NATALIE'S POV
"Saan ba kasi tayo pupunta Nat?" tanong sakin ni Kam. Bigla ko nalang kasi syang dinaan sa kanila tsaka niyaya umalis. Agad naman syang pumayag.
"Basta! Relax ka lang dyan. Malapit na tayo" sagot ko.
Maya maya pa, nakarating na kami sa aming destinasyon. Isa yung private resort sa may Naic Cavite.
"Tara!" yaya ko sa kanya sabay baba ng kotse.
"Resort? Anong ginagawa natin dito? Wala akong dalang gamit, Nat. Sarili ko lang dala ko". Sabi nya.
"Wag ka mag alala. Akong bahala." Sagot ko.
Ang totoo nyan, nasa compartment ng kotse ko yung mga gamit nya. Kakumtsaba ko kasi yung mga kuya nya.
"Halika na. Kanina pa nila tayo hinihintay." Sabi ko sabaya hila sa kamay nya.
"Oopss! Teka lang. Kailangan muna kitang i-blind fold" sabi ko sabay kuha ng blindfold sa bulsa ko. Isinuot ko yun sa kanya.
"What! Ano to? Last week ginawa din to ni Rex sakin. Kayo talaga! Ang dami nyong gimik." Sabi nya.
"Syempre naman. Once in a lifetime ka lang ikakasal. We have to make it special." Sagot ko.
Kami ni Ericka yung nag rent ng buong resort na to. Dito kasi naming naisipang ganapin yung Bridal Party nya.
Pagpasok namin sa room, agad kong sinenyasan si Ericka na wag mag ingay. Tumango naman sya.
"Okey! Ready..1..2..3.."
"SURPRISE!!!!" sabay sabay naming sigaw pag tanggal nya ng blindfold.
"Congratulation! Mrs. Rexel Jacob Ayala to be" sabay sabay naming bati sa kanya.
"OMG!!! Thank you guys!! Ang ganda!" sagot nya habang iginagala yung tingin sa buong room.
Sinigurado naming matutuwa at ma a-appreciate nya yung magiging decoration.
"Guys.. super thank you! Maraming maraming salamat. Napasaya nyo ko!" sabi nya habang umiiyak.
"Ohh.. kaka umpisa palang natin. Wag ka muna umiyak" sabi sa kanya ni Ericka sabay pahid ng luha nya.
Andun din si Bea na best friend nya sa school. Ako, si Ericka, tsaka si Ate Monick. Si Angel wala pa. Speaking of Angel.
"Rick, natawagan mo si Angel?" tanong ko kay Ericka
"Oo. Balikaw na daw sila ng Manila. Natraffic lang." sagot nya.
"Sila? Sino kasama nya?" tanong ni Kam.
Nagkibit balikat nalang kami. Pero malakas yung kutob kong si Brix yung kasama nya. Ilanga raw na din kasing walang paramdam si Brix. Sabi ni Jam may inaasikaso lang daw. Hindi naman nila alam kung ano.
"Sige, let's start na the party! Bride to be upo ka ditto" sabi ni Ericka sabay hila kay Kam paupo sa Bridal Throne. Para yung throne sa games of throne pero imbes na sword, cupid's arrow yung design.
Isa isa naming ibinigay yung mga gifts naming sa kanya. Yung gift ko, isang red nighties na super sexy.
"Magagamit mo to on your first night." Sabi ko sa kanya sabay abot ng paper bag. Pag bukas nya, naghiyawan yung iba. Kitang kita naman yung pag blublush sa mukha nya.
"Ako naman, eto yung gift ko sayo alam kong bagay na bagay sayo to" sabi ni Ericka. Nasa paper bag din yung gift nya.
"Wait lang! parang ayokong buksan" natatawa nyang sabi.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...