Just like me they long to be - close to you.
Paul Francisco PoV
Ilang araw na ang lumilipas na hindi ko nakikita si Den. Kapag pinupuntahan ko siya sa bahay nila palaging wala. Hindi ko rin siya nakikita sa eskwelahan namin. Kapag naman tinatanong ko sila Sheryl ay hindi rin nila alam o mas magandang sabihin ko na ayaw nilang ipaalam sakin. Sinusubukan ko palaging kontakin ang cellphone niya pero laging cannot be reach. (Halatang Globe Subscribers kami).
Bakit kaya palagi nalang siyang ganoon?
Bakit palagi nalang siyang umaalis ng hindi man kang inaalam ang nangyayari?
Flashback
"Roxanne..." Mahinang sabi ko nung nakita ko siyang katabi ni Justin sa sofa.
Narinig kong nagpaalam si Den. Hinigpitan ko ang kapit ko sa kamay niya pero kusa ng kumalas yung kamay ko nung naramdaman ko ang bigat ng kamay niya sa kagustuhan niyang alisin ang pagkakakapit ko. Alam kong nagdahilan lang si Den. Kilala ko siya. Alam ko kung nagsisinungaling siya at kung nagsasabi siya ng totoo.
Wala na akong nagawa. Balak ko pa sana siyang habulin pero natuon ang atensyon ko kay Roxanne.
Binalot muna kami ng katahimikan. Kung hindi nga lang dahil kay Luis ay walang magsasalita samin.
"Can we talk?" Mahinang sabi sakin ni Roxanne. Wala parin nagbabago sa kanya. Maganda at maamo parin ang mukha niya. Magalang.
Nagpunta kami sa garden namin. Naupo sa isang built in bench at kapwa tahimik.
"Kumusta ka na?" Basag ko sa katahimikang bumabalot saming dalawa.
"Okay lang... Ganoon parin..." Mahinang sagot niya.
Muli kaming binalot ng katahimikan. Hindi ko kasi alam kung ano ang dahilan ng pagpunta niya dito. Naipaliwanag nanaman niya sakin lahat lahat dun sa sulat na iniwanan niya.
"Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng bagay na naitulong mo sakin... Alam ko nagdulot ako ng gulo sa buhay mo..." Dugtong niya.
Tahimik lang ako. Wala kasi akong maisagot sa mga bagay na sinasabi niya.
"I just want to return the favor... I want you to be happy... I want you to be with someone you love... Napakaswerte ng taong minamahal mo... Sayang nga lang at mas nauna mo siyang nakilala kaysa sakin..." Nakangiting pabirong sabi niya.
Mali siya. Ako ang swerte sa taong minamahal ko. Ako lang ang nagdudulot ng kamalasan kay Den dahil sa puro pasakit na ang naibibigay ko sa kanya. Alam ko sa sandaling ito ay naiyak nanaman si Den. Kilala ko yun. Mahal ko yun eh.
"Let me help you..." Muli niyang sabi.
Inangat ko ng bahagya ang mukha ko at tumingin ako sa kanya.
"Please..." -Roxanne.
"No... Gusto ko ako mismo ang gumawa ng paraan... Maraming salamat sa pag-aalala..." Sagot ko sa kanya.
Ilang sandali lang ang lumipas ay tumayo na siya at nagpaalam. Yun lang daw talaga ang sinadya niya - ang humingi ng pasasalamat at kapatawaran sa mga bagay na nagawa niya.
"Nga pala, binyag ni Mark Lucas next month... Ninong ka ha... Saka sana maisama mo siya..." Pahabol niyang sabi at mabilis ng naglakad papalayo sakin.
End of Flashback
Saan nga kaya pwedeng magpunta ang taong yun? Halos nalibot ko na ang buong Tanza at Cavite, wala parin akong hint kung nasaan siya. Nagpatulong narin ako kina Allen pero wala din. Minsan nga naiisip ko na baka tinatago siya ni Jerome eh. Masyado kasing tahimik yung taong yun. Malay ko rin diba? Alam ko naman na may nararamdaman pa yung mokong na yun sa taong mahal ko.
"Oh tulala ka nanaman diyan?" Puna sakin ni Kerby.
"Oh!" Abot naman ni Brille ng Sanmig.
"Nagagawa nga naman ng pag-ibig..." Muling sabi ni Kerby. Napangiti nalang ako nung narinig ko yung sinabi niya. Totoo naman kase eh. Iba ang nagagawa ng pag-ibig. Iba.
"May naisip ako Paul... Kung hindi ako nagkakamali birthday ni Den sa Dec 24 diba?" Biglang singit ng bagong dating na si Allen.
Nandito kami sa rooftop namin ngayon. Hindi kami pumasok - o mas magandang sabihin na hindi ako pumasok kaya hindi rin nagsipasukan itong mga kaibigan ko.
"Teka! Pano mo nalaman na birthday ni Den sa 24!?" Pabalang kong tanong sa kanya.
"Easy...easy... Huwag mo akong pag-isipan ng hindi maganda, alam kong sayo lang siya..." Nakangising paliwanag ni Allen.
Ipinaliwanag ni Allen ang naisip niyang plano.
Ayos ah... Maganda...
"Eh teka! Paano ko magagawa yan kung wala naman yung taong gagawan ko ng ganyan!!?" Naiinis kong tanong sa kanya.
"Paul nagtext si Jerome!!!!" Malakas na sigaw ni Kerby.
"Wala akong pakiala-"
"Alam daw niya kung nasaan si Den ngayon!"
"Akina nga yang cellphone!" Sabay hablot ko sa kamay ni Kerby."Hello Jerome!!! Nasaan si Den? Magkasama kayo!!? Bakit kayo magkasama!!? Nasaan kayo!!!?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.
"Kalma ka lang Paul... Safe si Den... Huwag ka mag-alala, kasama niya ang kapatid mo. Sige, tawagan ko nalang kayo mamaya" -Jerome.
Magsasalita pa sana ako nung narinig ko na ang busy tone. Takte! Pabitin pa si Jerome! Buset!
Bakit magkasama si Luis at si Den?
Ayokong isipin na pati si Luis!!"Justiiiiiiiin!!!!!!!" Malakas na sigaw ko habang pababa ako ng rooftop.
"Oh bakit Kuya!? Kung makasigaw ka!" Reklamo niya.
"Saan nagpunta si Kuya Luis mo!?" Naiinis kong tanong sa kanya.
"Sa Bicol daw Kuya" -Justin.
Author: sensya po. Ngayon lang nag-update. Naging busy po kasi ako. Sorry po.
Pengeng votes and comments :)
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb