Earl's POV
Ano yun?
Bigla akong naalimpungatan ng marinig kong kumakalabog yun pinto.
Kasabay nun ang pag sigaw ng isang lalaki.
Nak ng tokwa...katutulog ko lang kaya dahil magdamag akong nagbantay sa babaeng to.
Tumayo ako at binuksan yung pinto.
Kitang kita ko ang pagkabigla sa mukha nilang lahat.
Oo...Ako nga...si Earl Aaron Madrigal ang may pakana ng lahat.
"Anong ibig sabihin nito Earl?" galit na tanong ni Brent.
Sa mukha nya palang handa syang manapak any time.
"Baka gusto nyo munang pumasok. O gusto nyong dito ko na sabihin ang lahat.?" sabi ko sabay balik sa pwesto ko.
"Ericka!"sigaw ni Brent ng makita nyang nakahiga sa Ericka sa tabi ko.
"Anong ginawa mo sa kanya. Hayup ka Earl..akala ko pa naman kaibigan ka namin...ahas ka pala."sigaw ni Brent.
Susuntukin nya sana ako kaso napigilan sya nila Rex.
"Wow! Ang Oa ng reaksyon mo ha! Parang sa hotel mo nakita ah! Excuse me Brent!!! Ospital to noh..." -Ako
Biglang lumabas yung doctor sa connecting door. Opisina nya yung nasa kabilang bahagi.
"Hayaan nyong ako magpaliwanag at baka mapatay nyo yung pamangkin ko ng wala sa oras." Sabi nya.
"I'm Dr. Ako yung doctor na gumamot kay Ericka 5 years ago."
Yup! Tama! Si Tito Claud nga yung lalakeng parati kong kasama simula nung umuwi ako galing London.
"Ikaw? Eh di ba ang sabi patay kana daw?" Gulat na tanong ni Jam.
"Nope! It was actually a show...fake death... ginagawa yun sa ibang bansa kung gusto mo ng kumawala sa limelight pero di mo magawa. Iny my case..sa sobrang dami ng pasyenteng gustong mag hired sakin hindi ko na nagagawa yung tungkulin ko sa UGS kaya napag isipan kong pekein yung pagkamatay ko." paliwanag nya.
Lahat sila nabigla.
Nakita kong tumingin si Rex sakin.
Nabasa ko agad yung iniisip nya.
"Alam ko iniisip mo pero Sorry Rex, my sister's death is 100% legit." singit ko.
Bakas sa mukha nya ang lungkot.
"Going back to Ericka, nung araw na kinuha namin sya sa ospital na pinagdalhan nyo, isinagawa agad namin ang operasyo. After 3 days, gumising sya at ngayon minimonitor nalang namin yung response ng gamot sa katawan nya. Pero so far so good. Ligtas na ang kaibigan nyo. Nagpapahinga na lang sya. Wala ng binta sa buhay nya." Sabi ni Tito
Lumapit sakin si Brent. Biglang napa luhod at nag iiyak.
"Salamat Earl. Maraming salamat...Tatanawin kong malaking utang na loob sayo to. Salamat." sabi nya sabay yakap sa paa ko.
"Putcha tumayo ka nga dyan sisipain kita. Hindi nga ako nagpapa yakap sa babae..sayo pa...ireserba mo yang yakap mo kay Ericka dahil kahapon ka pa hinihanap nyan." Sabi ko sabay alis ng pagkaka yakap nya sa binti ko.
Lumapit sya kay Ericka at yumakap.
"Andito na ko Babe...hindi na kita iiwan ulit.." sabi ni Brent sabay halik sa noo ni Ericka.
"Yuck!! Clingy...ewww!!"-Ako
"Dahil andito na kayo, uuwi na ako."sabi ko sabay lakad palabas.
Pero pinigilan ako ni Jam.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...