And I can't - I can't pick up the pieces.
Chriden PoV
Ang sarap pakinggan ng sinabi ng taong mahal ko. Pakiramdam ko ay biglang nabuo muli ang pagkatao ko sa bawat naririnig ko sa kanya.
Niyapos ko siya.
Mahigpit.
Mahigpit na mahigpit habang patuloy ang pagbuhos ng mga luha ko."Lalayo tayo Den... Aalis tayo... Magsasama na tayo..." Patuloy niyang sabi sakin.
"...diba yun naman ang tama... Yung tayong dalawa... Ang tama ay yung maging masaya tayong dalawa... Yun naman talaga yung matagal na nating pinaplano diba Den..." Mahabang dugtong niya. Ramdam ko sa tono ng kanyang pananalita ang saya. Yung saya dahil muli na kaming magkasama ngayon. Kahit ako sobrang saya ko. Ang tagal kong hinintay itong sandaling ito - ang tagal kong pinigilan ang sarili ko para kausapin siya.
"...dun wala na tayong magiging problema... Maipagpapatuloy na natin yung tayo..." Sabi niya at iniharap niya ako sa kanya.
Hinawakan kong muli ang kanyang magkabilang pisngi. Pinahiran ko ang luha galing sa dalawang mata niya.
"Francisco... Mahal na mahal kita... Alam kong alam mo yun kahit hindi ko sabihin..." Nauutal kong sabi sa kanya habang pinipilit kong magsalita dahil sa sunod sunod na paghikbi ko.
"...hindi porket masaya tayo ay tama na yun Francisco... Hindi porket gusto natin magawa o maipagpatuloy yung dating tayo ay ganoon lang kadali..." Bahagya akong tumigil dahil sa hikbi at lalong pagdaloy ng mga luha ko.
"...hindi porket nagmamahalan tayong dalawa ay sapat na iyon para magawa natin ang mga gusto nating gawin..." Pagpapatuloy ko.
"Den wala ak-"
"...mahal na mahal kita Francisco... sobrang mahal na mahal kita..." Sabi ko habang napapahagulgol na ako ng iyak.
"...pero hindi na simpleng problema ang kinakaharap natin ngayon... hindi na ito katulad ng ginawa ng lolo mo dati na sa huli ay para ikabubuti natin... Hindi problema ito Francisco... Responsibilidad ito... Responsibilidad mo na hindi na ako kasama..." Mahabang dugtong ko.
"...hindi ganoon kadali yun diba... marami na tayong nasaktan Paul... marami rin tayong masasaktan..." Medyo naging malumanay na ang boses ko. Hinahayaan ko ng magpatuloy ang paghikbi ko.
"...nagkakasakitan na tayo Francisco... Tama na... Huwag ako ang i-prioritize mo... Unahin mo ang pamilya mo... Mas kailangan ka nila..."
"Den ikaw ang mahal ko..." Paggigiit niya.
"...mahal na mahal rin kita Paul..."
Dahan dahan akong tumayo mula sa kinauupuan ko at nagsimula na akong maglakad papalayo.
Alam ko sa oras na pag-alis ko dito ay magsisimula na ang mas dobleng sakit na mararanasan ko. Pero - ito lang ang alam kong tama kong gagawin. Ayokong maging selfish. Alam ko ang pakiramdam ng walang tatay kaya ayokong maranasan ng magiging anak niya na wala siya dahil lamang sakin.
Nagsimula nanaman pumatak ang mga luha ko habang naglalakad ako. Narinig kong sinisigaw ni Paul ang pangalan ko pero hindi ko na binigyan ng pagkakataon ang sarili ko na tumigil at lumingon. Lalo lang akong masasaktan. Atleast sa pagkakataong ito ay natapos na namin ang dapat naming tapusin. Closure. Para kapag dumating yung pagkakataon na magkita ulit kami ay wala na kaming dapat pang tapusin na tungkol samin.
Sana maging masaya ka Paul sa magiging pamilya mo. Sana mahalin ka ng asawa mo na higit pa sa pagmamahal ko sayo. Iyon lang - masaya na ako.
Hindi ko alam pero parang pangteleserye ang nangyayari sakin ngayon. Pakiramdam ko ay nakisama sa pighati ko ang kalangitan dahil biglaang pagbuhos ng malakas na ulan.
Pero hindi ako natinag. Hindi ko nabibigyang pansin ang lakas ng ulan dahil sa bigat ng kalooban ko. Dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Patuloy parin sa naglalakad.
Patuloy sa pag-iyak.
Patuloy sa paghikbi.
Patuloy sa pagbabalik tanaw nung masaya pa kaming dalawa ni Paul.
Napatigil ako sa paglalakad nung may narinig akong nasigaw sa harapan ko. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko mula sa pagkakayuko.
May nakatigil sa harapan kong sasakyan. Nakatapat sakin ang ilaw dahilan para hindi ko makita kung sino ang taong nasigaw sa gilid ng bintana nito. Dala narin ng malakas na ulan kaya hindi ko maaninag yun.
Nanatili parin akong nakatayo. Hindi ko alam pero parang wala akong lakas para ihakbang pa ang dalawang paa ko.
"Den! What happen!?" Sobrang pag-aalalang tanong sakin ng taong napakahigpit ng pagkakayapos sakin.
"Anong nangyari...." Muli niyang tanong sakin.
Napahigpit na ang pagkakayapos ko sa kanya.
"Napakasakit... Ang sakit sakit...." Sagot ko dahilan para lumakas nanaman ang pagkakaiyak ko.
"Don't worry... I'm here... Nandito ako..." Sabi niya habang hinihimas ang likuran ko.
Inakay ako ni Jaime papasok sa kanyang sasakyan. Kapwa na kami basang basa.
Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan niya. Nakatingin sa bintana habang patuloy parin ang pagpatak ng mga luha sa mata ko.
"Dun muna kita idederetso sa bahay..." Narinig kong sabi ni Jaime habang nakatuon ang mata sa daan.
Hindi ako sumagot.
Wala din akong maisip isagot.
Wala akong maisip itanong.
Wala akong maisip na sabihin.Ang tanging gusto ko lang gawin ngayon ay uminom. Gusto kong mag-inom hindi dahil sa sakit na nararamdaman ko - kundi gusto kong mag-inom para malasing ako, para makatulog ako. Para maipahinga ko ang katawan ko.
Alam ko kasing kailangan ko ng lakas para sa paglaban sa araw araw at gabi gabi nanamang sakit na mararamdaman ko.
Author: 😭😭😭😭😭😭😭😭
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb