Pagod na ako Paul

6.3K 243 20
                                    

Just an ordinary song - for special guy like you - from a simple guy who's so inlove with you. 😍

Paul Francisco PoV

"Sasakay ka rin pala!" Sabi ko kay Den nung nagpasya na siyang lumapit at sumakay sa sasakyan ko.

Ang tagal kong inantay ang pagkakataong ito. Ang tagal kong kumuha ng tiyempo. Alam ko naman na unti-unti ng nawawala ang pagmamahal sakin ni Denden ko pero hindi ako papayag. Hanggat kaya ko siyang makuha gagawin ko. Kahit sapilitan pa! Di ako papayag na hindi ulit kami magkaayos! Pagkatapos ng pagtitiis ko ng halos isang taon!

Flashback

Mabilis akong lumabas ng opisina nung sinabi ng sekretarya ko na may emergency call daw galing sa ospital. Tinungo ko agad ang ospital.

Takte naman kung kailan ko napagpasyahang umuwe bukas sa pilipinas saka pa nangyari ito!

Pagpasok ko ng ospital at tinanong ko agad ang front desk kung saan ang room ni Roxanne. Sinabi sakin na nasa emergency room na daw si Roxanne at nagle-labor na.

Naupo ako sa hallway. Nagdarasal na sana ay maging maayos ang panganganak niya. Dugo at laman ko ang isisilang niya. Anak ko yun at wala akong ibang pwedeng ipagdasal kundi ang kaligtasan nilang dalawa.

Pabalik balik ako sa operating room. CS kase. Dumating rin ang ilang kaibigan ko.

Tumayo.

Umupo.

Lumabas.

Nagyosi.

Naupo.

Hindi ako mapakali.

Lumipas ang limang oras ay lumabas ang doctor ni Roxanne.

"Congratulations! Baby boy." Pagbati niya sakin.

"Thank you... Thank you..." Sagot ko sa kanya at mabilis na akong pumasok sa operating room.

Nakita ko si Roxanne na nakahiga at karga karga ang baby - baby namin.

Kinuha ng nurse yung baby at ilalagay daw sa nursery area.

Nakatayo ako ngayon sa gilid ni Roxanne. Hindi siya nagsasalita. Malamang ay groge pa epekto ng mga ininjection sa kanyang gamot. Hindi niya ako tinitingnan.

Inilipat si Roxanne sa isang private room. Ako narin ang nagrequest nun para makapagpahinga ng maayos si Roxanne.

Nagpuntahan ang ibang mga kaibigan ko t nagdala ng mga pagkain para makarecover agad si Roxanne sa panganganak niya.

"Paul okay lang ako. Umuwe ka na muna para makapagpahinga ka. Ayos lang ako. Di naman ako papabayaan ng mga nurse dito" sabi sakin ni Roxanne.

Wala akong nagawa sa sinabi niya. Totoo rin naman na kailangan ko ng pahinga. Kaya umuwe na muna ako sa condo ko at nagpahinga.

Nag-iisip.

Nahiga na ako.
Kahit antok na antok ako ay hindi parin ako makatulog. Dami kasing gumugulo sa isipan ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Maaga akong napunta sa ospital para sunduin na si Roxanne. Mas maganda narin na sa bahay na siya magpahinga. Kumuha nanaman ako ng helper para hindi na kami mahirapan.

Binuksan ko ang pintuan ng room ni Roxanne pero wala akong nakita. Wala si Roxanne. Malinis na ang buong room. Wala narin ang mga gamit ni Roxanne na nakapatong sa minitable ng room.

Tinawag ko agad ang nurse. Nakaramdam kasi ako ng kakaibang kaba. Nagdatingan ang mga nakatokang nurse at tinanong ko sila.

May inabot na papel sakin ang isang nurse.

Naupo ako sa kama ng room at binasa ko ang nakasulat sa papel.

Matapos kong basahin yun at bigla nalang tumulo ang mga luha ko. Hindi konalam kung ito ba ay dulot ng kasiyahan, galit, o kasiyahang dapat kong maramdaman.

Mabilis kong nilisan ang ospital at bumalik na ako sa condo ko. Pinabalik ko na sa agency ang kinuha kong helper at binayaran ko nalang siya ng anim na buwang sweldo.

Naupo ako sa beranda ng condo ko. Hawak hawak ko ang binili kong alak sa wellcome kanina. Gusto ko kasing paniwaliin ang sarili ko sa nangyari. Hindi ko kasi alam kung papaniwalaan ko ba ang sinabi ni Roxanne sa kanyang sulat.

Habang nag-iinom ako ay ang daming pumapasok sa isipan ko. Mga bagay na pilit tumutusok sa kalooban ko. Parusa ba ito sakin sa pagiging barumbado ko?

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Sheryl. Binigay kasi niya sakin ang number niya nung huli naming pag-uusap.

Kinuwento ko sa kanya ang lahat. Pati yung laman ng sulat ni Roxanne sakin.

Wala naman akong narinig na kahit na anong komento sa kanya maliban sa sinabi niyang "You should do what is right and the things that will make you feel happy. You need to choose between the right and the things you want to do. Feel free to do what you want to do".

Napaisip ako sa sinabi niya. Dahil don ay sinubukan kong tawagan si Roxanne pero hindi ko siya makontak. Tinawagan ko rin ang ilang mga kaibigan niya pero wala silang alam na pwedeng puntahan ni Roxanne.

Ang huling tinawagan ko ay si Jerome. Sinabi ko sa kanya lahat. Katulad ng dati ay wala siyang ibang reaksyon kundi ang ayunan at pakinggan lang ang sinasabi ko.

"Jerome what do you think? Ano gagawin ko? "

"Kung ano sa tingin mo ang dapat mong gawin, gawin mo pre. Ikaw lang ang makakapagdecide"

Yan ang sagot niya sakin.

Matapos ang usapan namin ay pinatong ko ang cellphone ko sa beranda.

Ano nga ba ang dapat kong gawin?

Gulong gulo na talaga ang utak ko.

End of Flashback

Kapwa kami tahimik ni Den sa loob ng sasakyan ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko babasagin ang katahimikang bumabalot samin.

Ni-turn on ko ang mini component ng sasakyan ko.

Np: Weve only just began.

Ano nga ba ang dapat kong sabihin sa kasama ko?

Ano ba ang dapat gawin para mabasag ang katahimikang bumabalot saming dalawa.

Hindi ko na namalayan na nasa Biwas na kami. Nasa eskinita na kami na bahay nila.

Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan ko ng hindi man lang ako kinakausap.

Bumaba rin ako. Hinabol ko siya.

"Den!!!!" Malakas kong sigaw.

Bahagya siyang lumingon.

"Pagod na ako Paul. Gusto ko ng magpahinga, umuwe ka na" narinig ko mula sa kanya.

Naiwan ako sa labas ng bahay nila na nakatayo.

Tangna! Hindi pwede to!
Hindi ako papayag na basta ganito lang kami!

Author: More flashback to read. :)

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon