CHAPTER 28: STARTING A NEW LOVE

1.3K 35 0
                                    

JAM'S POV

Habang nag iisland hoping sila, naiwan naman kami ni Natalie dito sa resort.

Gusto nya sana sumama kanina kaso nag aalala ako sa lagay nila nang baby namin. Baka kasi sobra syang mapagod at kung mapano pa sila.

"Hon napansin ko lang bakit parang pinaglalapit mo si Rex at Kam?" tanong ko sa kanya.

Napansin ko kasi na simula nung nakilala namin si Kamylle, parati nyang pinag lalapit yung dalawa.

"Bakit? May masama ba Hon? Tsaka wala ka bang napapansin kay Rex kapag kasama nya si Kam." Sabi nang magaling kong asawa.

"Wala naman. Ganun pa rin naman sya ah! Cold!" sagot ko.

"Owwwsss? Hindi mo sya napapansing ngumingiti kapag kasama si Kamylle? Tingnan mo kanina. Di ba napangiti sya ni Kamylle." –Natalie.

Sabagay Oo nga. Nitong mga nakaraang araw madalas ko syang masulyapan na nakangiti. At kay Kamylle lang sya ganun simula nung nawala si Eryl.

"Alam mo hon, may feeling ako na si Kamylle na yung matagal na nating hinihintay. Mukhang sya na yung makakapag pasaya ulit kay Rex." Sabi ni Nat habang naka upo sa sofa.

May binabasa syang magazine at tutuk na tutuk yung mata nya dun dahi,l hindi man sya lumilingon sa akin.

"At kelan ka pa naging si Kupido? Alam mo Hon kung ayaw tulungan ni Rex yung sarili nya hindi sya makaka move on kahit na sino pang iharap natin sa kanya." –Ako

"Oo nga Hon. Pero alam mo naman kung minsan may mga tao talagang kailangang itulak para maka move on. At isa si Rex sa mga taong yun. Makikita mo, hindi matatapos tong taon na to babalik na yung dating Rex." Sabi nya na nakatingin pa rin sa magazine.

"Teka! Ano ba yang binabasa mo at hindi ka matinag tinag dyan?" tanong ko sabay silip sa binabasa nya.

Isang pamilyar na mukha yung nakita ko.

Si Martin Madrigal.

"Tingan mo oh! Feature si Martin sa magazine na to bilang Most Eligible Batchelor in the Metro" sabi nya sabay pakita nung magazine na may mukha ni Martin.

Ngumuso ako.

Ewan ko ba pero hanggang ngayon may nararamdaman pa rin akong selos sa lalaking yun.

Masyado kasi silang close ni Natalie.

Madalas pa silang magkasama dati sa mga business trip at higit sa lahat dumagdag pa dun yung sinabi ni Earl dati sakin.

"... make sure na hindi mo sya sasaktan or else isang Madrigal na naman ang makakalaban mo''

Sino pa bang Madrigal ang tinutukoy nya eh tatlo lang naman sila nung mga panahon na yun.

Sigurado akong si Martin yung tinutukoy nya.

"Oi bakit ganyan yang nguso mo? Mas mahaba pa sa nguso nang biik." Puna ni Natalie.

"Wala! Bakit ba aliw na aliw ka dyan kay Martin? Mamaya sya pa paglihian mo sa baby natin." –Ako

"Oh ano naman ngayon kung mapaglihian ko sya? Gwapo naman si Martin ah! Nagtataka nga ako kung bakit wala pa ring aswa o girlfriend to eh. Sabagay pareho lang naman sila ni Earl." –Nat.

"Bakit ba pati lovelife nang mga yun pinapakialaman mo? Pakialam mo bas a lovelife nung magkapatid na yun?" –Ako.

"Haay naku James Adam Samonte ilang buwan na lang at manganganak na ako pero hanggang ngayon napaka seloso mo rin," sabi nya.

Tiniklop nya yung magazine tsaka lumapit sa akin.

"Alam mo Hon, thankful lang ako kay Martin. Kasi dib a kung hindi dahil sa kanya malamang hindi tayo magkasama ngayon. Malamang sa malamang hindi na talaga tayo nagkita ulit." Sabi nya sabay yakap sa likod.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon