I'll never gonna let you go...
Paul Francisco PoV
"Bakit? Takot ba kayong pumasok diyan sa horror house?" Biglang tanong ni Allen.
Ito namang si Jerome pangiti-ngiti pa! Baka akala niya nakalimutan ko na ang nangyari dati! Kitang kita ko kaya na magkadikit ang labi nilang dalawa ni Den nung nasa loob ng horror house!
"Si Jerome nga mukhang excited eh oh!" Sabay turo ni Kerby kay Jerome.
"Wag ka ngang KJ Paul! Tara na!" -Brille.
Kaya wala na akong nagawa. Nagsimula na kaming maglakad para pumila sa pagpasok sa loob ng horror house. Mula rito sa pilahan ay naririnig na namin ang malalakas na sigawan na nagmumula sa loob.
Akala siguro nila Allen natatakot ako. Kung alam lang nila. Haaaay..
"Tara na! Tara Brille sabay tayo" sabay hila ni Kerby sa kanya.
Kasabay naman ni Sheryl si Allen. Si Jerome? Walang kasabay. Mas okay na yun. Syempre naman - di ko maiiwasan mag-isip ng di maganda noh! Nagkagusto si Jerome dati kay Den kaya hindi imposible
Sinabayan ko talaga si Den. Hinawakan ko ang kamay niya habang naglalakad kami. Hindi ako nagbibigay ng pagkakataon para magkatabi sila ni Jerome.
Biglang may nalaglag na lalakeng nakabigte sa itaas dahilan para magulat kami. Napasigaw si Den at napahawak sa braso ko. Ayiiiiieeeee! Sana marami pang bumagsak na mga nakabigte para hawakan ako ng hawakan ni Den.
Biglang nagdilim. Nawala yung mga ilaw sa bawat gilid dahilan para wala kaming makita na kahit na ano. Tanging mga huni lang ng ibon at sari saring tunog ang naririnig namin.
"Whaaaaaaaaaaahhhhhhhh!!!!" Malakas na sigaw ni Den at napayapos sakin. Ang higpit at may patalon talon pa dahil sa biglang paglitaw ng babaeng nakasuot ng kulay puting gown at duguan ang katawan.
"Putanginaaaaaa! Ayoko na ditooooo!!!" Malakas na sigaw ni Sheryl. Narinig ko naman ang malakas na pagtawa ni Kerby habang kinakantyawan si Brille.
Pinulupot ko narin ang kamay ko sa baywang ni Den. Pagkakataon ko na syempre. Naglakad kami na ganon ang sitwasyon namin. Si Sheryl naman mura ng mura sa tuwing may nalabas na mga nakakatakot.
Ilang sandali lang ay nakalabas na agad kami ng horror house. Gusto ko pa nga sana ulit silang yayain pero hindi ko na nagawa dahil sa nagyaya na sa fortune telling stall si Sheryl.
"Oh baket bakasambakol ang pagmumukha mo She?" Tanong ni Den sa kanya habang naglalakad kami.
"Kakainis!!!" Pabalang na sagot ni She.
"Bakit ka ba naiinis!!!" Naiinis na tanong ni Den sa kanya. Ayaw kasing tumigil ee."Dahil sa mga malignong naglabasan don - wala tuloy akong nadakot na bayag! Nagtatakbuhan ang mga target ko! Nakakabuset!" Naiinis na sagot niya.
Nagtawanan lahat sila Allen pati ako dahil sa sinabi ni Sheryl. Takte! Hanggang dito ba naman puro kalokohan parin si Sheryl.
"Oh Den ikaw na muna ang magpahula sa manlolokong yan!" Sabay turo ni Sheryl sa fortune stall.
Nilahad ni Den ang kamay niya sa butas ng stall. Medyo matagal. Pagkatapos ng ilang sandali ay may nakalakip na papel sa kamay niya.
"Basahin mo na dali" singit ni Sheryl.
"Ayoko. Mamaya nalang sa bahay para surprise..." Pagtanggi niya.
Matapos nun ay nagpaikot ikot pa kami at naglaro pa ulit ng ibang games. Masaya. Napakasaya. Parang bumalik na sa dati ang pagsasama namin ni Den dahil pakiramdam ko ay kampante na ulit siyang kasama ako.
Pagkatapos ng ilan pang pagikot namin ay napagpasyahan na namin umuwe.
"Den dito na ako sasabay ke Papa Allen - may unfinish business pa ako sa kanya eh" paalam ni Sheryl.
"Ano yun?" Halos sabay namin tanong ni Kerby.
"Hindi ko pa nadadamot itlog nito!" Sabay turo niya kay Allen at mabilis ng sumakay sa sasakyan nito.
Ganun narin ang ginawa namin ni Den. Sumakay na kami sa sasakyan ko. Ini-on ko ang mini-component ko at kinonek sa cellphone ko.
(pls play: we've only just begun)
Kapwa kami tahimik ni Den habang tinatahak ko ang daan pauwe. Mayat maya nga ako napapasulyap sa kanya eh.
"Oyy sa daan mo nga ituon ang atensyon mo... Baka maaksidente tayo" narinig kobsa kanya habang nakatingin sa labas ng bintana.
Napahiya ako don ah. Hahaha! Ang saya lang kasi kahit pala nakatingin siya sa labas ay alerto rin pala siya sa galaw ko.
"Den... Daan muna tayo sa bahay... Shot lang... Konti..." Mahinang sabi ko sa kanya.
Tumingin siya sakin. Sana pumayag siya. Eto na kasi yung pagkakataong inaantay ko. Kakausapin ko na siya. Ikukwento ko na sa kanya ang lahat ng nangyari. Para naman maging maayos na kaming dalawa.
"Okay sige... Basta hahatid mo ako pauwe ha..." Nakangiting sagot niya sakin.
YESSSSSSSS! Thank you Lord! Thank you talaga!
Ilang sandali lang ay nandito na kami sa tapat ng pintuan namin. Malawak ang pagkakangiti ko.
Mabilis kong binuksan ang pintuan at hinawakan ko ang kamay ni Den at sabay kaming pumasok sa loob.
"Hi Ma!" Masayang bati ko kay Mama. Napakasaya ko. Sobra.
"Oh Luis kuha mo muna kami ng -"
Bigla akong napatigil ng mahagip ng dalawang mata ko kung sino ang katabi ni Justin sa sofa.
"Roxanne...." Mahinang sabi ko....
Author: short update po. Sensya na po. Nag-iinom kami ni Robert Amor. :) bukas nalang po ako bawi.
Pengeng votes and comments. :)
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb