Take me to your heart - show me where to start.
Mark James PoV
Mabilis natapos ang ang tatlong oras. Narinig na namin ang tunog ng bell na hudyat na kailangan na naming bumalik muli sa hall.
"Bago tayo magsimula ay gusto kong umupo kayo ng pabilog, dahil sa gitna magpe-perform ang sinumang tatawagin kong pangalan" sabi samin ni Sir Menard.
"Itong jar na ito ay naglalaman ng papel na may nakasulat na pangalan niyo. Hiningi ko ito kay Maam Maguad. Kapag tinawag ko ang pangalan niyo ay wala kayong ibang gagawin kundi ang pumunta sa gitna at simulan na niyo na ang dapat niyong gawin" mahabang paliwanag nanaman niya.
Nalaman kong lahat pala kami ay tanging pagsulat at pagsalaysay lang ang ginawa. Siguro dahil dun lang malayang nasasabi o naisusulat ang nararamdaman ng tao.
Nagsimula ng magtawag ng pangalan ni Sir. Lahat kami tahimik. Unang tinawag ang pangalan ni Joseph. Classmate ko. Mabilis siyang nagpunta sa gitna.
Nung nasa gitna na si Joseph ay biglang namatay ang mga ilaw na nagbibigay samin ng liwanag. Tanging karampot na liwanag lang na nanggagaling sa itaas ang ilaw na tumatama kay Joseph.
Napakadilim. Walang ibang makikita kundi ang taong nasa gitna.
Sinimulan na niyang basahin ang hawak niyang papel. Seryoso si Joseph pero normal lang ang ginawa niyang pagpapakilala at pagpapaliwanag ng kanyang nararamdaman. Naikwento niya na namimiss niya na ang papa. Maaga daw kasing namatay ang tatay niya.
Matapos nun ay patuloy na nagtawag ng pangalan si Sir Menard. Kinakabahan nga ako eh. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko.
"Chriden..." Biglang sabi ni Sir.
Biglang napokus ang mga mata ko sa kinalalagyan ni Den. Gusto kong marinig ang tungkol sa kanya. Interesado ako. Gusto kong malaman.
"Ako nga pala si Chriden pero ang tawag sakin ng karamihan ay Den. Base sa inyong nakikita, kabilang ako sa ikatlong kasarian. Kayo na bahala kung ano ang tawag niyo dun pero ako sa tingin ay pagiging totoo sa sarili ito" pagsisimula niya.
"Hindi ko masabing mabait ako kase alam ko naman sa sarili ko na may mga pagkakataon o malimit akong nagkakasala o may nagagawang kasalanan" dugtong niya habang may ngiti sa kanyang mga labi.
"May isang tao akong sobrang pinagpapahalagahan. Yung tipong mahal na mahal ko. Akala ko nga dati ay hindi namin malalampasan ang mga problemang dumating samin. Walang sinabi ang sangkaterbang pagsubok na dumaan samin dati..." Pagpapatuloy niya.
Si Paul siguro yung tinutukoy niya. Naikwento niya na kasi sakin yung tungkol sa kanilang dalawa eh. Kakainggit naman yung lalaking iyon. Sana ako nalang si Paul.
"Pero nag-iba lahat nung nagpasya siyang magtrabaho sa ibang bansa. Sabi kasi ng mga magulang niya ay kailangan siya ang maghandle nun kasi darating ang panahon na siya na talaga ang magmamanage pati ng ibang campany nila..."
Napansin kong parang nag-iba ang pustura ng kanyang mukha. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin pero parang may kakaiba.
"Tol ang cute ni Den no!" Narinig kong komento ni Patrick.
"Tumigil ka nga! Nakikinig ako!" Sagot naman ni Hans.
Naku Patrick! Kakausapin na talaga kita pagkatapos ng retreat na ito!
"Napakasaya ko nun... Kasi naisip ko mas magiging better person siya at mas magiging matured na siya mag-isip..." Panandalian siyang tumigil at huminga ng malalim.
"Gabi gabi kami magkausap... Hindi lumilipas ang isang araw na hindi ko maririnig ang boses niya..." Pagpapatuloy niya.
"Palagi niya akong kinakamusta... Palagi niya nga ring sinasabi na wala na siyang tagahimay ng paborito niyang alimasag..." Matapos niyang sabihin yan ay biglang nag-iba ang tono ng pananalita niya.
Naiyak si Den.
"Hindi kasi siya marunong maghimay nun...." Naiyak niyang kwento habang pinipilit ngumiti.
"Hanggang sa naging madalang na ang pagtawag niya sakin... Iniisip ko baka dahil sa dami ng trabahong ginagawa niya... Baka napapabayaan na niya ang sarili niya..." Sabi niya habang patuloy ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mata.
"Eto nga oh tingnan niyo ang eyebags ko... Nag-aantay kasi ako gabi gabi hanggang umaga ng tawag niya... Baka kasi bigla siyang tumawag tapos hindi ko masagot..."
"Nag-aalala na ako sa kanya..." Sabi niya habang patuloy ang paghikbi at pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata.
Takte! Ganoon pala ang nararamdamang sakit ni Den.
Gago pala yung Paul na yun ah!
Bakit ginagawa niya kay Den ito! Bakit hindi man lang niya magawang kumustahin o tawagan!
Anong klaseng boyfriend siya!"Pasensya na kayo... Nadala ako ng emosyon ko...." Huling sabi niya at mabilis na siyang bumalik sa upuan.
Tangina ka Paul!
Wala kang kwenta!
Kawalan ba ang limang minutong pagtawag kay Den?
24 hours ka bang nagtatrabaho!!?
Kung magkataon na magpangita tayo baka masuntol lang kita! Wala kang kwenta!At dahil hindi ako maka-get-over sa inis at galit na nararamdaman ko para sa boyfriend ni Den at hindi ko napansin na kanina pa pala ako tinatawag ni Sir Menard.
"Uuy pre! Ikaw na! Ano bang nangyayari sayo!?" Sabay tapik sakin ni Hans.
Nasa gitna na ako.
Ganito pala dito sa gitna. Wala akong ibang nakikita - sarili ko lang."Oh nasaan ang papel mo?" Tanong ni Sir Menard.
"Hindi na po kailangan Sir. Alam ko na po ang dapat kong sabihin" seryosong sagot ko sa kanya.
Author: sensya po. Short update lang. Salamat po sa comments and votes.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb