CHAPTER 1: THE MEMORIES
REXEL'S POV
4 taon na ang nakakaraan pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Naging masaya ako mula nung dumating ka sa buhay ko at mas nagging masaya pa ako nung minahal mo yung isang katulad ko. Pero hindi ko inakalang ganung kaikling panahon lang pala tayo magkakasama. Kung alam ko lang eh di sana sinulit ko na. Kung alam ko lang, sana sinabi ko na sayo yung mga bagay na gustong gusto kong paulit ulit na sabihin sayo. Ang salitang "Mahal na mahal kita".
Ang hirap mabuhay sa ala ala nang taong matagal nang wala. Gustuhin ko mang makalimot hindi ko magawa, gustuhin ko mang mag move on at bumalik sa dati pero yung puso ko ayaw syang makalimutan, ayaw pakawalan yung mga ala ala nya. Ganun talaga siguro kahit gustuhin nang utak kapag ayaw nang puso wala kang magagawa.
Today is her 4th Death Anniversary andito kami ngayon sa Empire Place. Kanina dumaan kami sa puntod nya para magdala nang mga bulaklak magpapaiwan sana ako kaso hindi pumayag si Third. After nun dumiretcho kami sa Eryl's Cafe andun si Jam at Natalie tapos si Brent at Ericka.
Maagang umalis si Brent at Ericka kanina dahil sa preparation ng kasal nila. Siguro kung andito sya malamang nauna pa kaming magpakasal sa kanila. Malamang may mga anak na din kami ngayon at sobrang saya ng pamilya namin. Kung bakit kasi nangyari pa yun.
Kung bakit kasi kinuha pa sya sa amin, sa akin.Sana kahit nagkaron nalang sya nang kapansanan ok lang mamahalin ko pa din sya, wag lang yung ganito. Kung pwede ko lang talaga pahintuin yung oras kahit isang segundo, kung pwede ko lang talaga ibalik yung oras, hinding hindi ko gugustuhing mapunta sya sa sitwasyon na yon.
Ako nga pala si Rexel Jacob Ayala. 24 years old. Certified broken hearted. Iniwan kasi ako nang kaisa isang babaeng minahal ko. Si Eryl. Akala ko talaga perfect love story na kami.Yung pala Almost a Love Story lang
Akala ko may Happy Ending na. Pero kagaya nga ng lagging sinasabi nila Ending lang walang Happy. Eto na nga siguro yung ending ng buhay ko. Hindi na siguro ako magiging masaya.
Flashback
4 years ago na simula nung una kaming magkakilala ni Eryl. Para coincidence lang yung lahat. Sila pa ni Jam nung mga panahon na yun. Kaso at first laro lang kay Jam lahat hanggang sa nung break sila nalaman ni Jam kung gaano nya pala kamahal si Eryl. Kaso it's too late dahil mahal ko na rin si Eryl at gagawin ko yung lahat para mahalin din nya ako.
Halos makipagpatayan ako kay Jam para lang wag nyang maagaw ulit sa akin si Eryl. Nag suntukan, nag away, nag murahan hanggang sa nauwi sa battle of the band. Akala ko nga masisira na yung barkada namin dahil doon. Akala ko mabubuwag ang EMPIRE KINGS ng ANDREW'S ACADEMY ng dahil sa isang ERYL MHAE MADRIGAL. Mabuti nalang talaga at mas mahalaga sa amin yung pagkakaibigian kaya naging ayos yung lahat.
Pero akala ko lang pala ayos.
Mag 1 years anniversary na kami ng magkayayaan kaming mag bakasyon sa rest house nila Ivan sa Batanggas. Malapit lang naman sana kung tutuusin. Kaso kahit pala gaano kalapit yung lugar na pupuntahan nyo hindi pa rin maiiwasan yung disgracia.
Habang pauwi nabangga yung sinasakyan naming kotse ng isang truck. Sa kaliwa galing yung truck kaya nakay Eryl yung impact.
5 days after nang aksidente na ako ng magising. Akala ko ok din sya pero hindi pala.
Pag labas ko ng ospital akala ko isang masayang Eryl yung makikita ko. Akala ko excited syang makitang ok ako. Yung pala ang hindi ko alam paglabas ko ng ospital burol nya yung daratnan ko.
Halos ikamatay ko yung sobrang sakit. Halos gusto kong sumamang ilibing sa kanya. Ano pang silbi ng pagkabuhay ko kung yung taong pinaka mamahal ko wala na. Kinuha na ta kahit kalian hindi na babalik pa.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
Lãng mạnLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...