Yes Madaam! Goodnight!

8.5K 287 11
                                    

Moment of Truth.

Chriden PoV

Paikot-ikot ako sa higaan ko. Kahit na ano atang posisyon ang gawin ko ay hindi talaga ako makatulog.

Hindi kasi mawala sa isipan ko ang pag-alis ni Francisco bukas. Syempre naman. Malaking kawalan sakin yun. Nasanay na akong palagi siyang kasama at palagi siyang nandiyan para sakin. Tapos biglaan naman ang pag-alis niya.

Wala rin naman akong magagawa eh. Una, para sa kanya rin yun. Dadating din kasi ang araw na siya na talaga ang magmamanage ng company nila. Pangalawa, yun ang gusto ng mga magulang niya. Kahit gusto ko siyang pigilan ay wala akong ibang pwedeng gawin kundi ang suportahan siya. Ayoko naman maging selfish at ang iisipin ko lang ay ang para sa kaligayahan ko.

Sabagay, kahit anong oras naman ay pwede namin makita ang isa't isa o makausap ang isa't isa. May facebook naman kami at may cellphone. Madali lang. Pero iba parin yung magkasama diba? Haaaay... Nalulungkot talaga ako pero kailangan ko magpakatatag. Ang dami ng pinagdaanan namin tapos papaapekto ako sa ganitong sitwasyon lang.

"Nei..." Mahinang tawag niya sakin at hinawakan ang kamay ko.

Nandito na kasi kami sa airport ngayon at nag-aantay nalang ng kaunting minuto para magbukas ang boarding gate ng plane na sasakyan niya.

"Sigurado ka bang wala kang nakalimutan?" Mabilis na sagot ko sa kanya. Ayoko kasi ipahalata sa kanya na nalulungkot ako baka kung ano pa maisipan gawin nito eh. Alam niyo na.

"Okay na Nei. Wala na akong nakalimutan..." Mahinahong sagot niya.

"Mag-aaral kang mabuti ha! Huwag puro gala. Medyo matagal tagal din tayong di magkikita kaya ingatan mo ang sarili mo." Sabi niya sakin.

Hindi ko na napigilan ang mga luha sa mata ko. Nagdaloy na ito.

"Mag-iingat ka dun ha... Tawagan mo ako palagi kapag hindi ka busy... Kahit anong oras.. Kahit madaling araw pa dito aantayin ko palagi ang tawag mo..." Sabi ko sa kanya habang pinilipit kong pigilan pa ang mga luha ko.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at siniil ako ng halik. Banayad. Malumanay.

Niyapos ko siya ng mahigpit na mahigpit. Kahit alam kong pinagtitinginan na kami ng mga taong dumadaan ay wala akong pakialam. Ang tanging nasa isipan ko lang ay kailangan sulitin ko ang sandaling ito dahil napakatagal pa bago ko ulit mayakap ang taong mahal ko.

"Oh paano? Check in na ako... Mag-iingat kayo ha..." Nakangiting paalam ni Francisco habang nakapila sa check in area.

Inantay ko talaga muna siyang makapag-check in at makapasok sa immigration bago ako tuluyang tumalikod.

Tangina. Ang sakit sakit pala. Akala ko kaunting sakit lang mararamdaman ko dahil hindi naman kami maghihiwalay. Mawawalay lang siya ng medyo matagal na panahon.

Muli akong lumingon sa pinasukan niya at nakita ko siyang kumakaway habang hawak ang passport niya.

Mag-iingat ka Nei... Sana mahal mo parin ako pagbalik mo....

"Tara na Den..." Yaya sakin ni Luis pabalik sa sasakyan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Kuya! Kuya!" Tawag sakin ng kapatid ko.

"Kuya oh! Ang dami kong stars!" Pagmamalaki ni Chrien sa notebook niya. Second day na kasi ng school ni Chrien. Pinagmamalaki niyang maigi yung magandang pagkakakulay niya sa dinikit na drawing pattern sa notebook niya.

"Ang galing naman ni bunso! At dahil diyan kapag walang lakad si Kuya sa Sabado gagala tayo!" Masayang sabi ko sa kanya.

"Yeheeeey! Promise yan kuya ha!"
"Promise!"
"Promise din Kuya bukas may stars ulit ako!"

"Kayong ngang dalawang magkapatid ay matulog na. May mga pasok pa kayo bukas" sita samin ni Mama.

"Oh sige na bunso. Pasok na ako sa kwarto. Ikaw matulog na ha!? Huwag na makulit kay Mama" bilin ko kay Chrien.

"Opo Kuya!"

Kaya eto na ako sa kwarto ko. Nakahiga habang paulit ulit kong tinitingnan ang mga pictures namin ni Francisco.

Tangna. Nakakamiss agad si Francisco. Ganitong oras kasi magkatext o magkausap kami o di kaya ay magkasama pa kami.

Sana tawagan niya agad ako pagkadating niya sa Japan.

Habang paulit ulit kong tinitingnan ang mga pictures ay biglang tumunog ang cellphone ko. Text.

+639169646***
Hi! 😚

Teka? Sino kaya yun? Konti palang naman nakakaalam ng number ko ah. Si Sheryl, Francisco at ibang mga classmates ko.

??? - yan ang reply ko sa kanya. Hindi ko kasi siya kilala eh.

Mark James nga po pala pangalan ko. Ikaw si Chriden diba?

Reply niya sa text kong ???. Aba kilala ako ah! Teka, wala akong kilalang Mark James.

Sino pong Mark James? Wala po kasi akong kilalang Mark James. -Ako.

Kaya nga po ako nagpapakilala eh. :) Pwede ba tayong maging magkaibigan? - Mark James.

At dahil sa sobrang kalungkutan ko ay nakipagpalitan ako ng text sa kanya. Wala naman masama don diba? Textmate lang naman at isa pa mukhang mabait naman siya base sa kanyang pagtetext.

Nalaman ko na sa iisa pala kaming school nag-aaral. Third Year na siya at Computer Science ang kanyang kurso. Hindi nga siya nauubusan ng kwento eh. Feeling close agad.

Paano yan Mark James. Pahinga na ako. Regular class na kasi bukas kaya hindi dapat ako ma-late. Tulog ka na rin ha.. -Ako

Yes Madaam! Goodnight po! 😍 -Mark James.

Hindi ko na nireplyan yung huling text niya. Baka kasi magreply pa siya ng magreply eh. Almost 12 na kaya kailangan ko na matulog.

Muling tumunog ulit ang cellphone ko.

First time I saw you
I ask for your name
From a common friend
Information I have gain.

Woooh! LoveAtFirstSight! Sh*t!

Goodnight guys!
Bawal late bukas ah!

Group message galing kay Mark James. Lakas makapabebe nito ah!

Ni-set ko na ang alarm clock ng cellphone ko at pinatong ko ito sa mini table ng kwarto ko.

Kinuha ko ang malaking teddy bear na binigay sakin ni Francisco at niyakap ko ito ng napakahigpit.

Mahal na mahal kita Francisco...

Author: Follow niyo po ako sa fb ko :) Maraming salamat po! :)

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon