Now nothing can take you away from me.
Paul Francisco PoV
Matapos umalis ng sekretarya ko ay mabilis ko ulit binuksan ang laptop ko. Hindi kasi mawala sa isipan ko ang mga nakita ko sa mga uploaded pictures ni Sheryl at Den.
Hanggang sa naisipan kong i-chat si Sheryl. Hindi muna ako nagpakilala. Kaso - bumigay rin ako. Inamin ko sa kanya na ako si Paul. Ayaw pa ngang maniwala agad eh. Napatunayan ko lang nung nag-send ako ng picture tru messenger.
Nagkwentuhan kami.
Kinuwento ko sa kanya ang lahat lahat. Lahat ng nangyari.Paano yan Paul - mukhang dahil sa nangyari ay nalipat na ang atensyon ni Den sa iba. Di mo rin kasi pwedeng masisi si Den dahil sa nangyari sayo.
Yan ang isa sa mga chat sakin ni Sheryl na nagbibigay sakin ng kahinaan para puntahan at muling kausapin si Den.
Kung pwede nga lang na bumalik ako sa nakaraan at hindi na ako nagpunta dito sa Japan. Sana okay pa kami. Sana magkasama kami.
Alam mo Paul. Dalawa lang naman ang pwedeng mangyari sanyo ng kaibigan ko eh. Una - ayusin at pag-usapan kung paano kayo magsisimula ulit bilang isang malapit na magkaibigan dahil sa sitwasyon mo ngayon, imposible ng bumalik kayo sa dati ni Den. Pangalawa - Closure. Pag-usapan at tapusin niyo na kung ano yung naging kayo dati. Kung may pagkakataon naman eto ang pangatlo - gawin mo yung gusto mong gawin para maging masaya kayo pareho pero kung sa tingin mo isa lang sanyo ang magiging masaya - tigil na. Tama na. Mas lalo lang kayong magkakasakitan.
Hindi ko alam pero parang ang sakit sa kalooban ng mga sinasabi sakin ni Sheryl. Inaamin ko naman ang nagawa kong pagkakamali eh. Pero paulit ulit sa isipan ko ang sinabi ni Sheryl na hindi maitatama ang pagkakamali ng isa pang pagkakamali.
Tangina! Ano ba!!!!!
Hindi! Hindi ako papayag! Mahal ko si Den! Wala akong ibang mahal kundi siya! Walang Closure at walang dapat tapusin!
Sheryl mahal na mahal ko ang kaibigan mo. Ilalayo ko na siya. Magsasama na kami sa malayong lugar. Yun lang ang tanging paraan para maging masaya kami pareho at para maayos namin ang lahat samin.
Seryoso ako. Kung kailangan kidnapin ko si Den ay ipapakidnap ko siya. Wala na akong ibang maisip pang paraan kundi ito.
Disisyon mo yan Paul. Wala akong karapatan pigilan ka pero make sure na maging masaya si Den. Kapag nakita ko kayong masaya at magkasama paguwe mo dito - wala kang maririnig sakin na kahit na ano.
Mabait din pala itong si Sheryl.
"Sir may tawag po kayo" biglang singit ng sekretarya ko.
Inangat ko ang telepono dito sa opis ko.
"What!!!? Okay. Okay. I'll be there!" Malakas na sagot ko sa telepono.
Sheryl nextime nalang uli. May emergency.
Huling chat ko kay Sheryl at sinara ko na ang laptop ko at mabilis na akong lumabas ng opisina. Tinungo ko agad ang sasakyan ko at mabilis tinahak ang daan papunta sa ospital.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Mark James PoVHindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat kay Sheryl o matuwa lalo sa kanya. Pareho namin gustong maging masaya si Den. Kaya eto na ako ngayon, papunta sa bahay nila Den para simulan ko na ang mga pinag-usapan namin ni Sheryl.
Ginagawa ko naman din ito dahil gusto ko maging masaya si Den. At alam kong dahil sakin magiging masaya siya. Worth it naman.
"Oh ang aga mo ata?" Bati sakin ni Den.
"Syempre naman. Ayoko kayang pinag-aantay ka" sagot ko naman sa kanya.
Matapos ang kaunting kwentuhan sa kanila ay umalis na kami. Naisipan ko kasing gumala sa mall.
Dito kami sa SMBacoor ngayon. Ako talaga ang pumili ng mall. Gusto pa nga kanina ni Den na sa SMRosario nalang kami eh pero kumontra ako. Sinabi kong nakakasawa na don saka ang liit at wala masyadong maiikutan.
Bago kami magsimulang maglakad lakad ay niyakag ko muna siyang kumain. Syempre ako parin ang pipili ng fastfood na kakainan.
"Tara!" Sabay hila ko sa kamay niya.
"Bakit dito? Wala namang fries diyan eh" pagkontra niya sakin tukoy sa Burger King na nasa harapan namin.
"Masarap ang spaghetti dito, promise! Di ka pa ba nakakakain dito?" Tanong ko sa kanya habang nasa loob na kami. Wala na kasi siyang nagawa nung hinila ko na ang kamay niya.
"Oh upo ka na muna dun, ako na oorder" utos ko sa kanya.
Umorder ako ng spaghetti at burger. May fries naman dito eh hindi lang katulad nung nasa Jollibee at Mcdo. Mas malalaki ang potato fries dito.
"Kain na. Promise masarap yan" ngiting sabi ko sa kanya matapos kong mailapag ang mga inorder ko.
"Thanks..." Sagot niya.
Nagsimula na kaming kumain.
Paano nga ba gagawin ko?
Nakakatorpe naman oh!Iba kasi yung nararamdaman kong excitement ngayon kesa dati kapag magkasama kami ni Den.
"Parang kakaiba ka Jaime ngayon" pagpuna niya sakin.
Totoo namang kakaiba ako ngayon. Kakaiba kase gusto kong mapasaya kita.
"Ha!? Hindi noh! Masaya lang kasi bakasyon na" sagot ko sa kanya.
Matapos namin kumain ay nagsimula na kaming maglakad lakad. Naglaro kami sa tomsworld. Galing nitong kasama ko sa Tekkentag. Natalo ako. Tandem niya si Jun Kadama at si Jin Kadama. Naglaro din kami nung car race at basketball. Tuwang tuwa siya sa mga tickets na lumalabas sa machine sa tuwing naglalaro kami.
"Ano gusto mo diyan?" Sabay turo ko sa mga items na nasa token area. Pwede kasing palitan yung mga tickets ng mga items kumporme sa dami ng tickets.
"Yuuuun! Gusto ko yuuuun!" Sabay turo niya sa notebook na si Roronoa Zorro ang design.
"Saan naman tayo?" Masayang tanong niya sakin.
Alam ko na! Anime lover nga pala itong si Den kaya alam kong matutuwa siya sa naisip kong puntahan.
Hinawakan kong muli ang kamay niya at nginitian ko siya. Sumabay naman siya sa paglalakad sakin habang hawak hawak ang kamay ko.
"Den look oh! Astig!" Tawag ko sa kanya habang hawak ko ang nintendo. Tukoy ko sa larong naruto at onepiece. May bagong kabas kasi ng games ang naruto shippuden. Mas upgraded na kesa sa software dati.
"Jaime... Ano kasi..."
"Tingnan mo to oh! Promise magugustuhan mo to" ngiting dugtong ko.
Nung hindi siya nalapit ay hinila ko muli ang kamay niya at pinakita ko yung nilalaro ko.
Tama nga ako. Nagustuhan niya yung laro. Nakangiti na kasi siya at nakatutok ang atensyon sa ginagawa niyang pagpindot dun.
"Tingnan mo dali Francisco! Ang ganda ohhhh!" Biglang sabi niya.
Francisco? Teka. Mali ba ako ng rinig?
Mabilis siyang napatingin sakin at bakas sa mukha niya ang pagkapahiya sa kanyang sinabi.
"Ayyy...Jaime pala..."
Author: Finally may The Rise of Nine na book na ako ng Lorien Legacy. Hahaha! Salamat sa nagbigay. Labyu talaga.
Pengeng votes and comments :)
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb