

"Osya - halika na. Oyy Kerby tigil tigilan mo na nga muna yang katetext mo! Tawagan mo na si Jerome sabihin iready na mga kailangan!" Utos ko kay Kerby.

Uungot ungot pa nga eh! Siya kasi ang pinakabata saming magkakaibigan.

"Brille alam mo na ang gagawin mo! Huwag mong kakalimutan yung sound system ha!" Utos ko naman sa kanya.

Ako kasi ang tagaplano saming magkakaibigan. Wala kasing aasahan sa mga ito. Puro pasarap lang ang alam. Paano na kaya kung wala ako noh? Yabang ko noh? (Antayin niyo nalang yung sariling story ko dito - kaso nextyear pa daw sabi nk Author eh. Inuna pa kasi si Lindsey. Badtrip!)

Nandito kami ngayon sa Eplace. Sa likod ng school. Matapos namin mapag-usapan ang mga gagawin namin ay sumakay na kami sa kanya kanya naming sasakyan.

"Oh alam niyo na ha!" Sabi ko sa kanila bago ako magsimulang mag-drive.

Nasa unahan namin si Paul. Ang bilis nga magpatakbo eh. Excited. Magkasama si Brille at si Kerby sa sasakyan. Ayaw kasi magdrive ni Kerby dahil busy sa katetext. Si Jerome? Natawagan na ni Kerby at sinabing okay na daw ang lahat at nakaready na. Ang bilis noh?

"Beeeeeep! Beeeeeeeep!" Narinig kong busina ni Brille ng sasakyan niya.
.
.
.
.
.
.
.
.
Chriden PoV

Ilang sandali lang ang lumipas matapos kong ayusin ang kwarto ko ay biglang tumunog ang cellphone ko. Si Kerby.

Bigla akong kinabahan. Hindi ko maipaliwanag pero biglang nanginginig ang kamay ko at parang nawawalan ako ng lakas para damputin ang nagriring kong cellphone na nakapatong sa kama ko.

Dahan dahan kong ini-slide ang answer key.

"Hello...." Pagsagot ko sa tawag.

Maingay. Wala akong ibang naririnig kundi ang pagwang wang ng mga sasakyan. Lalong dumagundong ang dibdib ko. Tangina! Bakit ganito ang pakiramdam ko!?

"Hello Kerby!!!!" Malakas na sigaw ko. Hindi na kasi ako makapag-antay ng sasabihin niya. Natatakot ako. Kinakabahan ako.

"Den... Si Paul...." Nanginginig na boses ni Kerby.

Tangina! Hindi pa man sinasabi ni Kerby pero nagkakaroon na ako ng ideya. Nanlalambot ako. Pakiramdam ko sa sarili ko ay tutumba ako dahil sa pagkawala ng lakas ng mga tuhod ko.

"Ba...bakit??? A..anong nangyari Kerby??" Utal utal kong tanong sa kanya.

Wala akong naririnig na sagot mula sa kanya.

"Kerby!!!! Anong nangyari kay Franciscoooooo!!!!!" Malakas kong sigaw dahilan para mapatakbo si Mama at si Chrien dito sa kwarto ko.

"Anak!! Anong nangyari!!"

"Kuya.. Kuya..." Tawag sakin ni Chrien habang bumubuhos ang luha.

Naramdaman kong may humawak sa dalawang braso ko.

"Halika.. Puntahan natin. Tinawagan ako ni Allen..." Natatarantang sabi ni Jerome.

Wala akong lakas para maglakad kaya binuhat ako ni Jerome at isinakay niya ako sa sasakyan niya.

Iyak at hikbi lang ang maririnig sakin habang nasa sasakyan ako. Hindi na nasabi ni Kerby ang nangyari pero... Pero... Tangina! Ayokong sabihin kung ano nasa isipan ko!

"Nandun na daw si Tita at sila Luis... Inaantay pa daw si Lolo Benedict bago tanggalin ang mga nawasak na sasakyan" sabi ni Jerome na dahilan para mapahagulgol ako ng iyak.

Author: short update...
☹️☹️☹️☹️☹️☹️☹️☹️

Haaaay....... ☹️☹️☹️☹️☹️☹️☹️

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon