Are you okay? I'm here.

6.1K 218 9
                                    

Tell me how two people find each other.

Mark James PoV

Eto na ako ngayon sa gitna.

Napakarami kong naisulat kanina sa papel na hawak pero nung narinig kong nagsalita si Den sa gitna ay parang nabalewala lahat ng sinulat ko. Hindi ko maintindihan pero kusang kumilos ang kamay ko at itinago ko ang papel sa bulsa ko.

"Hi! I'm Mark James o mas kilalang MJ..." Nakangiting pagsisimula ko.

"Ako yung tipo ng tao na ginagawa ko ang bagay na makakapagpasaya sakin. Naniniwala kasi ako sa kasabihan na if its not your choice to be happy - hindi ka talaga magiging masaya. Kaya ginagawa ko ang mga bagay na alam kong makakapagpasaya sakin..." Mahabang dugtong ko.

"May isang tao akong nakilala o sabihin nating hindi ko inaasahan na magugustuhan ko pala. Wala eh. Marupok kasi ang puso ko. Bago palang ako sa ganitong uri ng nararamdaman kaya nung una ang tanging alam ko lang gawin ay ang agawin ang atensyon niya at magpasikat sa kanya..." Ngiting pagpapatuloy ko. Pumapasok kasi sa isip ko si Den habang nagsasalita ako dito sa gitna.

"Pero nag-iba lahat yun nung nalaman ko kung ano ba ang nararamdaman niya... Lingid pala sa kaalaman ko ay sobrang pasakit na pala ang dinadala niya..." Bahagya akong tumigil at huminga ng malalim.

"Kaya naisip ko... Mas kailangan niya ngayon ng taong masasandalan at makakapagpasaya sa kanya... Naalala ko pa nga nung tinanong ko siya kung masaya siya, ang sagot niya sakin 'okay lang ako'... Diba ang layo?"

Wala na akong ibang naiisip kundi ang kalagayan ni Den sa mga sandaling ito.

"Kaya, ayoko na muna isipin ang pansarili kong ikakasaya. Ang gusto ko ay mapasaya yung taong yun hanggang sa malutas at mawala na ang mga iniisip niya..." Pagtatapos ko.

Hindi ko na masyadong pinahaba pa ang sinabi ko. Hindi ko na nga naipakilala ng maayos ang sarili ko at naipaliwanag ang nararamdaman ko eh. Parang sinabi ko lang ang gusto kong gawin.

Pero ayos to ah. Nakakagaan nga talaga ng pakiramdam kapag nasasabi mo talaga ang gusto mong sabihin. Lalo tuloy ako nagkainteres sa retreat na ito.

Bumalik na ako sa pagkakaupo ko.
Nagpatuloy si Sir Menard ng pagtawag ng pangalan hanggang sa abutin na kami ng 7pm.

"Good job. Dinner muna tayo bago tayo mag-procede sa next activity natin" nakangiting sabi ni Sir nung matapos ng magsalita ang lahat sa unahan.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa dining hall.

Paano ko nga pala ipapaliwanag kay Den ang lahat? Sigurado ako alam na niya na ako yung nakakatext niya kasi inamin ko na iyon sa gitna kanina. Sigurado ako magagalit siya sakin.

"MJ...."

Mabilis kong nilingon yun.
Takte! Si Den.

"Ahh... Den..." Sagot ko sa kanya nung mapatigil kaming sabay sa paglalakad.

"Huwag ka mag-alala.. Hindi ako galit... Alam ko naman sa simula palang na ikaw yung katext ko" nakangiting sabi niya sakin.

Hala! Paano niya nalaman?

"Paano mo nalaman?" Takang tanong ko.

"Masyado kasing obvious. Kahit naman na may mga iniisip ako ay alam ko parin ang mga nangyayari sa paligid ko" sagot niya sakin.

"Oh tara na Jaime! Nagugutom narin ako"

Jaime? As in Hayme talaga ang tinawag niya sakin. Unang beses na may tumawag sakin ng pangalan na ganoon ah!

Katulad ng set up kanina sabay sabay parin kaming kumain. Hindi na sila pumayag na si Sheryl ang maglead ng prayer dahil baka gawin nanaman daw itong prayer meeting. May pahawak hawak pa nga sa kamay na nalalaman si Sheryl eh. Abnormal talaga!

Matapos namin kumain ay mabilis na kaming bumalik sa hall.

Pagbalik namin ay may isang malaking screen na nakaset up at may projector sa unahan.

"Okay. So, now were going to watch a movie. Wala kayong ibang gagawin kundi ang panuorin at damahin ang story ng movie" paliwanag uli ni Sir Menard.

Katabi ko ngayon si Den.
Mukhang medyo okay na uli siya kumpara kanina. Baka medyo gumaan na ang pakiramdam niya matapos niyang sabihin lahat kanina.

Wala akong narinig na nagtanong sa kanya tungkol sa mga sinabi niya. Ganoon siguro talaga ang kurso nila. Nalalaman agad nila base sa mga kinikilos ng mga taong nasa paligid nila.

Nagsimula na ang movie. A dogs tale. Hachiko ang pamagat. Naririnig ko na dati itong movie na ito pero hindi ko pa ito napapanuod.

Walang ibang maririnig na ingay bukod sa tunog na nanggagaling sa speaker. Lahat seryoso sa panunuod at nakatuon ang atensyon sa malaking screen na nasa harapan namin.

Hanggang sa dumating sa climax part ng story. Nagsimula ko ng marinig ang mga hikbi at pag-iyak ng mga kasama ko. Pati itong katabi kong si Den ay wala narin humpay sa pag-iyak.

Nung matapos ang pinapanuod namin ay biglang bumukas ang ilaw.

Halos lahat ng mata ng mga kasama kong manuod at namamaga. Galing lahat sa pag-iyak.

"Hindi ko na kailangan ipaliwanag sanyo ang tungkol sa movie. Alam kong naintindihan ninyo ang nilalaman ng pinanuod niyong movie" sabi ni Sir Menard mula sa harapan.

"Loyalty...." Narinig kong sabi ni Sheryl habang patuloy na nagpupunas ng luha.

Tiningnan ko rin ang mga kaklase kong babae. Iyak parin ng iyak.

Ako? Hindi. Hindi ko kasi masyadong naintindihan yung movie. Nakatingin kasi ako kay Den at nag-iisip ng mga pwede kong gawin para mapasaya ko siya.

"Midnight na. Magpahinga na kayo. Call time natin bukas ng umaga ay 8am dito ulit sa hall. Goodnight!" Huling sabi samin ni Sir Menard bago tuluyang lumabas ng hall.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Mabilis lumipas ang magdamag. Pero pakiramdam ko yung katabi ko ay hindi natulog. Ramdam ko kasi na gising pa siya kasi maya't maya miyang pinapailaw yung cellphone niya sa ilalim ng kama.

"Oh gusto niyo ako ulit ang mag-lead ng prayer?" Pagboboluntaryo ni Sheryl.

"Ayu Te wag na! Ako nalang!" Sagot naman ni Diane na classmate ko. Sumama na kasi ang ibang classmates ko samin.

Matapos maglead ng prayer si Diane ay nagsimula na ulit kaming kumain ng almusal. Masaya naman lahat at kanya kanyang kwentuhan.

"Den!? Den where are you!?" Biglang narinig ko sa medyo malakas na pagtawag.

Sabay sabay kaming lahat napalingon sa lalaking paparating at naglalakad papasok dito sa dining hall.

Dahan dahang tumayo si Den at bakas sa mata ang labis na pagtataka.

Mabilis na nakalapit kay Den ang lalaking naghahanap kay Den at mas kinilaki pa ng mata ko nung bigla nalang nitong niyapos si Den.

"Are you okay? I'm here...." Narinig kong sabi nunh lalaking nakayapos kay Den.

Author: Gusto ko mag-inooooooom!

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon