ERICKA'S POV
Ang bilis nang araw. Akalain mo yun parang kararating lang namin, tapos ngayon huling araw na.
Uuwi na kami bukas.
Ibig sabihin huling araw ko na tong makakasama sila.
Huling araw ko nang makakakulitan si Jam at Third.
Huling araw ko nang maasar si Ivan at Brix.
Huling beses ko nang makikita yung supladong mukha ni Rex.
Huling beses ko nang makakakwentuhan si Nat at Kam.
At higit sa lahat, eto na yung huling beses mayayakap at mahahalikan si Brent.
Masakit man sa akin kailangan ko talagang gawin to. Kailangan kong sumugal dahil eto na lang yung natitirang pag asang meron ako.
Bukas pag uwi namin didiretcho na akong airport para umuwi nang States.
Nauna na doon si Kuya Erick at Enrico. Si Ate Monick ang sasabay sa akin pauwi.
Habang pinag mamasdan kong silang nag kukulitan, hindi ko mapigilang hindi malungkot.
Sa ilang taon naming magkakasama, nasanay na akong parati silang andyan.
Parte na sila nang sistema at buhay ko.
Kaya sa paglayo ko alam ko maraming magbabago.
Marami akong mamimiss.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Kam.
"Oo naman. Bakit naman hindi?" –Ako
Hindi sya agad sumagot.
"Ang saya nilang tingnan noh?" sabi ko habang nakatingin sa labas.
Kasalukuyang naghahabulan sila Ivan at Brix habang tawa naman nang tawa si Brent.
Umuulan pa rin kaya hindi namin marinig kung anong pinatatawanan nila.
"Narinig kasi kitang umiiyak nung isang gabi. Baka lang kasi may problema ka na gusto mo pag usapan." Biglang sabi ni Kam.
Narinig nya pala kong umiiyak.
Naguguilty lang kasi ako nun.
Akala kasi ni Brent okay na yung lahat. Okay na kami.
Ang hindi nya alam iiwanan ko sya.
"Ahhh yun ba? Wala yun. Wag mo intindihin yun. Okay lang ako." –Ako
"Ganun ba? Basta pag may problema andito lang ako."-Kam.
Tumitig ako sa kanya. Biglang may pumasok sa isip ko.
"Kam pwedeng favor?" –Ako
"Sure...ano yun?" –Kam
"Pwedeng kapag wala ako bantayan mo si Brent." Sabi ko sabay hawak sa kamay nya.
Halata sa mukha nya ang gulat. Hindi nya inaasahan yung sinabi ko.
"Ha? Bakit ka naman mawawala? Saan ka pupunta?" tanong nya.
"Wala naman. Kung sakali lang na may kailangan akong puntahan." Sagot ko.
"Ahhh ganun ba? Hindi mo naman kailangan pabantayan yan si Brent. Mukha namang hindi sya chickboy at mas lalong hinding hindi ka nya ipagpapalit sa kahit kaninong babae." –Kam
"Alam ko naman yun. Pero gusto ko pa ring may titingin sa kanya. Nakakahiya kasi kay Nat lalo na't buntis sya."-Ako
"Teka! Aalis ka ba? Bakit mukhang nagpapaalam ka?" –Kam
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
Любовные романыLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...