CHAPTER 10: MISSING

1.4K 39 1
                                    


Earl's POV

Pagkagaling ko sa condo ni Kuya Martin para kunin yung mga papers nya umuwi na ako sa bahay. Wala na naman kasi akong pupuntahang iba. Buti nga at naisipan kong daan yung mga kabarkada ni Eryl kahit paano nalibang ako.

Pagdating ko sa bahay andun na si Fred naghihintay. Kanina kasi habang pauwi tinext ko sya at pinapunta sa bahay. May pinakuha kasi ako sa opisina ni Kuya Mart.

"Hi Boss!" bati nya sabay tayo. Tumango naman ako kaya umupo ulit sya.

"Pinapasabi nga pala ng Underground Council na pumunta ka daw dun sa Linggo. May royalt battle daw na magaganap." sabi ni Fred.

"Pag iisipan ko. Busy ako sa mga pinapagawa ni Kuya." malamig kong sagot. 

Mula kasi nung nag migrate kami sa London, nawalan na ako ng gana manood ng mga UG Fight. Naaalala ko lang kasi si Eryl kapag andun ako.

"Wow! Ang ganda ng sapatos mo boss ah! Galing ng UK?" tanong ni Fred. Napansin siguro nya kasi naka de-kwatro ako.

"Hindi, galing lang mg mall." sagot ko.

"Sino pumili? Ang ganda boss bagay sa inyo," –Fred

"Hindi ko alam." Sagot ko. Hindi ko naman kasi talaga alam kung sino yung nagbigay nito.

"Ngek! Pwede ba yun? tanong ni Fred

Eh sa hindi ko talaga alam kung sino anong gagawin ko?

Flashback

Magiisang oras na akong paikot ikot dito sa mall wala pa rin akong makitang maayos na sapatos. Nakabili na ako ng apat na pares pero yung hinahanap ko hindi ko talaga makita. Tinawagan ko na nga yung isang driver ko para may taga bitbit ako.

"Eto Sir baka gusto nyo po?" sabi nung isang sales lady. 3 na silang nasa harap ko pero wala talaga akong gusto sa kanila. I mean as sapatos na dala nila.

Tumayo ako para mag ikot ikot pero mukhang susunod na naman sila.

"Wag nyo kong sundan. Dyan lang kayo!" sabi ko sa kanila. Sinubukan kong hinaan yung boses ko para hindi marining nung ibang customer pero mukhang narining pa rin nila kasi napatingin yung iba.

Nakakainis kasi. Dito kami sa store na to laging bumibili ni Eryl ng sapatos. Wala kaming binibilhang iba pero ngayon hindi ako makahanap ng gusto ko. Parang ang hirap hirap mag hanap.

"Kung andito ka lang sana hindi mahirap to eh! Haist Princess!" sabi ko habang nag iikot ikot sa mga stall nila.

Ilang minuto na akong nag iikot wala talaga kaya naisipan ko na lang umuwi.

Sinenyasan ko na yung driver ko na lalabas na kami pero biglang may lumapit sa aking isang sales lady.

"Sir eto oh baka gusto nyo po." Sabi nya sabay abot ng black shoes.

Hindi ko sana papansinin kaso nang makita ko yung sapatos bigla akong napatigil.

Ang ganda, simple pero may dating. Sino kaya namili nito.

"Kanino galing to?" tanong ko.

"Kay Maam po Sir." Sabi nya sabay lingon sa may pinto. Pero walang tao kundi isang lalaking kapapasok pa lang.

"Ai lumabas na yata." Sabi ni Sales lady habang pa lingon lingon.

"Anong hitsura?" tanong ko.

"Babae po. Siguro mga 22 years old po tapos mabaha yung buhok. Maganda po sya sir." Sabi nung sales lady. Bigla akong kinabahanan. Isa description nya isang tao lang ang pumasok sa isip ko. Agad kong kinuha yung cellphone at pinakita yung picture ni Eryl.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon