Sweetdreams...
Chriden PoV
Takte! Hindi ko inaasahan na ganito pala karaming tao dito sa birthday celebration na sinasabi ni Kuya. Langya talaga yun.
Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera - hindi ako papayag.
Flashback
"Kuya may fieldtrip daw kami next month" sabi sakin ni Chrien.
"Oh eh bakit nakasimangot ka? Dapat matuwa ka kasi makakagala ka kasama ang mga new friends mo..." Nakangiti kong sagot sa kapatid ko.
"Eh...hindi ako sasama..." Maluha luhang sabi sakin ni Chrien.
"Kasi...wala daw pera si... si mama..." Medyo nauutal na sumbong sakin ng kapatid ko.
"Oh huwag ka na malungkot.. Ako bahala.. Sasama tayo sa fieldtrip..." Pang-aamo konsa kapatid ko.
Kailangan gumawa ako ng paraan para magkaroon ako ng pera. Ayoko naman maging malungkot ang kapatid ko.
Kanino naman kaya ako manghihiram?
Kay Francisco? Ayoko! Nakakahiya kaya dun! Baka isipin pa ng iba na nagte-take advantage ako.
Habang nakain kami ng hapunan ay biglang may pumasok sa bahay.
"Kuyaaaaaaaa!" Sigaw konsa kanya.
Tama! Alam ko na ang gagawin ko!
End of Flashback
Ayun ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon.
Nagsimula na akong kumanta. Bigla ngang nagtahimikan halos silang lahat eh. Kinanta ko yung nasa playlist namin.
The will of the wind
Bago ako nagpunta dito ay tinawagan ako ni Francisco. Nangangamusta. Sinabi ko rin sa kanya na kakanta ako sa banda. Sinabi ko nalang na si Kuya ang humingi ng pabor. Ayoko naman sabihin sa kanya ang dahilan. Alam niyo naman ugali ng lalaking yun.
Mukhang mayaman ang celebrant ah! Ang ganda ng garden nila saka ang ganda ng bahay. Naalala ko tuloy yung garden nila Francisco sa Bicol. Lolo Imissyou na!
Tapos biglang may lumapit sakin.
Teka...parang pamilyar ito sakin ah!
Saan ko nga ba nakita itong lalaking ito?Habang iniisip ko kung saan ko siya nakita ay may inabot siya saking papel at ngumiti. Agad din siyang umalis. Hindi ko na siya sinundan ng tingin at mabilis kong binasa ang nakasulat sa papel.
Angel of mine (kung pwede acoustic version)
Aww! Demanding ah! Papahirapan pa ako!
Binulungan ko yung mga kasama konsa banda at sinabi kong acoustic ang request. Nag-umpisa ng sumipra ng instrumento ang mga kasama ko.
First time I saw you
I already knew
There was something inside of you
Something I thought that I will never find
Angel of mineButi nalang ay may dala kaming mga lyrics ng kanta. Di ko kasi memorize itong kanta na to eh. Nagpatuloy ako sa pagkanta at nanatiling tamihik ang buong paligid. Pakiramdam ko nga kumakanta ako sa prayer meeting eh. Tapos halos lahat nakatingin sakin. Nako-concious tuloy ako.
Mabilis natapos ang kanta. Narinig kong nagpalakpakan ang ibang mga kasama ko dito sa party.
"Den eto pa oh!" Sabay abot sakin ni Charles ng isang papel.
Nagsimula nanamang sumipra ng mga instrumento ang mga kasama ko. Sa pagkakataong ito ay tagalog naman ang kakantahin ko.
Mayroon akong nais malaman
Maaari bang magtanong?
Alam mo bang matagal na kitang iniibig?
Matagal na'kong naghihintay...Parang ang lungkot naman ng kantang ito. Pinagpatuloy ko ang pagkanta. Katulad kanina tahimik ang buong paligid at sakin lang nakatuon ang atensyon nila. Feeling ko tuloy concert ko to. Hahaha!
Matapos yung kanta ay nagpahinga muna ako at napagpasyahan kong maupo muna sa isang table. Syempre makikikain ako nu! Mukhang masarap pa naman yung mga pagkain.
Yung isang kapartner ko muna ang nagpatuloy ng mga kanta sa playlist namin.
Kumuha ako ng mashed potato, fries at meat balls. Yayamanin talaga.
Naisipan ko rin uminom kaya nung dumaan yung waiter na may dalang alak ay mabilis akong kumuha.
Nilabas ko yung cellphone.
3 messages.Hi Den! Sabi sakin ng Kuya mo nasa birthday party ka daw. Sunduin kita mamaya. Sinabi na sakin ng Kuya mo kung saan ang address.
Sender: Charles Kenneth.Haaay. Kahit kailan talaga. Hindi parin nagbabago si Kenneth.
You have no idea how fast my heart races when I see you.
Lord - best gift I ever had. Thank You so much.
Sana may kumanta ng paborito kong kanya. You were there.
#InumanNa
Group message galing kay Mark James. Mukhang nagkakasayahan narin sa kanila ah.
Busy ka?
Galing ulit ka Mark James. Hindi ko na muna nireplayan yung message niya. Baka makaistorbo pa ako sa celebration niya eh. Mamaya na siguro ako magtetext.
10pm.
"Oh Den baka mapadami ang inom mo ha!" Sabi sakin ni Kevin. Kasamahan ko sa banda.
"Ayos lang ako Kevin. Tara shot tayo!" Yaya ko sa kanya.
Tinanggihan niya ako. Ayaw niya daw mag-inom at mukhang ma-eextend pa daw kami ng ilang oras sa pagtugtog. Ang usapan kasi namin ay hanggang 12 lang kaso nagpa-extend yata yung umarkila samin.
Aba! Dapat dagdagan niya ang bayad samin nu! Ano siya swerte!
"Hi! You're Den right?" Sabi nung... Ay teka.. Pamilyar tong lalaking to ah! Tama! Siya yung nakatabi ko sa auditorium sa school.
"Hi! Nandito ka rin pala!" Nakangiting bati ko naman sa kanya.
Nginitian niya lang ako at tinungga ang hawak hawak niyang bote ng alak.
"Ganda talaga ng boses mo!" Puri niya sakin.
"Thank you." Tipid kong sagot sa kanya.
"Gusto ko sana sabihin sayo na a-"
"Den! Finally I found you!" Tawag sakin ni Kenneth.
"Oh Kenneth! Aga mo ah! Sabi mo sa text mamaya ka pa?" Bating tanong ko sa kanya.
Alam ko naman kasing hindi magpapaawat ito sa pagsundo sakin.
"Boring kasi eh. Walang magawa kaya napagdisisyunan kong puntahan nalang kita" mahabang paliwanag niya.
"Nga pala Kenneth si -"
Ayy nawala! Parang kabute naman yung lalaking iyon! Bigla bigla nalang nawawala.
"Ayy nevermind pala" ngiting sabi ko kay Kenneth.
Author: sensya. Short update. :(
Bawi nalang po ako next update.Salamat po.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb