Pain in my heart.
Chriden PoV
Isang linggo ng nakakaraan simula nung nakabalik kami ni Jerome galing hongkong.
Isang linggo narin na wala ako sa sarili ko.
Hindi pa ako pumapasok sa school. Wala akong gana.
Wala akong gana sa lahat ng bagay.
Napakasakit ng nararamdaman ko. Sobrang sakit.Nakita ko si Francisco.
Nakaakbay sa isang babae.
Babaeng malaki ang tiyan - buntis.
Hindi naman ako tanga para hindi ko maintindihan ang nakita ko.Gabi gabi ako nag-aantay ng tawag galing sa kanya. Halos hindi na nga ako matulog dahil iniisip ko baka tumawag siya at kung matutulog ako ay di ko masasagot.
Araw araw siya ang iniisip ko.
Iniisip ko kung kumain na ba siya, nakakapagpahinga ba siya, nakakatulog ba siya ng maayos, siya lahat ang laman ng puso't isipan ko.Gabi gabi nagdadasal ako na sana mabilis lumipas ang mga araw para magkasama na ulit kaming dalawa. Wala akong ibang hinihiling kundi iyon - yung bumalik siya at magkasama na ulit kami.
Palagi ko siyang binibida sa mga kaibigan ko. Pinagmamalaki ko siya. Wala akong ibang bukambibig kundi ang pangalan niya.
Mahal na mahal ko si Francisco.
Siya ang ginawa kong mundo ko."Kuya.. Kakain na daw sabi ni Mama" sabi ni Chrien habang nakasilipnlang sa pintuan ng kwarto ko.
"Sige Chrien... Una na kayo ni Mama kumain. Di pa ako gutom..." Sagot ko sa kanya.
Wala na akong narinig na salita pa galing sa kapatid ko. Tumingin ako sa orasan. Alas siete na pala ng gabi.
Gusto ko muna maglakad lakad. Gusto ko munang marelax ang katawan ko. Hindi ko kasi alam ang gagawin sa ganitong klase ng sakit. Unang beses palang nangyayari sakin ito kaya wala akong alam na pwedeng makapagpalubag sa kalooban ko.
"Ma, lalabas lang muna ho ako..." Mahinang paalam ko kay Mama habang nagliligpit ng pinagkainan.
Pinayagan naman ako ni Mama.
Lumabas na ako ng pinto.
Nagsimula na akong maglakad lakad.Ganito pala ang pakiramdam ng taong iniwan. Yung tipong ayaw ko na muna siyang isipin pero kusang nagpa-flashback sa isipan ko ang lahat ng mga nangyari samin.
Nagsimula nanaman magdaloy ang mga luha ko habang naglalakad ako. Hindi ko narin mapigilan ang mapahikbi. Ayaw kasi mawala kahit panandali ng sakit at kirot na nararamdaman ko.
Bakit ba nangyayari sakin ito?
Wala naman akong ginagawang masama?
Wala akong ginagawa na makakapanakit ng ibang tao.
Bakit sakin pa nangyayari ito?Hanggang sa hindi ko napansin na nakarating na pala ako sa parke. Naupo muna ako sa isang bench at yumuko ako.
Patuloy parin ako sa pag-iyak. Di ko kasi mapigilan.
Tangina Francisco! Bakit mo ginawa sakin ito!?
Sana una palang sinabi mo na sakin na ayaw mo na!
Sana sinabi mo sakin na hindi mo na ako gusto!
Sana sinabi mo sakin na hindi na pala ako kasama sa mga plano mo!
Sana sinabi mo sakin na may iba na!
Sana sinabi mo sakin ang totoo... para kahit papaano ay naihanda ko ang sarili ko...
Ang sakit kasi. Napakasakit.
Hindi na lalo ako nakakatulog hindi na dahil sa pag-aantay ko ng tawag galing kay Francisco, hindi na ako nakakatulog dahil ayaw tumigil ng sakit na nararamdaman ko. Ayaw mawala ng karayom na paulit ulit na tumutusok sa dibdib ko.Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Eto oh..." Narinig kong bigla. Tinunghay ko ang mukha ko para makita ko kung sino ang nagsalita.
"Salamat..." Sagot ko sa kanya matapos kong abutin ang panyong binibigay niya.
Naupo si Jaime sa tabi ko. Hindi siya nagsasalita. Kapwa kami tahimik at tanging paghikbi ko lang ang ingay na naririnig namin.
"Hindi na kita tatanungin kung bakit ka naiyak o kung ano man ang dahilan ng pag-iyak mo..." Mahinang sabi niya.
"...gusto ko lang malaman mo na lahat ng problema ay may solusyon... Hindi yan ibibigay o ipaparanas ni God kung walang dahilan. Isipin mo nalang yung mga good things na nangyari sayo" mahabang dugtong ni Jaime sa sinabi niya.
Hindi pa ako ready magkwento. Hindi pa ako handang sabihin sa kahit kanino ang nangyayari sakin. Ayokong mag-alala sila sakin. Ayokong pati ako ay makadagdag pa sa sarili nilang problema.
"Halika na. Hatid na kita sanyo. May pasok pa tayo bukas" sabi sakin ni Jaime.
Hindi parin ako nagsasalita. Tumayo na ako at sumabay na ako sa paglalakad sa kanya.
"Nga pala Den birthday ni Noah nextweek. Gusto ko sanang invite kayo ni Chrien sa bahay" sabi ulit niya nung nasa tapat na kami ng bahay namin.
"Okay sige. Sasabihin ko nalang kay Chrien" mahinahong sagot ko sa kanya at mabilis na akong pumasok sa loob ng bahay namin.
Naupo muna ako sa tapat ng bintana ng kwarto ko.
Nag-iisip ako ng mga bagay na makakatulong sakin kung paano mawawala kahit paano ang sakit na nararamdaman ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ma, pasok na ho ako" paalam ko kay Mama habang nagliligpit ng pinggan."Sigurado ka ba anak? Papasok ka na?" Takang tanong sakin ni Mama.
"Alis na po ako" huling sabi ko at nagsimula na akong maglakad palabas ng bahay.
Lumipas ang isang oras ay nakarating na ako sa school namin. Katulad ng dati ay naupo muna ako sa cafeteria.
"Den!?"
Kung iisipin ko dito halos nagsimula ang lahat sa cafeteria. Nararamdaman ko nanaman ang mga namumuong tubig sa dalawang mata ko.
"Den!?"
Ayoko ng umiyak. Pagod na nga mata ko sa kakaiyak. Kaya tama na.
"Den!!!!!!!" Bigla akong napapitlag nung narinig ko ang malakas na pagsigaw ni Sheryl.
"Oh Sheryl. Nandiyan ka na pala" mahinahong bati ko sa kanya.
"Magaling ka na ba? Sabi kasi sakin ni MJ may trangkaso ka daw eh" mabilis na tanong sakin ni Sheryl.
"Oo. Medyo nagkalagnat lang ako..." Mahinahong sagot ko uli sa kanya.
"Teka.. Kwento ka naman. Ano? Maganda ba sa hongkong? Anu-ano ang mga nakita at napasyalan niyo don?" Masayang tanong sakin ni Sheryl.
Bigla akong natigilan nung narinig ko ang tanong niya. Muli nanaman nagpicture sa isipan ko ang scenario kung saan nakita ko si Francisco na may kasamang iba.
Yung sakit na pilit kong tinatago ay parang nag-uumpisa nanaman mas sumakit pa.
Nararamdaman ko nanaman na bumibilis ang tibok ng puso ko at malapit nanaman magdaloy ang mga luha sa mata ko.
"Den? Okay ka lang?" Alalang tanong sakin ni Sheryl habang nakatingin sa mata ko.
Author: Ang sakit ng ulo ko. Sensya na sa update. :(
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb