NATALIE's POV
Hapon na nang dumating kami sa resort nila Ivan.
Weekdays kasi kaya medyo natraffic kami.
Pagdating namin agad kami sinalubong nang katiwala nila. Sya rin yung katiwala nung huling punta namin.
"Welcome back po Señorito Ivan, sa inyo din po." Bati nang katiwala nila.
"Salamat po!" sagot ni Ivan.
Agad kaming pumasok sa loob nang bahay habang yung mga staff kinuha yung mga gamit namin.
Pagpasok namin halos wala pa ring pinagbago yung lugar.
Kung paano ito 3 years ago ganun pa rin ngayon.
"Oh Guys dating gawi ha! Kung sino yung kasama nyo sa kwarto noon ganun pa din ngayon!" sabi ni Ivan.
"WHAAT? Bakit?" agad na reklamo nang magaling kong asawa.
"Anong What? " –Ivan.
"Mag-asawa na kami ni Nat kaya sa iisang kwarto kami matutulog." Sabi ni Jam.
"Oo nga! Kami naman ni Ericka ikakasal na kaya dapat sa isang kwarto nalang kami matutulog." Gatong naman ni Brent.
"Ang dami nyong reklamo. Si Jam at si Nat pwede sa iisang kwarto, pero kayo ni Ericka hindi! Hindi pa kayo kasal kaya technically hindi pa kayo pwede sa isang kwarto." Sagot ni Ivan.
Well my point naman sya. Alam ko loko-loko si Ivan pag dating sa babae. Pero pag dating sa mga kaibigan nyang babae napaka over protective nya.
"Wow tol! Ikaw ba yan? Sayo pa talaga nanggaling yan ha!" singit ni Brix.
Nagtawanan nalang kami.
Sa huli si Ivan pa rin yung nasunod. Bale tig-dadalawa kami sa isang kwarto.
Si Jam at Ako.
Si Third at Rex
Si Ivan, Brent at Brix.
Tapos is Ericka at Kamylle.
"Guys 15 minutes bihis na kayo tapos kakain na tayo." –Ivan.
Hindi kagaya nang dati, andito yung mga kasambahay nila kaya may nagluto nang hapunan.
Pagpasok pa lang namin sa kwarto humiga agad si Jam.
"Haaaaaayyyyyyyyyy pagod!" sabi nya.
Sya lang kasi yung nagmaneho mula sa Manila hanggang dito. Hindi na sya nagpapalit kay Third.
"Pahinga ka na muna Hon." Sabi ko.
Pero pahiga palang sya nang biglang may kumatok sa pinto.
"Oi kayong dalawa dyan, mamaya na kayo mag loving loving kakain na!" sa sigaw nya palang walang duda si Ivan to.
"SUSUNOD NA!" ganting sigaw ni Jam.
"Napansin mo ba yung ikinikilos ni Ivan?" tanong ko kay Jam.
"Alin yung hindi nya pag sasalita?" –Jam.
"Oo! Sa ingay nang lalaking yan napaka bihirang hindi sya magsalita. Ano kayang problema?" sagot ko.
"Hindi ko rin alam eh. Pagdating nya kanina ganyan na yan." –Jam.
"Kahapon naman okay pa sya. Saan ba sya gnagpunat kahapon?" tanong ko.
Narinig ko kasi silang nag uusap kahapon nang umaga.
"Hindi ko alam. Ang sabi nya may iniutos daw sa kanya yung Mommy nya. Baka dahil dun. Alam mo naman yan, ayaw nang inuutusan tungkol sa negosyo nila." -Jam
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...