Guys... I'm looking for Ayen Ehh...
Kung nababasa mo to gurl.. Pm me.. Thanks...
ERICKA'S POV
Isang araw bago yung death anniversarry ni Eryl lahat kami aligaga na.
Finafinalize yung mga dapat gawin. Sinisiguradong maayos lahat.
Especial tong taon na to sa amin, lalo na sa akin kasi sya yung dahilan kung bakit na dugtungan na naman yung buhay ko.
Kaya ano ba naman yung isang araw na magpaka busy kami para sa kanya.
Halos lahat okay na. Yung venue, yung food, yung mass, yung mga mag peperform at higit sa lahat yung mga bisita.
Isa na lang ang kulang. Si Rexel na hindi pa rin namin mahagilap kung nasaan.
"Ano nagparamdam na ba si Rex?" tanong ni Jam.
Nagdito kami sa bar ni Third. Kahapon pa nya pinasara to para sa maayos.
"Wala pa nga eh. Kanina ko pa tinatawagan di nasagot." sagot ni Brix.
" Ako napipikon na ko dyan kaya Rex ha! Gusto na naman yatang makatikim nyan eh bago mag tino." -Jam
"Bakit na naman ba? Ano na naman bang kasalanan ko?"
Nagulat kaming lahat ng mag salita si Rex sa likod.
"Buhay ka pa pala? Saang lupalop kana naman ba galing at di ka nagpapa ramdam?" tanong ni Nat.
"Dyan lang sa tabi tabi.. Nag muni muni. Nag isip isip." seryoso nyang sagot.
"Nakapag isip ka naman ba?" -Brent
" Ewan lalong gumulo yung isip ko. Bahala na. Tapusin muna natin to para kay Eryl. Saka ko na iisip yung mga bagay bagay na yun." sagot.
"Buti naman at naisip mo yan. Akala ko wala na talagang halaga si Eryl sayo." biglang sabi ni Ivan.
Lahat kami nagulat sa sinabi nya.
Hindi ko alam kung anong meron pero matagal ko nang napapansin na parang hindi okay si Rex at si Ivan. Wala namang pumapansin kaya tahimik nalang di ako.
"Pwede ba namang mangyari yun? Si Eryl pa rin ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Wala nang papalit dun kahit na sino."
Nagkatinginan kami ni Nat. Tingin na may kahulugan.
Ano kayang nangyari? Nag usap na kaya sila ni Kam?
"Tama na nga yang daldalan nyo. Mabuti pa ayusin nyo na yang mga dapat nyong ayusin." awat ni Jam.
Tumahimik naman sila.
"Teka..tayo lang ba? Di ba pupunta si Angel o si Kamylle?" biglang singit ni Brent.
Buti nalang talaga sure akong mahal ako neto kung hindi nag duda na ako.
"Bakit ka kasi hinahanap yun wala? Kung sino yung andito yung ang intindihin." sagot ni Brix.
"Oo nga. Malay nyo may iba silang kasama kaya hindi makapunta." singit ni Rex.
Nagkatinginan ulit kami ni Nat. Mukhang pareho kami ng iniiisip.
Something fishy...
Ano kayang ganap?
"Wow.. Makapag react naman kayo. Masyadong apektado." -Brent.
"Timigil kana nga Babe! Tapusin mo na yang ginagawa mo." saway ko kay Brent.
Nararamdaman ko kasing uumpisahan na naman nyang asarin si Brix kay Angel eh. Hanggang sa magkaka pikunan na naman silang mag pinsan kagaya nung nangyari nung nakaraan.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomantikLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...