Tell me - where did I go wrong.
Chriden PoV
"Ha? Bakit naman ako hindi magiging okay? Tara na! Baka ma-late pa tayo!" Mabilis kong sagot kay Sheryl.
"Adik ka talaga Den noh? 10am pa time natin - eh 7:45 lang!" Sigaw sakin ni Sheryl.
Hanggat maari kasi ay ayokong may kahit na anong bagay ang magpapaalala sakin tungkol sa nangyari.
Ayokong pag-usapan.
Ayokong maalala.
Ayokong isipin.
Kunwari nalang walang nangyari.
Kunwari hindi ako nasaktan - kunwari hindi ako nasasaktan.Hindi ko dapat isipin ang sarili ko ngayon. Kailangan ko mag-aral mabuti at kailangan ko tumulong sa problemang pinansyal sa pamilya ko.
"Astronaut ka ba!?" Seryosong tanong sakin ni Sheryl.
"Ha?" Biglang balik ko sa katinuan.
"Lagi ka nalang space out eh! Alam mo Den feeling ko may sintomas ka na ng pagka-abnormal!" Seryoso paring sabi sakin ni Sheryl.
"Haaay naku She puro ka nanama-"
"Hey! Pa-join naman. Pwede?" Biglang sulpot ni Patrick kasama ang mga kaibigan nito.
Naagaw pansin ako ng itsura ni Sheryl. Takte! Nakanganga at nakatitig kay Hans na nakatayo sa taguliran namin kasama sila Jaime.
"Sige. Upo kayo" sagot ko kay Patrick.
"Uyy Sheryl ikom ikom baka may pumasok diyan!" Biro ni Patrick kay Sheryl.
"Okay lang pumasok basta si Hans ang magpapasok" nakangising sagot ni Sheryl na naging dahilan ng pagtawa ng mga kaibigan ni Jaime.
"Balita ko Den nagkasakit ka? Okay ka na ba?" Tanong ni Patrick habang hawak ang iniinom na cold coffee.
Nakapagtataka naman. Bakit halos karamihan ng nakakausap ko ay ang alam ay may sakit ako?
Wala naman akong sakit ah!
Nasasaktan oo. Pero yung literal na sakit - wala."Ahh.. Oo. Pero okay na ako. Napagod lang siguro sa biyahe" ngiting sagot ko kay Patrick.
"Galing kang HK diba? Ano? Maganda ba dun?" Biglang saki naman ni Hans sa usapan.
"Nakita mo ba si Jackie Chan?" Singit naman ni Patrick.
Wala akong maisagot sa mga tanong nila. Hindi ko magawang magkwento o magsalita tungkol sa mga bagay na nakita at napuntahan ko sa HK.
"Huyy! Den! Ano bang issue mo sa HK at kapag tinatanong ka tungkol dun eh nawawala ka sa sarili mo? Magkaaway ba kayo ng hongkong!?" Matapang na tanong sakin ni Sheryl.
"Ah... Pasens-"
"Guys, birthday ni Noah sa friday. Gusto nga pala ng kapatid ko na pumunta kayo sa bahay" biglang singit ni Jaime sa usapan dahilan para maputol ang sasabihin ko.Ramdam kong sinadya niyang baguhin o ibahin ang usapan. Nahahalata niya yata akong hindi komportable sa mga tanong nila sakin.
Lumipas ang buong maghapon. Natapos na agad ang klase namin. Ipinaliwanag lang ni Maam Maguad kung ano ang gagawin namin sa Case study at sinabi niyang sa monday na ang deadline nun. Pinaliwanag narin ni Maam Barron ang gagawin naming Thesis. Simula na raw ng paghihirap namin bilang Psyche Major. Pati si Maam Taccad nakisabay narin sa pinapagawang documentary para sa Filipino Psychology.
Jusko! Isipin ko palang ang mga gagawin ay parang sasabog na ang utak ko.
Pero nasabi ko narin sa sarili ko na mas okay yung ganito. Busy ako. Yung walang oras para makasingit ang mga bagay na makakapagpalungkot lalo sakin.
Mabilis na akong sumakay ng bus at nagdiretso na ako sa bar. Dala ko narin kasi ang damit at pantalon na pamalit ko kaya hindi na ako dadaan sa bahay. Sinabi ko narin kay mama na bumalik na ako sa banda at hindi naman siya tumutol sa naging disisyon ko.
"Den 9pm ka. Upo ka na muna" sabi sakin ni Kevin matapos kong magbihis.
Naupo muna ako sa isang table malapit sa stage habang nagpeperform ang kaibigan ko. Maganda boses niya. Lalaking lalaki. Dami nga lagi nalapit na babae sa kanya eh.
Habang tumatagal ay padami ng padami ang taong dunarating dito sa bar. Kahit alangang araw ang daming taong nag-iinom.
"Den!" Tawag sakin ni Kevin sabay abot ng mic.
Nakuha ko naman ang nais niyang iparating. Love song na ang tema kaya ako na ang tinawag ni Kevin.
How can I explain
The sorrow and my pain
I believe that you and I should be
Together once againEvery night I pray
That you'll come back to me
But the tears keep fallin down my face
When you're not aroundTakte! Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko naman siya iniisip pero bakit siya ang napipicture ng isipan ko!?
But now you're gone...
Gone away...
All I do is wait for you
Each and everydayPinikit ko ang aking dalawang mata. Ayokong may makahalata sa nararamdaman ko. Ayokong may makaalam.
Many sleepless nights
I've waited by the phone
I'm wondering where you are tonight
If you're all aloneIf I had another chance
I'd never let you go
My hearts been broken in two
And its all because of you.Narinig kong may mga pumalakpak na mga tao matapos kong kumanta. Nagpatuloy sa pagsipra ng instrumento sila Kevin at kinakanta ko ang bawat tinutugtog nila.
"Den - ako muna. May nagrequest lang na kanta sakin" singit ni Adriane. Kapareho kong bokalista ng banda.
Naupo muna ako sa table na malapit sa stage habang pinapanuod ko si Adriane.
Nagsimula ng kumanta si Adriane.
Harana ang kinakanta niya. Ayos maipapahinga ko ng kaunti ang boses ko. 11:30 palang eh. Hanggang mamaya pa kaming 3am dito."Diba may pasok ka pa bukas?" Biglang tanong sakin ni Kuya Bong na bagong dating.
"Okay lang Kuya. 8am pa pasok ko. Saka wala rin naman akong ginagawa sa bahay" ngiting sagot ko sa kanya.
Tinawag ni Kuya yung waiter at nagpakuha ng alak.
"Oh ayan - para hindi ka maboring. Kapag may kailangan ka tawagin mo lang yung waiter" sabi niya bago tumayo at naglakad paalis.
"Nga pala Den, pagkatapos ng set mo sa pagkanta - labas ka agad. Kanina pa may nag-aantay sayo dun eh" pahabol ni Kuya Bong sa kanyang sinasabi.
Author: Tara shot! Pampaantok.
Tenks sa votes and comments.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb