Pagkakataon mo na Kuya!

6.8K 250 36
                                    

Better days.

Chriden PoV

"Kuya! Kuya!"

Dahan dahan kong iminulat ang dalawang mata ko dahil sa walang tigil na pagtawag at pagyugyog sakin ng kapatid ko.

"Kuya! Kuya naman eh!"

Patuloy parin sa pagyugyog ang kapatid ko.

"Bangon ka na Kuya... Kanina pa nag-aantay sa sala sila Noah eh" ungot na sabi ng kapatid ko.

Oo nga pala.
Foundation day ng school namin ngayon. Napangakuan ko nga pala na isasama ko ang kapatid konsa school na pinapasukan ko.

Isang buwan narin pala agad ang lumipas. Hindi ko na namalayan.

"Kuya mamaya ka na tumulala diyan.. Mag-ayos ka na. 8am na eh" sunod na sabi ni Chrien habang pilit hinihila ang kamay ko.

"Oo na... Eto na... Sige na. Lakad dun ka na muna sa sala para may kausap sila Noah" sagot ko naman sa kanya habang nag-aakma na akong mag-aayos.

Mabilis na tumakbo palabas ng kwarto ko si Chrien. Pumasok na ako sa loob ng banyo at nagsimula na akong maligo.

Sariwa parin sakin ang nangyari. Sariwa parin sa isipan ko ang mga bagay na sinabi ko kay Paul nung huli kaming mag-usap.

Pilit ko lang nilalabanan ang sarili ko sa sakit na nararamdaman ko.

Oo masakit. Napakasakit para sakin nung nangyari.

Kaso hindi ko makakalimutan yung mga sinabi sakin ni Jaime.

Flashback

"Sigurado ka ba na kaya mo pa mag-inom?" Tanong sakin ni Jaime.

Matapos akong makita ni Jaime sa daan habang napakalakas ng ulan ay sinabi niyang dun niya ako idederetso sa bahay nila. Hindi na ako tumanggi kasi alam ko naman sa sarili ko na hindi ako okay.

Tanging tango lang ang isinagot ko sa kanya. Hindi parin kasi ako maka-get-over sa nangyari kanina samin ni Paul eh.

Hindi ako nagsasalita. Patuloy parin ako sa pag-iyak. Tanging pag-iyak lang kasi ang alam kong gawin ngayon.

Inaamin ko lahat ng sinabi ko kanina kay Paul ay labag sa kalooban ko. Pero sinabi ko parin iyon dahil iyon ang tama.

"Alam ko napakasakit ng nararamdaman mo Den..." Narinig kong sabi ni Jaime.

Nanatili akong nakatingin sa bote ng alak na nasa harapan ko habang patuloy ang pagpatak ng luha ko.

"...hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sayo... Pero, gusto kong malaman mo na - nandito kaming mga kaibigan mo..." Dugtong niya.

"...iiyak mo lahat... Sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin hanggang sa maramdaman mong medyo maalwan na ang pakiramdam mo... Masasanay ka rin..." Sabi ulit niya.

"...gusto mo - ipakidnap natin si Paul bukas?" Pabirong tanong niya sakin.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti sakin.

"Isipin mo Den - kung patuloy kang ganyan, mapapabayaan mo ang sarili mo, kapag pinabayaan mo ang sarili mo mapapabayaan mo pag-aaral mo, at kapag pinapabayaan mo pag-aarak mo, paano ka ngayon makakatulong sa mama mo? Diba?" Mahabang sabi niya.

Normal lang naman umiyak gabi gabi dahil sariwa pa sakin ang nangyari. Alam ko darating rin ang tamang panahon na kaya ko na siya makita ng di na ako maapektuhan.

Kailangan ko magsikap.
Kailangan ko muna pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ko para maiangat ko ang pamilya ko.

End of Flashback

"Kuya ang laki pala ng school niyo ni Kuya Den!" Manghang puri ni Noah.

"Oo nga Kuya Jaime! Ang dami pang mga tindahan oh!" Sabay turo ni Chrien sa mga booth na nasa tabi.

"Foundation day kasi kaya ganyan. Kapag walang mga activities ay wala ang mga yan dun lang kami sa cafeteria napunta" mahabang paliwanag ni Jaime.

"Ien tara dun oh!" Sabay hila ni Noah sa kapatid ko papunta sa booth ng Criminology. Shooting games.

May mga pellet gun na nakalapag sa limang table na nasa harapan ng booth nila. May mga nakadikit na shooting board na may nakalagay na points sa bawat area na tatamaan dun. May mga premyo silang mga teddybear at iba't ibang mga stuffedtoys kumporme sa points na tatamaan dun sa shooting board.

Haaay... Namiss ko tuloy nung last foundation day. Jail booth ang sa criminology kung saan naranasan kong ikulong at 1k ang piyansa, dahil lang sa pagsusuot ko ng skinny jeans.

"Kuya bakit tulala ka diyan?" Pansin sakin ni Noah habang hawak ang pellet gun.

"Ahh.. Wala. May naalala lang ako. Galingan mo Noah!" Sagot ko sa kanya.

"Syempre! Di ako papatalo kay Kuya Mark noh!" Mayabang na sagot sakin ni Noah habang nakatingin sa kapatid niya na may hawak ding pellet gun.

"Ien, cheer mo ako para manalo ako! Uuwe natin yung teddybear" sabi ulit ni Noah habang pumaling ng tingin sa kapatid ko.

Nagsimula na ang dalawang magkapatid sa pagbaril sa mga shooting board.

"Galingan mo Oah!" Sabi ng kapatid ko.

"Hindi mo ba ako i-chicheet Den?" Ngising tanong sakin ni Jaime.

Nginitian ko lang siya.

Natapos na ang time nila sa shooting kaya binilang na ng representative ng Criminology ang points nila.

35 pts kay Jaime.
33 pts kay Noah.

"Sayang! 2 points nalang sana!" -Noah.
"Okay lang yan Oah" ngiting sagot naman ng kapatid ko.

Pinagsama ng magkapatid ang points nila kaya nakakuha sila ng stuffedtoy na malaking Crocodile.

"Oh Ien, sayo toh. Sayang nga eh yung Pikachu sana gusto kong bigay sayo" sabay abot ni Noah kay Chrien.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Ang damin booth sa paligid namin. May mga dart games na mula sa mga engineering, word games sa Mascom, at marami pang iba. Yung samin kasi simple lang. Fortune cookie. Baduy diba? Si Mia nakaisip nun kesa daw sa hula hula! Eh pareho lang naman yun eh! Mas maigi daw yun kesa sa naisip ni Sheryl na kulay kulay.

"Kuya ano yun?" Sabay turo ni Chrien sa booth ng Computer Science.

"Wedding booth yan Ien" sagot naman ni Jaime.

Sa kanila kasing booth yun kaya alam niya.

"Kuya, diba sabi mo nung isang gabi gusto mo pakasalan si Kuya Den? Ayun oh! Pagkakataon mo na Kuya!" Ngiting sabi ni Noah habang tinuturo ang wedding booth malapit samin.

Author: Laseeeeeeeng! Kasama ko si Michael Joese ngayon. Maglalaseng ako! Ayoko na ke Franciscooooooooooo! Buseeeeeet!

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon