CHAPTER 37: RESTORANTE DE AYALA

1K 32 2
                                    

REX'S POV

Ngayon ang araw ng soft opening ng Restorante de Ayala kaya maaga pa lang aligaga na ako.

Nagdadatingan na rin kasi yung mga inimbitahan kong bisita.

Unang dumating ang Mommy at Daddy ko.

"Hi Mom..Dad..thank you for coming" bati ko sa kanila.

"I'm so happy na bunuksan mo ulit tong restaurant mo Hijo. No words can define how happy I am right now" naiiyak na sabi ng Mommy ko habang yakap nya ako.

"Tama na nga yan Love, masyado pang maaga para dramahan mo yang anak natin."awat naman ng Daddy ko.

"Papasok na kami Hijo. Asikasuhin mo na yung ibang bisita mo." sabi ni Daddy habang inaalalayan si Mom papasok.

Sunod na dumating yung mga mokong kong kaibigan.

Sabay-sabay sila...maliban lang sa isa.

Wala si Kam.

"Si Kam daw Rex susunod na lang. Nag papa clerance pa sa ospital. Last day daw kasi ng OJT nya." sabi ni Nat.

"Ahh ganun ba? Sige..sige...bahala na kayo dyan ha.." -Ako

Nagsisidatingan na rin yung mga food blogger na inanyayahan nila Mom.

Katulong ko si Daddy at Mommy na mag asikaso.

May mga kilala pa rin naman ako sa kanila pero karamihan hindi na.

Sa tagal kong nagpahinga sa food industry karamihan sa mga bagong food blogger at food columnist hindi ko na kilala.

Pero ang sumunod na bisita ang hindi ko inaasahan.

Sila Tita Esme..kasama nya si Tito Rio pati na si Martin at Earl.

"Congratulation Hijo... mukhang successful ang opening mo..ang dami mong bisita."-Tita Esme.

"Hindi pa naman po Tita..opening palang po. Kinakabahan pa rin po ako kung kikita ba to."-Ako

"Sugal ang negosyo Rex. Dapat parati kang positive. Wag mong isipin na hindi to mag susuccess...ang isipin mo magiging successful to." Payo ni Martin.

"Tama..learn from the expert."singgit naman ni Tito Rio.

"Alam mo mas kikita yung negosyo mo kung hindi mo papupuntahin yun. Tyak kung laging andito yan isang buwan pa lang lugi ka na." Sabi ni Earl sabay turo kay Ivan na kumakain.

Natawa na lang ako.

Lagi talaga nyang pinag iinitan si Ivan.

"O sya..mamaya na tayo mag usap at mukhang marami ka pang aasikasuhing bisita." -Tita Esme

Saktong alas tres nang magsimula yung programme.

Tinawag ako ng Emcee para magsalita sa harap.

Pinag prepare ko si Ericka ng speech para dito pero sa huli mas pinili ko pa ring magsalita ng galing sa puso.

"First of all I would like to thank all of you for coming into this event.

I never expect even in my wildest dream that this day would come.

Yung araw na bubuksan ko ulit tong lugar na to.

4 years ago naging saksi itong lugar na to sa pagmamahalan ng dalawang tao.

Halos lahat nang importanteng pangyayari sa buhay nila laging dito ginaganap.

Kaya naman ng mawala ang isa sa kanila, naging napaka sakit para sa isa ang makita ang lugar na to.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon