Alam mo Den, tama na. Tigil na.

6.1K 242 33
                                    

One Last Song.

Chriden PoV

Hila-hila ni Francisco ang kamay ko papasok sa loob ng bahay nila. Ang saya ko nga eh. Iba yung sayang nararamdaman ko ngayon. Ang sarap sa pakiramdam. Sabi ko nga kanina ayoko na matapos itong araw na ito - itong araw na kasama ko si Francisco.

Masayang binati ni Francisco ang mama niya. Ngumiti naman ako sa kanya.

Nahagip mg mata ko si Luis. Nakangiti siya sakin.

"Hi! Musta ka na Luis?" Bati ko sa kanya.

"Okay lang Den. Ikaw ang taba mo ngayon ah!" Ganting bati niya sakin.

Magsasalita pa sana ako nung napadako ang dalawang mata ko kay Justin at sa katabi nito.

Bumilis ang tibok ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay may tumusok na sibat sa puso ko. Alam ko naman na darating ang pagkakataon na ito pero hindi ko inaasahan na ngayong gabi.

Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Francisco sa kamay ko. Napansin ko rin na nagulat siya sa nakikita niya.

Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong ikilos sa oras na ito. Ang sakit sa dibdib.

Kasalanan ko rin naman kasi hinayaan ko na ulit magkalapit kami ni Francisco. Eto nanaman tuloy ako.

Ramdam ko na anumang oras ay babagsak nanaman ang mga luha ko. Ang hirap pigilin. Ang sakit sa panga.

"Franc- Paul, nakalimutan kong sabihin sayo... Nagtext nga pala si Mama, pinapauwe na ako kanina pa. May kailangan kasing bilihin si Chrien" mahinahong sabi ko kay Francisco.

"Kakarating lang natin... Saka gusto ko sa-"

"Marami pa namang pagkakataon. Una na ako ha..." Nakangiti kong putol sa sinasabi niya.

"Tita, Luis, uwe na po ako. May bibilihin pa po kasi yung kapatid ko. Inaantay po ako" paalam ko sa kanila.

"Hatid na kita Den..." -Luis.
"Di na noh! Kayang kaya ko na. Malapit lang naman" pagtanggi ko.

Dahan dahan kong kinalas ang pagkakahawak ni Francisco sa kamay ko. Nanatili lang siyang nakatingin sakin.

"Thank you..." Mahinang sabi ko sa kanya at kaagad na akong tumalikod at naglakad palabas ng pintuan.

Pagkalabas ko ng malaking gate nila ay kusa ng nag-agos ang mga luha sa magkabila kong mata. Kanina ko pa ito pinipigilan. Ayoko naman dun umiyak - ayokong makita nilang ganito ako.

Hindi ko naman pinagsisisihan na nakipaglapit ulit ako sa kanya. Naging masaya naman ako - masaya ako. Sinusulit ko lang. Di ko lang inaasahan na ganoon palang kabilis matatapos yung masasayang pagkakalapit ulit naming dalawa.

Totoo nga. Totoo nga yung may kapalit na kalungkutan ang labis na kasiyahang nararamdaman ng bawat tao. Doble yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

Nandito na ako ngayon sa bahay namin. Wala naman talagang bibilihin si Chrien. Dinahilan ko lang yun dahil gustong gusto ko ng makaalis sa sitwasyon ko kanina. Ang sakit nun. Ang sakit ng nakita ko.

"Kuya bakit ganyan mata mo? Umiyak ka ba?" Tanong sakin ni Chrien.

"Di noh! Napaspas lang kanina nung sumakay kami sa rollercoaster, ang kati nga eh" pagpapalusot ko sa kanya.

"Ang daya mo Kuya! Hindi mo ako nisama!" Sabi niya sa boses ng pagtatampo.

"Promise nextime" nakangiti kong sagot sa kanya.

Pinaakyat ko na sa kwarto si Chrien. Si Mama naman ay nasa kusina at nagliligpit ng pinggan.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext ako kay Mike. Niyakag kong mag-inom kahit kaunti lang. Pampaantok. Sigurado kasing hindi nanaman ako patutulugin ng nararamdaman ko kung walang tulong ng alak.

Ilang minuto lang ay dumating na si Mike. May dalang emperador at isang Nestea Apple, kalahating kaha ng Marlboro at anim na boy bawang. Ayos na! Solve na to.

Kapwa na kami nakaupo ngayon dito sa terrace. May dala pa ngang shot glass si Mike at nakalagad pa sa bulsa niya. Ready to fight palagi!

Nagsimula na kaming mag-inom. Si Mike ang tanggero. Ganun talaga kami kahit dalawa lang ay nagtatagay tagay parin. Boring kasi kapag baso baso ang inuman.

Nasa kalahati na ang alak nung magsalita si Mike. Pareho kasi kaming tahimik at kapwa nakatuon ang atensyon sa cellphone nung magsimula kami.

"Gusto mo bang pag-usapan?" Basag niya sa katahimikan.

"Ang alin?" Takang tanong ko.

"Haay naku Den! Kilala kita. Kwento mo sakin para medyo gumaan yang nararamdaman mo" seryosong sabi niya.

Hindi talaga ako makakapagsinungaling sa mga kaibigan ko. Hindi naman ako obvious pero bakit alam na alam nila kapag ganito ako? Alam nila na may iniisip ako.

Kinuwento ko sa kanya lahat. Lahat lahat. Nagulat nilga siya sa mga narinig niya sakin eh pero pinaliwanag ko at kinuwento ko ng maayos.

"Alam mo Den, tama na. Tigil na. Kung alam mo sa sarili mong sobra sobra ka ng nasasaktan, itigil mo na. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Huwag kang magpakamartir" panandalian siyang tumigil para inumin ang tagay niya. Matapos yun ay mabilis ulit siyang nagsalin at inabot sakin.

"Nagawa ka na niyang iwan at ipagpalit dati, ibig sabihin kaya niya ulit gawin yun. Pero... Syempre opinyon ko yun... Ikaw parin ang masusunod at nakakaalam ng dapat mong gawin. Hindi lahat ng masayang nararamdaman ay tama. Tandaan mo may mga bagay na pwede pero di dapat - at dapat pero di pwede" mahabang litanya sakin ni Mike.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko pero alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko si Francisco. Totoo yung sinabi ko dati kina Allen. Hindi ko gusto si Francisco kasi mahal ko siya.

Siguro nga tama na.
Tigil na.

Ako rin naman kasi ang gumagawa ng paraan para masaktan ako.

Nasulit ko nanaman.
Naging masaya na ako.
Masaya na ako.
Masaya na ako dahil alam kong mas magiging masaya siya.


Author: Malapit na po matapos itong book 2. Ilang chapters nalang po. Plano kong isunod na agad yung book 3. :)

Pengeng comments and votes.
Maraming salamat po.

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon