I just came here to say something.

6.7K 228 11
                                    

Maybe it's not always about trying to fix something broken. Maybe it's about starting over and creating something better.

Chriden PoV

"Tol saan tayo sa sembreak?" Tanong ni Hans kay Jaime.

Nandito nga pala kami sa bahay nila Jaime ngayon. Sinabi ko kasi kay Jaime na sasama ako sa gimik nila. Hindi naman siguro masama ang wilihin ang sarili. May nakapagsabi nga sakin na dapat daw ay maging matatag ako at dapat daw ay maging masaya ako.

Flashback

"Oh Jerome?" Patanong kong sabi sa kanya nung namukaan ko siya kasama ko dito sa jailbooth.

"Mukha kasing hindi kita makakausap ng maayos dun sa cafeteria. Mukhang may bodyguard ka" nakangising sagot niya sakin.

"Di no! Si Jaime yun! Kaibigan ko" sagot ko naman sa kanya.

Nagkwentuhan kaming dalawa na parang wala kami sa loob ng jailbooth. Sinabi niya na nextweek daw ay babalik na siya sa Ate niya.

"I just came here to say something..." Naging seryoso nanaman ang kanyang mukha.

"Den... If you need help or anything don't hesitate to call me... Kahit alam kong imposible na humingi ka ng tulong. I know you're strong - but, were still here, I'm here kahit na wala na si Paul" nakangiting sabi niya sakin.

"Kaw talaga! Huwag mo nga ako englishin diyan!" Biro ko sa kanya.

"Maraming salamat Jerome... Malaki na talaga utang ko sayo - paano kaya ako makakabayad" dugtong ko.

"Maging masaya ka lang - okay na. May sukli pa" muling sagot niya.

"You deserve to be happy.. At yun ang gusto ko para sayo..." Dugtong ulit niya.

"Paano? Kita nalang ulit tayo... Ingat ka palagi..." Sabi niya sakin at nagsimula na siyang maglakad paalis.

"...nga pala, kapag wala ka pang boyfriend hanggang sa pagkagraduate mo wala ka ng magagawa dahil ibig sabihin tayo talaga ang para sa isa't isa"  pahabol niya bago tuluyang nagpatuloy sa paglalakad palayo.

End of Flashback

"Akyat tayong Pico de loro!" Sangguni ni Patrick habang nakataas pa ang kanang kamay.

"Mga naiisipan mo talaga Patrick!" Sagot naman ni Jaime.

"Mukhang maganda nga yun Patrick ah! Narinig ko na dati sa kaibigan ko ang tungkol sa bundok na iyon" pagsang-ayon ko sa kanya.

"Ayy oo Patrick! Masaya nga ang umakyat ng bundok!" Pagbawi naman ni Jaime na dahilan para magtawanan ang lahat ng magkakaibigan.

Napagkasunduan na umakyat ng pico de loro ngayong darating na sem break. Lahat ay sasama. Sinabi ko rin sa kanila na yayakagin kong sumama ang iba kong kaibigan para mas marami. Sabi nga nila - mas marami, mas masaya.

Nagpatuloy na kami sa pag-iinom. Todo kwento nga ang mga kaibigan ni Jaime eh. Pabida. Papontoyan ng kwento.

"Sige nga. Sagutin niyo to" sabi ni Hans.

"Paano niyo malalaman kung ang nasa loob ng isang comfort room ay babae o lalake?" Mayabang niyang tanong.

"Edi tingnan mo tung sign kung He or She!" Malakas na sagot ni Jaime.

"Engggg! Mali! -Hans.

"Edi silipin mo sa bintana!" Sinserong sagot ni Patrick.

"Saksakan ka talaga ng libog!!" Sabi sa kanya ni Hans dahilan para mapatawa ako.

"Ikaw Den? Ano sagot mo?" -Hans

"Hintayin lumabas" sagot ko.

"Ang galiiiing! Bigyan ng Jacket! At payb tawsan pesos!" Sigaw ni Hans.

Nagtawanan lahat kami. Parang wala ngang tama ang alak samin eh. Nakakawili kasi silang kakwentuhan. Di nauubusan - at payabangan pero walang napipikon.

"Den diba boyfriend mo yung siga sa school? Yung naka-graduate na?" Biglang singit ni Kyle.

Biglang napatingin sakin si Jaime. Alam ko na ang nasa isipan niya. Hanggat maari sana ayoko pag-usapan yung tungkol samin ni Paul kaso di naman pwedeng mangyari yun. Hindi maiiwasan.

"Ahh... Si Paul. Bakit?" Walang emosyon kong sagot at tanong sa kanya.

"Den?" -Jaime.
"Don't worry. It's okay" sagot ko sa kanya.

"Ah! Yung laging nang-aaway dati tapos ang yabang-yabang!" Dugtong ni Hans.

Hindi na ako nagtanong kay Kyle kung bakit alam niyang boyfriend ko si Paul ayy naging boyfriend pala dahil hindi naman transferee si Kyle. Kaya sigurado akong alam niya ang lahat ng kabalastugang nangyari samin ni Paul dati sa loob ng school.

"Ganon talaga si Paul... Teka! Paabot naman ng yosi Patrick!" Nakatawa kong pag-iiba ng usapan.

Hindi pa kasi ako komportable na pag-usapan muli si Paul. Ewan ko. Basta naiilang ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Pasensya na sa mga kaibigan ko ah..." Sabi ni Jaime habang nakuha kami ng cube ice.

"Nu ka ba! Okay lang yun no! Wala ka dapat ipaghingi ng sorry" nakangiting sagot ko sa kanya.

Pagkatapos namin kumuha ng yelo ay kaagad na kaming bumalik sa garden nila. Dun kasi kami nag-iinom.

Ganoon parin tuloy parin ang kwentuhan at payabangan ng magkakaibigan. Pati nga ako sinasali narin nila sa mga kalokohan nila eh.

Tulad nalang ng tinanong nila ako kung sino daw ang first kiss ko, kung smack or torid. Diba? Mga walang pakundangan. Pero ako naman si tanga sumagot. Haaay. Mga lalake nga naman oh!

Pasado alas onse na kami natapos. Ayaw pa nga papigil ni Patrick kundi lang pwersahin ni Hans na tumayo sa upuan eh. Ang kulit talaga niya.  Hinatid ako ni Jaime.

"Ikaw kasi hinatid mo pa ako... Pwede namang hindi. Nakainom ka rin eh" sabi ko sa kanya.

"Okay lang yun. Kayang kaya ko yan" nakangiting sagot niya sakin.

"Sige. Pahinga ka na. Pasok ka na sa loob" dugtong niya.

"Jaime!" Pigil ko sa kanya nung aktong tatalikod na siya.

Nilapitan ko siya.

Kinisan ko siya sa pisngi.

"Goodnight! Pasok na ako!" Sabi ko sabay takbo papasok sa loob ng bahay namin.

Author: short update. 😊

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon