Kamylle's POV
Halos patapos na yung last subject pero wala pa rin yung prof namin kaya pa easy easy lang kami sa room.
Sabagay wala na rin namang masyadong gagawin kasi ilang buwan nalang graduation na.
Kasalukuyan akong nakatingin sa bintana habang pinagmamasdan yung mga estudyanteng labas pasok sa campus namin. Nakakatuwang isipin na makalipas ang halos anim na taon andito pa rin ako. Akala ko talaga hindi ko na mararanasang grumaduate dahil sa sakit ko. Mabuti nalang at mahal pa rin ako ng Dyos at hinayaan nya akong maranasan tong mga to.
"Oi Kam.. Okay ka lang ba? Tulala kana naman dyan habang nakatingi. Nalipasan kana naman ng gutom to?" tanong sakin ni Bea.
Sa lakas ng boses nya pati yung ibang classmate namin napatingin na rin sakin.
"Hindi noh.. May iniisip lang ako." sagot ko.
"Sino namang iniisip mo Kamylle? si Harry yan noh?" tanong ni Shira.
"Ano ba kayo! Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na magkaibigan lang kami ni Harry." sagot ko.
Simula kasi nung makita nilang madalas kaming magkasama ni Harry inakala nilang may namamagitan sa amin.
Speaking of Harry wala na nga pala sya dito ngayon. Ilang buwan after ko malaman yung totoo, bumalik na sya sa tunay nyang edad at mundo. Pinalabas nalang sa school na nag shift sya ng course at lumipat ng ibang school.
Tuloy pa rin yung asaran nila pero hindi ko na sila pinansin. Itinuon ko na ulit yung atensyon ko sa labas. Maya maya may isang magarang kotse ang pumasok sa loob ng campus namin. Hindi ako pwedeng magkamali. Kilala ko kung kaninong kotse yun.
Agad akong tumayo at patakbong lumabas. Ano na naman kaya yung ginagawa ng lalaking to dito?
Pag dating ko sa ground floor saktong nasa hallway sya. Nagkagulatan pa kami nang bigla kaming magkasalubong.
"A...nong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"Wala naman.. May tinitingan lang. Ikaw bat nandito ka? Wala ka bang klase?" tanong nya sakin.
"Ahhh..kwan..Wala kaming last subject. Pupunta sana ako sa cafeteria." pagsisinungaling ko.
Hindi sya sumagot tsaka tumango lang.
"Ahh..sige..una na ako.." sabi ko sabay lakad papuntang cafetia pero ilang hakbang lang pagkalampas ko sa kanya bigla tinawag nya ako ulit.
"Ahh.. Kamylle!" sabi nya.
Lumingon ako tsaka humarap sa kanya.
"Pwede ba tayong mag coffe..kahit saglit lang?" tanong nya.
Saglit akong nag isip. May usapan kasi kami ni Rex na susunduin nya ngayon tapos didiretcho kami sa kanila. Gusto daw kasi akong mameet ng parents nya.
"Uhhhmmm... Sorry may lakad kasi ako eh.." tangi ko.
Halata sa mukha nya yung disappointment. .
"Ahh.. Okay..Sige..Sa susunod na lang." sagot nya sakin sabay talikod. Pero hindi pa sya nakakalayo tinwag ko ulit sya.
"Earl!!!" sigaw ko.
Sya naman ngayon yung lumingon at humarap sakin.
"Sige coffe tayo..Pwede ko naman i cancel yung lakad ko." sabi ko sa kanya habang nakangiti.
Ang totoo nya marami din kasi akong gustong sabihin at itanong sa kanya kaya gusto ko syang maka usap.
"Sure..." sagot nya habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...