Earl's Pov
Dahil sa sobrang pagod ko kagabi hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
Hindi ko na rin naabutan yung pag dating ni Kuya Martin.
Gusto ko pa naman sana syang kausapin tungkol sa pag balik nya sa London.
Alam ko marami na syang nakatambak na gawain at hindi na yun matapos dahil andito sya.
Kahit pa sabihing may pinagkakatiwalaan sya doon, I know him. Super hands on sya sa trabaho at hindi nya lahat ipagkakatiwala sa iba yun.
Pagbaba ko para mag almusal sakto baka upo na sya sa mesa.
"Goodmorning Kuya" bati ko sa kanya.
Ibinaba naman nya yung binabasa nyang dyaryo saka tumingin sakin.
"Good morning..maupo ka..kanina pa kita hinihintay gumising"sabi nya sabay higop ng kape.
Umupo ako sa tabi nya.
Napansin kong may kulay blue na folder sa tabi nya.
Malamang pupunta to sa opisina nya.
"Bakit Kuya? Anong problema?"tanong ko.
"Akala ko ba chineck mo yung files ng construction company na gagawa ng bagong building." Sabi ni Kuya habang nagpapalaman ng bacon sa tinapay.
"Oo...chineck ko muna.bakit? May problema ba?" Sagot ko habang tumutusok ng hotdog.
"Kung chineck mo bakit hindi mo nakita to?" Tanong nya sabay abot sakin ng folder.
Kinuha ko yung folder at binuklat.
Binasa ko at muntik muntikan na akong mabulunan ng marealize ko kung anong naka lagay.
Nanlalaki yung mata kong tumingin sa kanya.
Hindi ako makapag salita dahil puno ng hotdog yung bibig ko.
"Yes...si Kamylle na kinaiinisan mo..anak sya ng may ari ng construction firm na pinili mo. Mendoza Contrustion."-Martin
Pilit kong nilunok yung hotdog. Ni hindi ko na nagawang nguyain dahil sa pagkabigla.
"Shit...hindi ko alam.... Paano nangyari to?"-Ako
"It could be have been a conincidence. Pwede ring sinadya. We don't know."-Martin.
Biglang nag init yung ulo ko.
Paanong nakalusot sakin to?
"Cancel the contract. Hindi ako papayag na magkaroon tayo ng kuneksyon sa pamilyang yun. Hindi pwede Kuya...hindi pwedeng mangyari yun."nanggigil kong sabi.
"Alam mong hindi ganun kadaling gawin yan. Nakapirma na sila ng kotrata. Hindi na natin pwedeng bawiin yun. Pwede nila tayong kasuhan. Masisira yung reputasyon ng kumpanya natin." paliwanag ni Kuya Martin.
"I'll pay the cancellation fee. Kahit ilang milyon yan o kahit bilyon pa yan babayaran ko. Wag lang magkaroon ng kuneksyon sa pamilya natin ang pamilya ng babaeng yan."-Ako
"Alam mong hindi lang pera ang pinag uusapan natin dito Earl. Kung pera lang walang problema sakin yun. Ang problema natin yung magiging tingin ng ibang kumpanya sa atin. Sasabihin nilang walang isang salita ang kumpanya natin at basta basta nalang nag cacancel ng kontrata. Masisira yung pangalang ilang taon kong pinaghirapan i-build up." -Martin.
"Please Kuya..I'm begging you. Just this one. Please Kuya." -Ako
"I don't know Earl. Hindi ko maipapangako sayo. But I'll do my best. Mag seset up ako ng emergency meetinf and I will let you know kung anong magiging outcome." Sabi ni Kuya.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...